Kanin  (Photo Credit:    Iskandals)

Kanin (Photo Credit: Iskandals)

Naranasan mo na bang kumain ng junkfoods ang ulam? Yung tag pipiso sa tindahan tapos sangdamukal na kanin para lang maibsan ang gutom mo?  Oh kaya naman mag-ulam ng kape tapos kanin? Sa totoo lang, kung minsan nakakaiyak pag nasa ganun sitwasyon ka ng buhay mo.

Sa tuwing isusubo ko ang isang piraso ng chichirya at isasawsaw sa suka at susundan ng dalawang subo ng kanin, tumutulo ang luha ko, naiisip ko, bakit ba kasi ganito kahirap ang buhay ko, na kahit anong pagsusumikap ang gawin ko ay nandito pa rin ako sa sitwasyon ng kahirapan na kahit kumayod ka nang kumayod at the end of the day ay naghihikahos ka.

Wala naman akong balak manisi sa kahirapang dinaranas ko. Kung hindi mo pa naranasan kumain ng junkfoods ang ulam, wala kang karapatang sabihan akong maarte kasi wala kang alam sa pinagdaraanan ko.

Habang dumaraan ang araw at gabi, lalo akong nahihibang. May nakalimutan pala ako kasi sarili ko lang iniisp ko. Mayroon nga pala tayong Ama na nasa langit na dapat humihingi ako sa kanya ng pagkain sa bawat araw, humihingi ako dapat ng kalakasan upang sa bawat oras na inilalagi ko dito sa mundo ay maging karapat- dapat ako tawagin anak Niya.