up down up down left right left right B A B A select start

Every kid of the 90’s knows what this is. It’s not an out of this world code that needs to be deciphered. Even God knows it.

Originally released in 1983 by Nintendo, the Family Computer game console reached its popularity here in our country in the early 90’s.

Dahil nga popular ito lalo na sa mga kabataan, isa ako sa mga nangarap magkaroon ng hi-tech machine na ito. Nakikilaro lang kasi ako sa dati kong bestfriend na si Jepoy. Sabi ko sa erpats at ermats ko noon, gagalingan ko sa school basta bibilihan nila ako ng pangarap ko. Lumipas ang maraming panahon, nakikilaro pa rin ako sa mga kapitbahay naming may pera o kaya ay nakikinood sa bintana ng mga anak ng Japayuki. Buti nalang noong nag-grade five ako at nakatanggap ng medal for second honors, pinadalahan ako ng pera ng lolo at lola ko na naka-base sa Hong Kong para makasabay sa uso.

Medyo mahal pa ang Family Computer noon, parang bumili ka na rin ng Playstation 3 kung ikukumpara ngayon. Awa ni Bro, nagkasya yung one thousand five hundred pesos na regalo sa akin. Hindi Nintendo yung tatak na binili namin sa Deeco Farmers Plaza sa Cubao. Hindi ko na maalala kung ano. Basta malayo ang itsura niya. Clone (pirated) from China. Sabi ko, okay na ‘yun kaysa wala akong laruan. Kasama naming bumili yung pinsan kong si Bambie noon. Iyak nang iyak, ‘di mapatahan, kasi naiinggit sa akin. Ganun katindi ang NES sa mga kabataan…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.