When a Foreigner Meets the ‘Taga-Bukid Girl’
Papaano ko ba simulan ang kuwentong ito? Hmm, ang hirap kasi magsulat kapag marami kang iniisip. Sige, ikukuwento ko na naman ang love story ko. Normal na naman ang ‘foreigner-pinay’ love team diba? Kahit saan mayroon nang ganyan, kumbaga ang beauty ng mga Filipina ngayon ay pang International na talaga.
Well, this is it. Nakilala ko siya sa isang Chinese supermarket, ala- una ng madaling araw, last hour ng duty ko noon as a cashier.
Bob: Are you Chinese or Filipina?
Me: Filipina.
Bob: I like Filipina. I like you, very cute (English Carabao)
Me: (blushing) Thanks.
Bob: Give me number??
Me: No, I lost my phone. (kahit hindi naman,pakipot effect, kinakailangan eh.)
Bob: Wallah? (in Arabic, sure?)
Me: Yes.
Bob: I see you around?
Me: maybe.
Then tumalikod na ako para asikasuhin ang customer. Para akong sira ulong pangiti-ngiti habang busy ang aking kamay sa pag-scan ng products. Kinikilig ako nang lihim nasabihan lang ng ‘cute’.
To summarize the story, after two weeks na pagbisi-bisita niya sa akin, naging kami. Hatid-sundo na ako, may delivery of gifts na akong natatanggap. Niyaya na rin ako ng date, na first time in my entire life ko palang naranasan.
Dumaan ang mga araw at naging buwan (naks!) tumagal kami ng isang taon. At sa mga panahong iyun, kailangan ko magbakasyon sa aming probinsya sa Pilipinas, sumama siya sa akin. Sa simula pa lang ay pinaalalahanan ko na siya sa kung anong klaseng buhay mayroon ako sa aming bukid. Hindi ito kasing high-tech gaya ng sa ibang lugar. Pero ang sabi? ‘ No problem, I will visit there with you because of you and meet your family’ Okay..okay fine..will see that.
—–
Paglapag ng eroplano sa NAIA, sumambulat na agad ang hindi kanais-nais na larawan ng Philippine Airport. Dahil connecting flight kami papuntang Cagayan de Oro, doon na kami nagpalipas ng limang oras sa loob, hindi ko na hinayaang malanghap niya ang labas ng Pasay kung saan malamang ay 5 percent bawas point yun.
—–
Pasakay na kami ng eroplano patungong probinsya,hin di ko maintindihan ang nararamdaman ko, sobrang kaba at takot sa maaari niyang expression pag nakita ang kubo namin sa tabing ilog. Ang papag naming yari sa kawayan, ang banyo na de tabo, Telebisyong 14 inch lang black and white pa, ang bubong namin na yero na butas-butas at kapag umuulan ay tumutulo na. Wala kaming malambot na kama, walang aircon, walang signal gaano at higit sa lahat ano ang ipapakain ko sa kanya, saging at kamote?
Noon pa ma’y tanggap ko na kapag nakita na niya ang estado ng aming buhay ay malamang walang sabi-sabi ay lilipad na siya pabalik ng Dubai at kalilimutan na ako. Aaminin kong sobrang hiya at takot ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.
Nakarating na kami sa aming baryo, namangha siya dahil sa dami ng taong sumalubong sa amin, nakatingin sa kanya, animo’y isa siyang artista, tuwang- tuwa naman siyang kumakaway pa. Nilakad namin ng 30 minuto mula sa babaan ng Bus patungo sa aming tahanan. At doon, kitang kita ko ang question mark sa mukha niya..nagtatanong..at nagtataka..kung paano kami nabubuhay sa ganoong sitwasyon.
Sa sobrang dami ng taong sumalubong sa amin, nakalimutan naming bumili ng makakain niya, tuloy ay kailangan naming magkatay ng manok para sa kanya, ang masaklap ay kailangan pang hulihin ang tandang ni papa.
Bob: What are you doing?
Me: We will catch the chicken for you..because here, if you want to eat chicken, you will have to catch it.
Bob: (Natawa) Wallah?
Me: Yes
Bob: Okay, I help you (sabay hubad ng kanyang tshirt at nagsimulang hanapin sa sulok ang manok)
Habang nandoon siya sa aming kubo, dinadaan na lang niya sa biro ang mga katanungan gumuguhit sa kanyang isip. Walang oras na hindi kami nagtatawanan kasama ang pamilya ko at mga kapatid. Pareho kasing ‘english carabao’ ang alam niya at ng pamilya ko, kaya bawat usapan ay hindi nawawala ang action. Ipinasyal ko siya sa aming bukirin, pinagsuot ko siya ng bota, sombrero at jacket , hinayaan ko siyang pitasin ang lahat ng bunga ng mangga. Tuwang-tuwa siya sa nakikita niya sa aming bukid taliwas sa aking iniisip noong nasa eroplano pa lang kami.
Ilang araw din ang tinagal namin sa aming probinsya, dama ko ang pagk miss niya sa buhay na mayroon siya, kaya naman nagdesisyon na kaming lumuwas ng Maynila at doon hintayin ang araw ng aming pagbabalik Dubai. Matapos ang karanasang iyon, narealized kong kapag mahal ka talaga ng isang tao, tatanggapin ka niya kahit sino ka pa nang buong-buong- buo. Handa niyang tikman ang luto ng nanay mo, magtampisaw sa ilog at mamundok kasama mo at matulog sa papag na kawayan. Makipagkwentuhan sa mga kapatid mo sa lilim ng punong mangga. Hay..sarap ng feeling.
Pagkabalik namin sa Dubai, ikinuwento niya sa mga kaibigan niya at pamilya ang naging karanasan niya sa piling ko doon sa aming bukid.
Salamat Bob, salamat sa pagtanggap sa akin.
author: aimeeindubai
(Nice love story, ms. aimee! ^__^)
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
"Hindi na Ako Lilingon"..
Working Mom
A Second Look at an Imperfect Marriage
Noong Bata Pa Tayo
Indifference
Ambulansiya de Paa
No One But You
Balik-Tanaw: Ano ang Masasabi Mo sa Kasikatan ng TELETUBBIES Noon?








Inspiring story.. a proof that love truly exist in every heart of a human being..
[...] syempre pa, ipinakilala ko rin si Bob sa pamilya ko, (please read http://definitelyfilipino.com/blog/2012/07/24/when-a-foreigner-meets-the-taga-bukid-girl/) Tanggap niya ako sa kabila ng kahirapan namin at sa buhay merun kami sa aming bukid. Taliwas sa [...]
sweet,, galing bihira ka lang makakatagpo ng ganan.. ^_^
Tama..God is Great!!