(Photo credit http://www.fotosearch.com/CSP270/k2705453/)

…..’Yan na lang ang tanging nasabi ni Emma.

“Sayang ka, maganda ka pa naman at matalino din”.  Iyan ang sinabi ko sa kanya.

“Mag-aral ka, kahit sa gabi”.

Hindi lang makailang beses, nang siya ay alukin ko.  Gusto kong bigyan ng pagkakataon, at tulungan ang mga taong alam kngo mayroong mararating sa buhay.  Lalo na iyong mga taong nakakasama ko, at nagbibigay ng malasakit sa kung ano ang mayroon ako.  Mga tao na mayroon o alam kung paano pahalagahan ang kanyang trabaho.  Ginagampanan nang maayos at buong katapatan ang bawat responsibilidad na aking inaatang.  Lalo na pagdating sa pera, ito ay maaasahan.

Kapamilya na ang turing ko, sa lahat ng taong mapunta o madikit sa akin.  Lagi akong puno ng pangaral.  Hindi sa pangingialam ng buhay ng may buhay, kundi sa paniniwalang, “ Ako ay pabalik na, at kayo ay papunta pa lamang.” Nagmamalasakit lamang, iyan ang term ko.  Upang maging maganda o magkaroon kayo ng magandang kinabukasan.  Hindi habang buhay ay ganyan ka na lang.  Naniniwala ako, na nasa kamay ng bawat tao, kung paano n’ya ito babaguhin ang kanyang kapalaran.

“Hindi mo ba alam?….babaero ‘yan!.”

“Hindi ako mapanghusga, pero makailang beses na rin na mayroong nakakakita, may ibang kasama at kaakbay ang boyfriend mo!.”

“Ako mismo, nakita ko rin siya!.” 

“Hindi ko ito sinasabi, dahil nag-aalala ako na baka  umalis ka, at mawalan ako ng isang tauhan na mapagkatiwalaan ko; kundi, para paalalahanan ka!.”

Napag-alaman ko, na aware ka naman pala sa kanyang extra curricular activity.  Bukod doon, pinaalalahanan pa kita, na ang bf mo ay mayroon nang anak!  At kung sakali ‘man, sundin mo pa rin ang itinitibok ng puso mo; kailangagn nakahanda ka.  Nakahanda kang tanggapin, ang hatid o dulot na hirap ng isang buhay may-asawa; na maaring lolokohin ka rin,  kahit ikaw ay pakakasalan niya..  Ang pagkakaiba ng “kayo” lang mag-ina ang priority niya, at iyong bukod sa inyo, mayroon pa siyang responsibilidad sa iba, dahil may anak siya sa unang karelasyon.  At hindi p’wede, na e set aside niya ang responsibilidad niya sa una.   Kapag mahal mo siya kailangang nakahanda ka sa lahat ng ito.  Kailangan mong buksan ang lahat ng kakayahan mo, para unawain ito pagdating ng ‘andun na kayo sa sitwasyong ito.

“Ate, hindi na lang ako mag-aaral.” 

“Bakit?yan lang ang tanging natanong ko sa iyo.

At ang sagot mo….”Mag-aasawa na po ako!.” 

Ang nasabi ko na lang, “Oh sige, ikaw ang bahala, buhay mo ‘yan.”

Pero….sana puwede pang magbago ang isip mo, at tanggapin mo ang alok ko na, ika’y mag-aral ng kolehiyo.”

“Alalahanin mo, ang pagmamahal ay lumilipad yan, dumadaan sa bintana.  Lalo na kapag pumasok na ang bigat ng responsibilidad ng buhay may pamilya.”  Hindi ito kanin na kapag napaso ka, puwede mo itong iluwa.”

Mahirap kaya isipin, ‘yong umiiyak anak mo, dahil gutom na.  Wala pambili ng gatas, wala pa si daddy.  Saan si daddy? Ito ka, nag-iisip ka, “Leche, naman alas dose na wala pa ang kumag! Siguro,  (hanggag pumasok na sa isip mo iyong mga bagay na puwede naman hindi totoo ginawa ng asawa mo)  Pagdating ni daddy, ayun…”lashing”, kinuha mo ang wallet, at binulatlat ang “payslip”.  Anak ng tinapa naman oh! Kulang!…paano ngayon yan, ayun aburido na, etc.  At baka’di mo pa kayanin, ang iba pang mga pagsubok darating.  Ang ending, awayan na lagi, kapag minalas, may sapakan pa.  Dahil narindi sa ala-makina mong bunganga.

“Hayyy…buhay nga naman oh!”.  Oh, pag-ibig na makapangyarihan, sadya ka nga bang nakakabingi at nakakabulag at sabi nga eh nagiging tanga pa ang tao (kasama na ako ‘don…hehehehe. Kaya nga, nagpapayo eh!..’kaw talaga, kaya nga sabi ko galing na ako dian eh.)

Masarap kasi ang feeling ng meron nagmamahal, at meron kang minamahal. Kaya, hala sige lang “Harangan man daw ng sibat, walang makapipigil”.  Oo nah. Makapangyarihan nga daw ang “pag-ibig”.  Kaya nga lang marami din ang mapaglinlang na pag-ibig. Ah, basta! Mahirap explain eh, pero sana, maging wise din tayo.  Lalo na sa panahon ngayon. Mahirap na, alam na ninyo kung ano ang ibig kong sabihin.

“Buntis na ako ate!” Ha?….”Paano nangyari?…

Ang tanga ko naman, nagtanong pa paano nangyari, of course gumawa sila ng baby!…ah ewan!…’wag mo ako pagtawanan…..batukan kita diyan eh!  “Akala ko kasi, hindi mabubuo.”   Natawa ang kasamahan sa trabaho sabay sabi, “Ay tanga ka pala eh!….Natural ginawa ‘nyo ‘yan, expect mo na puwedeng mabuo, kung anuman ang ginawa n’yo!”  Andiyan na ‘yan.  Magalit man ang magulang mo, tanggapin mo. Ikaw na inaasahan pa sana, para makatulong sa pamilya mo.

O, siya humayo kayo at magpakarami.  Mag-aral ng family planning at hindi family planting.

Ang buhay pag-ibig nga naman oh!