Happiness    (Photo Credit:    Unicornsforsocialism)

Happiness (Photo Credit: Unicornsforsocialism)

I was inspired to share this thoughts for what I have just read. Kahit di talaga ako mahilig magsulat, di ko matiis na di ko maibahagi ito upang kahit paano, at sana man lang makapagpa-uplift ito ng isang pusong nabibigatan sa kanyang dinadala ngayon.

And here it goes:

Minsan ang failure or kabiguan pala ay isang malaking oportunidad na binibigay sa atin ng Diyos para malaman niya kung na kanino talaga ang puso natin. Kung kanino tayo kakapit…sa Kanya ba o sa kalaban niya? At para ipakita din sa atin kung gaano tayo ka espesyal na nilalang dito sa ating mundong ginagalawan.

Dito magagamit yung “free will” na ipinagkaloob sa ating mga tao. We always have a choice! Ika nga ni friendly neighborhood. At for sure, isa sa pinakamadaling piliin na kapitan e yung pain ng kalaban. BEWARE!… Tama naman na hindi masamang masaktan, normal yun sa taong nagbibigay ng pagmamahal. Pero kung ang kakapitan mo sa gitna ng kabiguan ay ang mga panandaliang solusyon at huwad na kaligayahan na panukso at pain ng kalaban’ tulad ng masamang bisyo, pag-hihiganti, pagkapoot, selos, pagkainggit, pagkukunwari, etc…Kaibigan easy ka lang, lalu ka lang nitong pahihirapan at ang epekto ay mas pangmatagalan.

Buti na lang’… buti na lang may kabutihan na likas sa ating puso! At may mapagmahal na Diyos sa dalawang pagpipilian. At ‘pag Diyos ang ating kinapitan, lahat na pare, mare, kapatid, kapamilya at kapuso ay ayos!
Mararamdaman mo na lang na gumagaan ang mga alalahanin mo sa buhay dahil sa pag-asang nararamdaman mo para sa mas masaya at makabuluhang bukas na naghihintay para sayo at napupuno na ng pagmamahal at pasasalamat sa Kanya, ang tinitibok ngayon ng puso mo’ mapapasabi ka nga ng Heaven! kung tutuusin.

Marami kang mapapansin na magagandang katangian sa sarili mo na di mo akalain noon na nasa iyo pala. Mas natututo kang makisama sa kapwa mo, mas nagiging mapagpasensiya ka, mapagkumbaba, mapagpatawad, matiyaga, masipag, mapagbigay at marami pang iba. Kasi nga hindi na tumanggap ng pagmamahal ang top priority mo, kundi ikaw na yung magbibigay at pinagmumulan ng pagmamahal. Haaay’ Life is so beautiful indeed with Love!

Kaya ikaw’ yup’ ikaw nga po, na bumabasa nito, nabigo ka ba? pakiramdam mo ba you have failed on something that is too important in your/this life? Come on’ God is good all the time! Hinihintay ka lang Niya na kapitan mo siya, piliin mo siya or yakapin mo pa kung gusto mo walang problema dun. The more you get closer to Him, the more you will feel His blessings as well as security and freedom to give and share love with others.

Nabigo ka man ng isang beses, may katumbas na limampung Big-Opportunity naman itong kapalit. Or kahit 49 lang or 51, Big-O pa rin yun na kailangan mong linangin at pagtuunan ng pansin.

Kaya kaibigan eto lang ang huling masasabi ko sa bawat pagsubok na hinaharap ng isang tao:

“Totoong walang kang talo kapag Diyos ang katoto”.