Pagmamahal….
Paano mo nga ba masasabi sa sarili mo na…”eto na nga?! Siya na talaga..”
Gaano ka ba kahanda na iwasan at iwanan ang mga nakagawian mo nang gawin sa iyong buhay, simula noong matuto ka magmahal at makipag-relasyon…
Anu-ano ang mga bagay na nakatutulong upang, sa bawat pakikipag-relasyon, maiiwasan mo ang muling maghanap ng iba pa?? na kahit na sa anu pa mang kadahilanan, alam mo na mayroong masasaktan..ang taong iyong karelasyon, ang taong naging malapit sa iyo at higit sa lahat, ang iyong sarili.
Sa bawat relasyon ba, ano ang mahalaga? ang pagmamahal…ang respeto…tiwala…unawa…suporta…pagtanggap ng lahat ng kahinaan at kalakasan…pagttyaga…pagiging bukas at tutoo… para sa iyo…ano ang pinakamahalaga?
Sapat na ba ang mga katagang…MAHAL KITA!!!
Sa huli, pinkamahalaga pa rin ang pagmamahal…sa tamang paraan…sa tamang panahon…at sa tamang tao.
Sapagkat sa huling sandali ng ating buhay…ang pagmamahal na iyong inialay at ibinigay sa taong yaon, sa mga taong naging bahagi ng iyong buhay, na naging kasama mo sa iyong paglalakbay…ay ang pinakamasayang alaala at pinakamagandang pakiramdam na siyang lulukob sa iyong puso at diwa…
author: makata
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.








sa larangan ng pagmamahal ang kata mo nga makata, mula sa puso ang bawat salitang binitiwan mo.. Keep on writing…