Best Friend (Photo Credit: Vi.sualize.us)

Best Friend (Photo Credit: Vi.sualize.us)

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, basta ang alam ko, mahal kita!”

(Naks) Ewan ko ba kung saang pelikula, pero solid pa rin ang tama n’ya..

Sino ba naman ang hindi pa nararanasan ang “MAINLAB?” halos lahat tayo, bata, matanda,may ngipin o wala.. hindi tayo makalalagpas diyan..

Pero paano nga ba kung dumating ito sa ‘yo na hindi pa ready ang lahat?

Kumbaga sa kanin, bigas ka pa lang na hinuhugasan?

Maraming mga kabataan ngayon ang nababaliw, natitimang, at nagmumukhang tanga dahil sa pag ibig…

Dahil ba pogi o maganda ang minamahal nila? o dahil wala lang silang magawa sa buhay nila?

Hindi ko sila masisisi kung ganoon man..

Aminin mo…sobrang sarap ng feeling ng in-lab.. yung tipong nakatingin ka sa ulap… nag-iimagine ng kung anong puwedeng mangyari pag kasama mo siya..

Sabay “Paul!! Anong mayroon sa labas?  Answer number 1!!” bulyaw ng maestrang ubod nang taray..

*****

Lagi kong naiisip…bakit hindi pa puwede?  Bakit hadlang ang marami??

Nagmamahal kami e… ano bang mahirap intindihin dun??

Pero tayo ang dapat umintindi…

Nag-aalala lang sila…lalo na ang mga magulang natin na pangunahing kontra sa relasyon..(pasalamat ako at hindi ganoon mga magulang ko).  Pero dadating din ang panahon na matatanggap nila ang lahat…

Magulang sila..natural sa kanila ang mag-isip o mataranta kapag nalamang may karelasyon na ang anak nila .. lalo na pag babae pa.

Hoy, honey, ‘yang anak mo, kumekerengkeng ha..baka mamaya mas matalbugan ng tiyan niya ang malaki mong tyan.. pagsabihan mo nga!”

Ganyan sila..kahit ano mangyari ganyan sila…

Pumuti man buhok mo sa kilikili, ganyan sila..

 nature na nila yan..

pero walang magulang na hindi iniisip ang kapakanan ng anak..  mahal nila tayo kaya sila ganyan..

PERO NASASAATIN PA RIN ANG LAHAT… tayo ang nagmamahal e…

 Basta alam nating limitahan ang pagmamahal na yan…para hindi masira ang ating kinabukasan…

^__^