Lapis at Papel      (Photo Credit  :    Clipartclipart)

Lapis at Papel (Photo Credit : Clipartclipart)

Kung palakihan lang ay tiyak na lalampasuhin ng Pinas ang bansang napuntahan ko. Dito ay may land area na 710.2 km2 na halos kasing laki lang ng Metro Manila na mayroong 638.55 km2. Metro Manila pa lang ‘yan.

Maaaring mas malaki nang kaunti ang lupa dito kaysa Metro Manila pero pagdating sa dami ng kumpanya ay higit namang mas marami sa buong Metro Manila na uso ang kanya-kanyang raket.

Andiyan ang pautang at walang kamatayang patubo ni Aling Pasing, ang tindang marsh mallows ni Ma’am na may kasama pang plus ten at ang mamahaling ticket ng mga enforcer sa kalye.

Pati bahagi ng katawan ng tao ay binebenta tulad ng atay, bato, mata, kuko, kulot na buhok, isama mo na pati kaluluwa na nabibili sa parke.

Pero walang tatalo sa mga nakamamatay na pirma nila Barangay Kupitan, Tongsehal, Vices-Mayor, Alkal de Kupit, Tonggressman, Governor Jueteng, Sinator, Vices-Persistent, Presindent, at ang mga Kabit Secretary na taga-ingat bulsa.

Sabi nga nila kung gusto mo raw ng instant business ay pumasok ka sa bisyong-publiko. Laway lang ang puhunan, panalo ka na.

Siyempre kailangan mo ‘ring magturok ng konting pampamanhid para ‘di mo maramdaman ang lahat ng ginagawa mo. Bumili ka na rin ng shades o tapaoo ng kabayo, huwag mong tatanggalin para maging bulag ka na sa katotohanan.

The gross domestic product (GDP) or gross domestic income (GDI) is a measure of a country’s overall economic output. It is the market value of all final goods and services made within the borders of a country in a year. It is often positively correlated with the standard of living, alternative measures to GDP for that purpose.

Taong 2009, ang GDP ng Pinas ay 161,196 billion fans. Aba, malaki ito ha, bilyones!

Ang bansang napuntahan ko naman ay merong 182,231 billion fans. Nyek! Mas malaki ang Pinas pero bakit mas maraming fans dito.

Dito sa ibang bansa hindi ka basta-basta makakapasok sa trabaho, may mga proseso pero mabilis pa rin naman, hindi uso ang walang katapusang hearing-hearing o temporary restraining order. Desisyon agad.

Kapag natanggap ka sa trabaho ay puwede ka nang ngumiti pero bawal ka pang magpakalasing para mag-celebrate. Step one pa lang kasi yun.

Meron ditong tinatawag na MOM, as in Ministry of Manpower. Huwag kang mag-alala hindi sila mga pastor.

MOM is a ministry that directs the formulation and implementation of policies related to manpower.

A Great Workforce/A Great Workplace are presented as a pairing, because MOM sees the workplace as the container for human capital. Human capital realizes its potential and creates value not in a vacuum but most often in organizational settings.

The setting plays a critical part in determining whether individual talent is developed or remains latent and untapped.

MOM claims its vision embodies the aspirations of lifelong learning and the need to adapt, learn and re-learn skills, attitudes and competencies for lifelong competitiveness and employability, in order to cope effectively with the demands of the changing economic environment.

Kung hindi mo ito naintindihan ay manigas ka na lang habang nakahiga.

Kapag natanggap ka ng kumpanya ay i-aaply ka nila ng work pass depende sa kwalipikasyon mo bilang isang torero.

Non-residents must hold a valid work pass before they can work. Employers who hire foreigners without valid work passes can be prosecuted under the Employment of Foreign Manpower Act.

Kung sa Pinas ay maraming pasas at puro paasa, dito naman ay maraming klase ng passes. Ang work pass ay depende sa iyong personal na kwalipikasyon tulad ng eskuwelahan na iyong pinag-aralan, ang related-experience mo sa trabahong ina-aplayan mo at kung ilang taon ka nang nagtratrabaho sa ganitong posisyon.

Halimbawa holdaper ka sa Pinas. Ang tanong ay kung saang kanto ka ba nag-aral mang-holdap? Holdaper ka ba talaga? At kung ilang taon ka nang holdaper?

Kung G.R.O. ka naman, ang tanong ay kung saang beerhouse ka ba galing, G.R.O. ka ba talaga at kung ilan na ba ang tumira sa bahay nyo?

Ibig sabihin, kapag maganda ang pintura ng school building niyo, sigurado pasok ka sa banga pero kung ultimo nakalawit na mga bakal ay hindi maayos-ayos malamang bagsak ka.

Kung mag-aapply ka bilang programmer dapat ay may mahabang experience ka na ‘ring maging programmer. Kahit yung taga-ayos lang ng program para sa gay contest tuwing piyesta sa inyo puwede na siguro ‘yun, bilangin mo na lang kung ilang taon.

Kapag na-deny ka ng MOM ay hindi ka na puwedeng tanggapin ng kumpanyang inaplayan mo kahit gusto ka pang dilaan ng baklang interviewer.

Bagsak ka sa step two kaya kailangan mong maghanap ng panibagong aaplayan.

Kontrolado ng gobyerno ang mga kumpanya dito pagdating sa manpower, hindi nila papayagang basta magdagdag kung hindi kakayanin ng kumpanya.

Wala nga namang babagsak o malulugi dahil sa napakaraming empleyadong hindi naman kayang pasahurin ng tama.

May limitasyon din kung ilan ang dapat na foreigners sa bawat kumpanya depende sa laki ng income para mabalanse ng tama ang bawat posisiyon na kung titignan mo sa iba ay ibang-iba na napakaraming bossing na puro lang naman nakanganga at halos manuno na sa kaka-utos.

Kung ating susuriin, pati sa pagpapatakbo ng negosyo sila ay napakadisiplinado, metikuloso at matuwid, bagay na may hatid na magandang mga resulta para sa ekonomiya ng isang bansa.

Kung tutuusin, sa atin ay marami naman talagang plano para maayos ang ating gobyerno at ekonomiya, maraming mga lapis na handang magsulat, ang problema lamang ay wala silang masulatang malilinis na mga papel dala ng mga bakat ng pamburang ginamit ng mga taong burara.

Palibhasa hindi gumamit ng isang tuwid na ruler para hindi bumaliko ang utak at dungisan ang mga papel.

Bawat isa sa atin ay maituturing na mga lapis na may kanya-kanyang papel sa buhay, minsan kailangan lang nating gumamit ng isang matuwid na ruler para maideretso ang bawat guhit ng ating kapalaran.

Lahat tayo ay lapis na naghahangad ng isang malinis na papel sa buhay para sa ikauunlad ng ating bansa, aanhin nga naman ang lapis kung wala namang malinis na papel?

We have the manpower, but we don’t have the correct ministry, when can we learn?

Ang Alamat ng Passport: Chapter 6 of 20 Alamat ng Lapis at Papel, mula sa panulat ni Ompong Dilat, ang tagamulat ng mga alamat