Chris Brown’s Booger (Photo Credit: W3spine)

Chris Brown’s Booger (Photo Credit: W3spine)

This story is made from the creative mind of Yhuan Vegetarian. Any resemblance to actual people, places or events is purely coincidental. If ever there is any resemblance to actual people who are working in a call center it is not intentional and is not meant to ridicule any people. (kunwari di sinasadya.)

Noong unang panahon may isang mayamang binata na nagngangalang Chris Booger. Lahat ng hinahawakan nya ay nagiging ginto. Mabait at gwapo si Chris Booger at marami ang nahuhumaling sa kanya. Ngunit sya ay walang asawa dahil sa tuwing hahawakan nya ang nililigawan nya ay agad itong umiiwas dahil sa alam nila na ang anumang mahawakan ni Chris Booger ay magiging ginto.

Samakatuwid ay wala sa mga babae ang pumapayag na maging kaniyang kabiyak. Lingid sa kaalaman ni Chris Booger ay nakikinig sa kanya ang isang masamang salamangkero si Yuan Tutuban kalaban ng sangkatauhan. Si Yuan ay isang mahirap na salamangkero ngunit may kakayahan siya sa Dark magic at kasing itim nya ang kanyang budhi. Nag-isip siya ng paraan para makuha ang kayamanan ni Chris Booger. Minsan naglalakad si Chris Booger sa bukid ay may nakita siyang isang langaw. Sinubukan nyang hulihin ito ngunit naisip nya na pag nahawakan nya ito ay mamamatay ito at magiging ginto. Dahil naaawa sya sa langaw ay sinubukan nya na lang hulihin ito gamit ang kanyang dila. Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ay nalunok niya ang kawawang langaw na namatay din naman. At matapos malunok ang kawawang langaw at tila isang panaginip na may dumaang isang magandang dilag sa kanyang harapan. Nabighani ng sobra ang puso ni Chris Booger sa magandang dalaga kaya’t lumapit siya rito at sinabing “To get off to a good start may I have your name please?” Sumagot naman ang dalaga at sinabing “My name is Trining Prases . How’s the weather there?” Nataranta si Chris Booger at hindi alam ang isasagot. At nawala sa isip niya ang ang sumpa sa kaniya kaya nakipagkamay sya na hindi naman tinanggihan ni Trining Prases. At sa isang iglap kasabay ng kulangot sa daliri ni Chris ay naging ginto din si Trining Prases. Nagulumihanan si Chris Booger.  Ito ang kauna-unahangbabae na masasabi nyang minahal niya kay Melinda Songer, Miriam Dakila, Joanna Brother at Terry Mobile. Depressed na depressed si Chris Booger, para syang representative na nadelay ang order at nasingil ng shipping fee. Eto na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Yuan Tutuban. Sa gitna ng makapal na usok ay biglang lumitaw si Yuan Tutuban. Humahalakhak na tila isang adik na nakalanghap ng Dragon katol with the tagline Dragon kung umusok lamok siguradong Teypok.

“Kaibigan, nais mo bang maibalik sa dati ang iyong kasintahan? At tuluyan na ring maalis ang sumpa sa iyong mga kamay?” ani Yuan Tutuban. “May alam akong paraan para maibalik sya sa dati ngunit may kailangan kang kunin para sakin para maibalik sa dati ang iyong kasintahan.” dagdag pa nito.

“Ano yon?” Sagot ni Chris Booger, “lahat ay gagawin ko mabalik lang sa dati ang kasintahan ko”. (kapal din naman nito kasintahan daw di naman sya sinagot pa ni Trining Prases, You wish Asshole!!!).

“Kailangan mong kunin ang makapangyarihan YAG balls ng katunggali kong salamangkero na si Erick Chikinini.” Kung mapapasakamay ko ito ay magagawa kong ibalik sa dati ang iyong kasintahan at bukod pa ryan makakatanggap ka din ng Skin So Shiny Anti Acne with kulangot buster bundle.” ang pahayag ni Yuan Tutuban.

“What! Skin So Shiny Anti Acne with kulangot buster bundle?” gulat na gulat na sambit ni Chris Booger.  “I have been wanting to buy that item for years but it is a very rare product and only members of the inner circle are allowed to buy that.” (napaenglish si mokong sa sobrang excitement).

“Oo! limited edition and very rare product ito at ibibigay ko sayo kapalit ng YAG balls ni Erick Chikinini at bonus pa na mababalik ko sa normal ang kasintahan mo at maalis ang sumpa sa mga kamay mo.” pangungumbinsi ni Yuan Tutuban “Ano payag ka na?” dagdag pa.

“But of course gagawin ko ang lahat!” buong sayang sambit ni Chris Booger na parang isang representative na nauto ni Yuan Tutuban na bumili ng upsell.

At binigyan sya ng map ni Yuan Tutuban para makarating sa hide out ni Erick Chikinini. Mahigpit na binilin nito na sundin nya ang map dahil mamamarkdown sya ng 6 pts. pag hindi nya to sinunod. At nakalagay sa map ay(to the tune of Dora the Explorer)  Gubat, Kuweba, Erick’s Hideout,  Gubat, Kuweba, Erick’s Hideout, Yeyyyyy!!!!.

At nagsimula na ang paglalakbay ni Chris Booger.  First stop gubat, while walking on the jungle ay may nakita syang isang babaeng lobo na sumasayaw ng pandanggo. Dahil sa naliligaw na si Chris at kanina pa sya paikot-ikot sa puno ng bayabas ay naisipan nyang tanungin ang lobo na kahawig ni Angel Locsin at nakapose na parang nasa cover ng FHM magazine.

“Mawalang galang nga po, maaari po bang magtanong?” bungad na pagbati ni Chris.

“Unang una wala ka talagang galang dahil di hamak na mukha kang matanda sakin at pangalawa nagtatanong ka na.” galit na sagot ng magandang lobo.

“Pasensya na po, kasi po ay kanina pa ko naliligaw, 30 times na ko paikot-ikot dito sa puno ng bayabas pero hindi naman ako nakakaalis, natapos ko na nga ng 5 times ang sayaw mo eh.” paliwanag ni Chris.

“Oo nga kanina ka pa paikot-ikot jan at akala ko naman ay nakikipaghabulan ka lang sa mga bulate o di kaya ay naghahanap ka lang ng hinog na bayabas.” sagot naman ng lobo.

“Hindi naman nalibang lang ako sa panonood ng sayaw at feeling unti unti na nahuhulog ang puso ko sayo!” sambit ni Chris Booger habang naglalambitin ang isang kulangot sa tungki ng kanyang ilong.

“Puso mo ba ang nahuhulog o yang kulangot na nakikita ko sa ilong mo?” sagot ng lobo “Oo nga pala di ko pa nasasabi ang pangalan ko, ako si Kim Boh”  (uulitin ko para sa nagbabasa Kim Boh) “At ikaw sino ka naman?”

“Ako nga pala si Chris Booger at kinagagalak kitang makilala, sana ay maturo mo sakin ang tamang daan papunta sa hideout nin Erick Chikinini dahil kailangan kong matulungan ang aking katipan.” pagpapakilala ni Chris (Tama ba yun? katipan ulit sinabi nya? Girlfriend your face!!!) “Ngayon kung ayaw mo naman ay mawawalan na ko ng pag-asa na maibalik sya dati kaya ikaw na lang ang mamahalin ko.” dagdag diskarte pa ng mokong.

“Ah kung ganun tigilan mo lang ako sa mga diskarte mo na kasing edad na ng lolo ko sa tuhod, Ituturo ko na sayo ang daan.” nandidiring tugon ni Kim Boh. ” Nakikita mo ba yang signboard na nakakabit dyan sa puno ng bayabas na  iniikutan mo kanina pa? Yang may nakasulat na “To Erick’s Hideout Follow This Path” sa tabi ng puno may path na sundan mo na lang di kasi nagbabasa. Sa dulo ng path ay may makikita kang sakayan ng jeep papunta sa isang kuweba. Tandaan mo ang sasakyan mo ay ung kuweba hindi Cubao. Medyo magkatunog kasi kaya wag kang basta sasakay tingnan mo yung signboard.  Pero ipapaalala ko sayo, May isang halimaw sa daan at kailangan mong mag-ingat.” tuloy tuloy na sabi nito. “O sige mauna na ako at may practice pa kami ng jabbawockeez sa america’s best dance crew”.

“Maraming salamat sa tulong mo” sabi ni Chris sabay abot ng kamay para makipagkamay kay Kim

“Wag na,”sabi naman ni Kim “Hindi ako sigurado kung saan saan nanggaling yang kamay mo”

At umalis na nga si Chris Booger at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay