Love Mysteries (Photo Credit : Definitelyfilipino)

Love Mysteries (Photo Credit : Definitelyfilipino)

Sawa ka na ba sa trabaho mo? Sawa ka na ba sa pagiging single mo? Sawa ka na rin sa araw-araw na nangyayari sa buhay mo? Don’t worry, hindi ka nag-iisa, ako din!  Nakapapagod, nakasasawa, nakatatamad, minsan I pray na kunin na ako ni Lord. Kaya lang marami pa yata siyang plan para sa akin at until now, I’m still here on earth.

Gusto ko nang mag-asawa, pero wala pa rin si Mr. Wrong, este Mr. Right. Ang hirap naman kasi maghanap kay Mr. Right laging Mr. Wrong ang nakakatagpo. Kaya nagbakasakali ako na hanapin si Mr. Wrong at baka si Mr. Right ang mahanap ko. Reverse pshychology lang; ewan ko kung tama ba o mali. Halos lahat na lang ng mga nakakasama ko mga single, walang boyfriend o kaya naman tumatandang dalaga na lang. Sinasabihan nga nila akong ‘wag  magsasama sa mga ganoon at baka mahawa. Minsan nga, naisip ko makipag-flirt, pero hindi ko na pala kaya. Noon siguro, pero ngayon hindi na, nag-iba na ako.

Mayroong dumarating, mayroong umaalis, mayroon ding bumabalik, pero hindi ko mapilit ang sarili ko. Matigas lang ba talaga ang puso ko o mataas lang ang standard ko? Ginawa ko na ring iba, muntik na nga eh, pero hindi yata kalooban ng Diyos na matuloy dahil kusa na lang siyang nag-iba ng timpla. Sakit sa ulo, nakakalungkot lalo na kapag mag-isa na lang ako. Ano bang pagkakamali ko at laging ganito na lang ang buhay ko?  Ayoko nang mag-isa, gusto ko nang maging masaya, pero paano?

Sabi nila, prayer and fasting, pero tila yata hindi pa ako naririnig ni Lord. Ano ba talaga, lola? Searching here, searching there, searching everywhere, pero ano’t wala pa rin? Ang kulit, kasing kulit ng Chocolate. May prospect na sana ako pero tila wala naman yatang pakiramdam, tila ako na yata itong manliligaw sa kanya. Ouch! Pride, kakahiya ako at tila desperada na ako sa seryosong bagay na ito. Sabi nga ng mga Arabo, What to do, Yani? Mga kaibigan ko, kabilaan na ang mga kinakasal tapos ako ni Bf wala pa rin. Paano ako magpaplano? Hindi naman yata puwedeng ikasal nang mag-isa lang, kasal nga eh, union of the man and woman,  ‘di ba?

Minsan pinagdasal ko, na kung sinuman ang unang  lalaking manliligaw eh siya na, but what if that guy eh hindi ang tipo mong lalaki, Lagot na? Hirap, ang gulo, pagod na ako! Ano ba ang gagawin ko?  Nasaan ka na, Pag-ibig?