Manny Pacquiao (Photo credit: mannypacquiao)

Manny Pacquiao (Photo credit: mannypacquiao)

Sino si Pacquiao? Siya ba’y isang hamak na boksingero lang, or is he an intellectual?

Truly, kung pagbabasehan ang kanyang natapos, he doesn’t carry the laurels of the academe; however, be that as it may, hindi yan ang basehan ng kanyang angking talino (pasintabi lang po, Senador Lapid, huwag niyo pong ipagkaila na porke’t high school lang ang natapos niyo, ay hindi po kayo matalino – may talino po kayo, nagpapadikta lang po kayo sa majority para maging sikat kayo sa mga mata ng constituents niyo). Matalino si Pacquiao, pero konti lang ang nakakakita ng kanyang inate genius.

Bakit ko nasabing matalino si Manny even if I don’t personally know him, nor am I a huge fan? Sa dinami-daming pamumuna laban sa kanya, nakapagtataka lang isipin kung maraming nagsasabi na naging sikat lang siya dahil boksingero lang siya. Kung titingnan lang talagang mabuti, makikita mo talagang he does carry himself well, and he exudes an aura of great confidence. Alam na alam inya ang katayuan niya, yet he finds ways to better himself, and if he sticks to his current level and be contented with it, walang mangyayari sa career or buhay niya. He is erstwhile wise because he accepts and understands the value of the finite. Patapos na ang chapter niya sa boxing, thus he answered to another, yet higher calling: public service.

Nakatutuwang isipin na maraming nanlalait kay Pac-man dahil sa kanyang punto. Porke ba’t matigas ang punto, ay wala na siyang command sa mga lengwaheng kanyang ginagamit sa pag-address niya sa mga audience nya? Though at times, may mga grammatical lapses ang kanyang statesments, ‘di nagkakahulugan na mabababaw lang ang mga sinasabi niya: indeed, he carries enough train of thoughts to make himself be understood by his audience. If I were to choose between him and a certain loquacious senator in an oratorical contest, I’d rather choose him over the high-spirited, highfalutin, oratorical-pugilist latter: kilala niyo po kung sino ang tinutukoy ko, but I meant no disrespect, honourable senator.

Tila napahaba na ata ang litanya ko, but this would be my final thoughts kung bakit ko nasabing matalino si Pacquiao. At this point, I’d rather say that he is wiser than most of us, kasi, at the pinnacle of his success, at kahit may mga personal siyang mga problema, he chose to invest in the best investment of life: at yun ang decision niya, to accept the Lordship of Jesus Christ as his personal Lord and Saviour. Alam niya na mas marami na ngayon ang nanlalait sa kanya dahil sa kanyang panibagong pananampalataya pero pinili pa rin niyang panindigan kung ano ang tama. And in a humble, yet exalted manner, he turned all criticism and his latest defeat into a well-respected victory from both fans and critics alike. Lastly, despite the furor of some prelates over him, being heralded as a Bible Ambassador, he is so much the wiser because he uses his podium to proclaim the Good News, unlike some priests who constantly clamour the removal of some government officials rather than praying for them.