English: Ramadhan Kareem!

English: Ramadhan Kareem! (Photo credit: Wikipedia)

Ikatlong araw ngayon ng Ramadan, unang Ramadan ko bilang asawa ng Arabic (siyempre muslim). Ano nga ba ang concept ng Islam? Ay, huwag na nga po nating pag-usapan ang relihiyon, let’s tackle my experience.

Noong ikinasal kami, ipinaunawa sa akin ang mga dapat at hindi dapat, at tinalakay ang libro patungkol sa pagiging muslim. Kasama na ang pagsapit ng Ramadan. (Please, let us respect each other’s beliefs).

Heto ako ngayon, tanggap ko ang lahat. Dahil Ramadan na nga, isang buwang ‘fasting’ ang dapat kong ma-experience. Isang buwan kong titiisin ang gutom, uhaw at ‘loving-loving’ (bawal, haram). Kung sanay ka sa tsibugan, ay hahanap- hanapin mo talaga pagsapit ng tanghalian,… na minsan ay fried chicken na ang tingin ko sa pusang dumaan sa pasilyo ng ‘C’ block, na gusto ko nang inumin ang pumapatak kong pawis.

Hay, ang hirap magfasting sa unang pagkakataon. Naranasan kong matulog nang maaga at gumising nang alas tres ng madaling araw para magluto at kumain, sa mga oras na yun, kailangan talagang kumain nang kumain at magpakabusog dahil pagsapit ng alas kuwatro, wala nang kainan at inuman.

Mainam ito sa mga medyo may ‘chubby’ body, at gustong mag-diet. Ngunit paano naman akong slim na ang pangangatawan, lalo na akong mangayayat nito. Ikatlong araw pa lang ng Ramadan, mayroon pa akong twenty seven days na bubunuin. Maaari ka namang kumain kung talagang hindi mo kayang mag- fasting, pero para sa akin tatapusin ko kung ano ang nasimulan ko na.

Naalala ko kahapon, nasa trabaho ako, halos maduling na ako sa uhaw, pagbukas ko ng cabinet sa tabi ko, tumambad sa akin ang bote ng mineral water, napalunok ako sabay tingin kung mayroon bang tao sa aking paligid, saktong wala, akma ko na sanang dadamputin ang bote, sabay laklak, nang biglang magring ang telepono. Badtrip.

Maya-maya pa ay nagsulputan na ang aking mga kasamahan sa trabaho at hindi ko na nagawang panakaw na uminom. Alam kasi nilang lahat na nagfa-fasting din ako at ako’y muslim.

Bismillah, nakayanan ko ang buong araw ng fasting kahapon. Alas singko ng hapon ang off duty namin kasi pagsapit ng 7 p.m ay ‘iftar’ na or tinatawag na ‘break the fasting’ ; yung oras kung kailan ka puwede nang kumain, 7:12 p.m.

Dumating kami sa apartment bandang alas sais ng gabi, nagluto at naghanda na kami para sa ‘iftar’. Bilang na bilang namin ang minuto…ang bagal..gutom na gutom na kami.

At last, 7:12 p.m na..oras na ng kainan. Niyakap ko at buong pusong hinagkan ang isang bote ng tubig; kasabay ng paglaklak ko ay ang pagtulo ng aking mga luha. Luha ng tuwa. Sa wakas nakatikim na ulit ako ng tubig. Feeling ko, sobrang tamis ng tubig. Nagsimula ang normal naming hapunan.

Leksyon na aking natutunan ay, una: kung gusto mong tuparin ang isang pangako o isang bagay, maraming paraan. Pangalawa: Ang tubig ay parang tao sa buhay mo, mararamdaman mo kung gaano siya kahalaga kapag hindi mo siya nakikita o nakakapiling.

Lastly, love conquers everything in the world.  ^_^

Enhanced by Zemanta