Love     (Photo Credit:    Richardwiseman.wordpress)

Love (Photo Credit: Richardwiseman.wordpress)

Nakangiti siyang lumapit kay Jenny.  Marahil kung meron mang pambawi ang first day niya sa bagong school, malamang si Jenny na yun. Ang sugo ng mga anghel laban sa likas na alimuom ni Ms. Gulantang. Dahil kay Jenny, parang pakiramdam nya, ok naman na lahat ng mangyayari sa buong araw, parang dahil kay Jenny, araw-araw pwede na siyang pumasok sa bagong paaralang una niyang kinatakutan.

Jenny: Hi! (may bonus pang mala-leche flan sa tamis na ngiti)

Stephen: Ahm… eh… ah…. (linsiyak na puso to, bakit ba parang ramdam na ramdam ko ang bawat pagbuka ng mitral valve ko… parang masyadong malakas ang tibok ng puso na to… kailangan ko na namang kumalma… nagmumukha na

naman akong tanga…)

Jenny: Upo ka na… Wag ka mag-alala, di naman kumakain ng taga-Maynila ang mga tao dito sa Nueva Ecija.

Sinabayan ulit ng ngiti ni Jenny, parang napakanatural na kay Jenny ang ngumiti… na parang hindi si Jenny ang nagsalita kung wala yung ngiti nya… na parang kung andyan si Tom, dapat andyan din si Jerry…. o kung may kape dapat may pandesal… o kung andyan si Vice Ganda may malalait… hayz… basta si jenny at ang ngiti nya… Yun lang yata ang nasa isip ni Stephen ngayon. Ngumiti din siya, sa biro ni Jenny, nararamdaman niyang unti-unti ng nawawala ang kaba niya.

Stephen: Hindi naman ako natatakot sa’yo. Nahihiya lang kasi ako.

Jenny: Oh, bakit naman? Ang cool nga ng dating mo kanina eh.

Stephen: Talaga?

Jenny: Hala! ^_^ Bakit parang ayaw mong maniwala?

Stephen: Pakiramdam ko kasi, nakakasuya yung mga ginawa ko kanina, na parang kung ako mismo nakapanuod sa sarili ko eh babatuhin ko mismo ang sarili ko ng kamatis na may kasunod na isang bote ng patis…

Jenny: ^_^… nakakatuwa ka pala… kanina medyo kinabahan ako sa’yo…

Stephen: Bakit? Akala mo kumakain ng taga-Nueva Ecija ang mga taga Manila?

Jenny: Sira! ^_^… para ka kasing disoriented, kinabahan ako baka kung ano gawin mo eh magalit mo si Ms. Gulantang.

Stephen: Talagang bang Ms. Gulantang apleyido nya? (tumango si Jenny habang nakangiti)… bagay na bagay sa dating nya… nakaksindak… ^_^

Ms. Gulantang: Will you please stop talking, who ever inglorious living organism is that!!! Para kayong nasa palengke…

Biglang napababa ng ulo si Jenny at Stephen, sa gulat ni Stephen ay medyo tumama pa ang baba nya sa desk ng armchair nya. Hinimas ni Stephen ang nasaktang baba habang nakatingin kay Jenny. Tumingin din si Jenny sa kanya, habang pigil na pigil ang pagtawa. Medyo sumingkit na naman ang mata nito, at parang may ilang luha ang nagbabadyang pumatak. Ang sarap patawanin ni Jenny, yun ang nasa isip ni Stephen. Kahit araw-araw pa bumangag ang baba nya sa desk, kahit magkaroon siya ng trauma-induced cleft chin, basta ba araw-araw na may ganitong ngiti, ok na siya.

Lumipas ang mga oras ng mabilis, ewan ni Stephen kung dahil ba yun sa dami ng naisulat niyang schedule ng gagawin nila for the whole week kaya parang di nya namalayan na lunch break na pala. Nakita niyang tumayo na ang mga kaklase niya, di pa siya agad makatayo dahil nakalabas pa ang gamit niya. Sa pag-aayos niya, natabig niya ang organizer at nalaglag malapit sa gawi ni Jenny.

Jenny: Stephen, nalaglag oh.

Stephen: Ahm, salamat Jenny. Kadami ko kasing dala, di magkasya yung binigay na books ni Ms. Gulantang kanina… (napahinto si Stephen sa pagsasalita dahil napansin niyang nakatingin pa din si Jenny sa organizer nya.) Bakit Jenny?

Jenny: Ahm, wala lang, cute kasi nun organizer mo…

Stephen: Ah eto ba? Regalo lang, mahilig kasi ko gumamit ng organizer kaya ito binigay sa akin, para pag naubos papel, pwede i-refill…

Jenny: Para kasing nakita ko na yan dati… may ganyan yata ako sa bahay…

Stephen: Ah… Mahilig ka din gumamit ng organizer?

Jenny: Medyo… ah nga pala, saan ka kakain?

Stephen: Ahm… hehehe di ko nga alam eh… wala pa kong gaanong alam sa lugar dito eh… (hmmmm sana mahalata mong gusto kong sumabay sa’yo? Hayz… kung may powers lang ako… uutusan ko ang utak mong yayain ako…)

Jenny: Ahm gusto mo sabay ka na lang sa akin?

Stephen: (Hala! may powers na nga ba ako? Lord… magpapakabait na po talaga ko, di ko na bubudburan ng betsin yung aquarium promise….) Ahm—

Miles: Ahm, hi! SJ! Ako pala Miles! Sabay ka na lang sa aming kumain? (hindi nakasagot si Stephen sa tanong ni Jenny dahil sumingit bigla ang matinis na boses ng babae, na ng lingunin nya ay napgatnato niyang si Epal Girl 2 pala… ang nagbinyag sa kanya ng pangalang SJ)

Jenny: Ahm, pano Stephen, una na ko ha…?

Ngumiti si jenny at tumango sa kanya, hindi pagtatanong ang tono ng salita niya kundi pagpapaalam. Anak ng amag, ayaw niyang sumabay kay epal girl 2 o Aubrey, ay Miles pala… O kung ano man ang pangalan niya. Halatang wala silang commonality kahit kaunti ng babaeng nag-aaya sa kanyang sumabay kumain. Pero kailangan niyang wag makabastos na tao, bago lang siya dito, kailangan niyang makisama.

Stephen: Ahm, Jenny sandali lang! (Lumingon si Jenny, pero kumaway lang at nagtuloy ng lumakad, kailangan niyang dalian, baka di na nya masundan kung saan punta si Jenny), ahm Miles, pasensya na ha. Nakapangako kasi ako kay

Jenny na ilibre ko siya ng lunch, tinulungan nya kasi ako kanina. Next time na lang ha? (tsaka siya ngumiti)

Miles: Ganun?! Ang bilis naman? (nakasimangot si Miles, at halatang di ok ang sinabi nya, pero tumalikod na si Stephen ng di na inintindi pa ang sinabi ni Miles).

Stephen: Jenny! Intayin mo ko…

Jenny: Oh, akala ko ba sasabay ka kila Miles, bakit andito ka?

Stephen: Ito naman oh, kabilis magselos, sa’yo kaya ako sasabay…

Jenny: Ano?! Hahaha, selos ka dyan. Eh kung inililigaw kaya kita dito sa school…

Stephen: Ito naman di na mabiro, alam mo namang maikot lang yung isang paso sa gilid ng pathway papunta Home Economics room eh maliligaw na ko…

Jenny: Sira. ^_^… Eh anong sinabi mo kay Miles?

Stephen: Sabi ko, nakapangako akong ililibre kita ng lunch, kaya nakaalis ako dahil sa’yo…

Jenny: Ah, ako talaga ginawa mong sangkalan ha…

Stephen: Hehehe… Ok lang ba? (medyo ininguso pa nya yung labi nya sabay kuyom ng dalawang palad na parang batang nakikiusap, nanatili namang medyo nakairap si Jenny… pero di rin napigilang tumawa ng medyo pinatulis pa lalo ni Stephen ang nguso niya…)

Jenny: ^_^… Sira ka talaga… Para kang bata..

Stephen: Pasensya na ha, kasi natatakot akong kasama si Miles, parang sa kapal ng make-up eh bigla na lang mababakbak sa mukha nya yun at papasok sa butas ng ilong ko diretso sa baga… nakakahiya namang mapunta sa hospital at make-up intoxication ang diagnosis ko…

Jenny: ^_^… ang sarap mo pa lang kasama… lagi mo kong napapatawa…. sige na nga, forgiven na yung paggamit mo sa akin bilang front.. pero sa isang kondisyon…

Stephen: O sige, ano ba yun?

Jenny: Totohanin mo na yung libre? ^_^

Stephen: Yun lang ba? Walang problema, basta ikaw magsabi ng lugar… hehehe baka makagraduate na classmate natin eh di pa tayo nakakahanap ng kainan kapag ako ang humanap ng kakainan natin.

Jenny: Sure, lika na. (hinawakan ni Jenny ang kamay nya, at nung oras na yun, nun oras na dumampi ang malambot na palad ni Jenny sa kamay nya… isang pakiramdam ang muling nabuhay sa kanya. Isang pakiramdam na kanina pa nya nararamdaman, na parang walang katinuan ang utak nya, na walang gumaganang logic, na parang ang sarap sa pakiramdam… na parang tumigil ang oras, at siyang utak amag, ay ayaw ng muling gumalaw ang kamay ng orasan.kung pwede lang maubos ang buhangin ng oras na tanging ganito lang ang sitwasyon nila… na ganito lang ang pakiramdam…”)

Sa isang tasang kanin na may maalat –alat na sabaw ng sinigang at maasim na adobo (anak ng amag, baligtad lasa) nairaos ang tanghalian niya. Pero di siya nagreklamo, ang mahalaga nung oras na yun ay lahat ng ngiting nakikita niya sa kaharap niya, mga ngiting tila naging magic sarap sa kinakain niya. Kahit pa parang tatlong patak lang ng coke na inihalo sa isang bloke ng yelong dahilan yata ng paglubog ng Titanic ang iniinum nya, wala siyang reklamo. Ang mahalaga eh ang kasama niya. First day, unang araw nilang nagkita, at ang katotohanan ay ilang oras pa lang silang magkakilala, at ang relidad ay halos pangalan pa lang ang alam nila sa isa’t isa, pero di maipaliwanag ni Stephen, iba ang pakiramdam niya pag nasa tabi niya si Jenny. Iba. Isang bagay na di niya kayang ipaliwanag.

Stephen: Bakit pala ikaw lang mag-isa ang kakain dapat kanina?

Jenny: Ahm kasi wala akong kaibigan. Nilalayuan kasi ako ng tao.

Stephen: Ows?

Jenny: Oo nga, masama daw ugali ko.

Stephen: Weh?

Jenny: Ahm, oo, ang totoo kasi, may lahi kaming aswang..

Stephen: last mo na yan ha?

Jenny: hehehe… pinapatawa lang kita, kasungit… loner kasi ako..

Stephen: hindi naman halata?

Jenny: sama mo…

Stephen: oo nga, kasi napakafriendly ng dating mo…

Jenny: hehehe… hindi naman masyado..

Stephen: pero nasaan nga yung mga kaibigan mo?

Jenny: hmmmm ang totoo, dalawang tao lang talaga ang madalas kong makasama isa si Aya, tapos si Nico.

Stephen: Parang narinig ko na yung pangalang Nico?

Jenny: Ah, oo kanina, yung upuang inupuan mo, kay Nico dapat yun, magkamukha kasi kayo ng apleyido. Natuwa nga ako nun akala ko magkakatabi na kami, eh bigla na lang nabalitaan namin, sa Manila na daw siya mag-aral. Kaya ngayon, kami na lang ni Aya ang malamang na magkasama, kaya lang di pa pumapasok si Aya, baka bukas pa yun pumasok, wala pa naman daw gagawin sa first day. Nakakamiss din si Nico, para ngang magkaugali kayo, madalas din niya kong pangitiin.

 Stephen: (ngumiti)

Jenny: ang daldal ko na pala… ang dami ko ng nasabi…

Stephen: Hmmmm wag ka na malungkot, di bagay sa’yo di nakangiti… pwede mo naman akong maging kaibigan, pwedeng ako muna papalit kay Nico… ako muna magpapangiti sa ’yo..

Jenny: hmmmm ^_^….

At tulad ng bawat pabitin na eksena, biglang tumunog ang phone ni Jenny, may tumatawag dito. Nag-excuse sandali si Jenny kay Stephen, tumango naman siya bilang pagsagot sa pagpapaalam ni Jenny. Medyo lumayo ng konti at nagsimulang kausapin ang nasa telepono, naiwang nakaupo si Stephen kaharap ang maasim na adobo at maalat na sinigang. Sinimulan niyang paglaruan ang sabaw gamit ang kutsara. Makulimlim ang langit ng oras na yun, ilang minuto na lang at kailangan na nilang bumalik sa school para sa Home Economics Subjects nila, hanggang 4:00 pm pa ang academic subjects nila, sabi ni Jenny 4:00 to 6:00 pm daw ang allotment time para sa Club activity, pero di naman daw everyday may ginagawa, depende lang daw sa club na sasalihan nya. Naisip nya, yun pa pala ang isang problema nya, di pa siya nakakapili ng sasalihang club.

 Maya-maya lumakas ang hangin, tiningnan nya ang direksyon ni Jenny. Yun yata ang pagkakamali niya. Dahil sa malakas na hangin, tinatangay ang mahabang buhok ni Jenny, at naramdaman na naman niya ang panibagong sipa ng estrangherong pakiramdam. Totoo pa lang may slow motion, dahil sa bawat pagsayaw ng hibla ng buhok ni Jenny sa ihip ng hangin, parang nadodoble ang bagal ng segundo, ang sarap niyang pagmasdan. Habang ang mga mata ay medyo naniningkit dahil sa ihip ng hangin, parang walang ginawang kulang sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagloko na naman ang tibok ng puso niya, pakiramdam niya mauutal na naman siya pag may kumausap sa kanya.

Phone naman ni Stephen ang nagring, at ewan niya kung sinadya nya pero Moving Closer ang ringing tone niya. Anak ng amag, senyales na ba to ng mga anghel niya? Naririnig ni Stephen ang phone niya, pero sa halip na maalarma, parang nakadagdag pa sa mahika ang musikang naririnig niya.

When you smile, everything’s in place

                I waited so long, can’t make no mistake

                All I’ am, reaching out to you

                Can’t be scare

                Gotta make a move

Why wait long

                Come away with me

                Keep me close and don’t let go…

Tapos ng makipag-usap si Jenny, at binaba na nito ang phone at nagsimulang maglakad pabalik sa direksyon niya. Nakangiti pa din ito, walang kaalam-alam sa nasa isip ni Stephen.

Inch by inch were moving closer

                Feels like a fairy tale, ending

                Take my heart this is the moment,

                I’m moving closer to you…

                I’m moving closer to you…

Jenny: Di mo ba sagutin yan Stephen? (sabay turo sa bag niya, mahina pa ding tumutuogtog ang Moving Closer, pero para kay Stephen, daig pa nito ang nakamegaphone)

Stephen: Ah oo, teka.. (nagsimulang hanapin ang phone, pero bago pa makita at mahawakan ay namatay na to…)

Jenny: Di mo na nasagot, hindi kaya importante yun?

Stephen: Di naman siguro..

Jenny: Good news pala Stephen, wala pala tayo klase after lunch, may emergency meeting daw ang faculty.

Stephen: Ayos ah, sana ganito tayo araw-araw (at nangiti ng napakatamis, buong-buo pa sa memorya nya ang lambot

ng buhok ni Jenny habang hinihipan ng hangin)

Jenny: Alin?

Stephen: Ah yun, faculty meeting, sana lagi ganun para walang pasok??? he-he-he?

Jenny: Ah, akala ko kung ano na… oh pano, uuwi na siguro ko? Ikaw ba?

 Stephen: Ahm, oo, uwi na din siguro, ang dami din natin assignment para bukas eh.

Jenny: Di pano, maghiwalay na tayo, magkaiba tayong daan eh.

Stephen: Ahm… eh… hehehe sige..

Jenny: Hmmmm… ok ka lang ba? Baka mawala ka na naman?

Stephen: Hindi, ok lang, magtatanong-tanong na lang ako. Tsaka para masanay na din.

Jenny: Oh sige, pano, salamat ng madami sa lunch. Mauna na ko? ^_^

Stephen: Ahm, oo sige, ingat ka ha… (isang malakas na boses sa utak ni Stephen ang nagwewelga, ayaw pa sana niyang matapos ng maaga ang araw… may isang boses din na nagsasabing kuhanin ang number ni Jenny. OA sigurong sabihin, pero mami-miss nya to kung buong hapon at magdamag silang di makakapag-usap… pero anak ng amag, ayaw gumana ng bibig niya… hindi nya mahingi ang number ni Jenny)

Nagsimula ng maglakad ng mabagal si Jenny, matapos ngumiti at kumaway kay Stephen. Si Stephen naman, tinalo na ng hina ng loob, nakaupo at di masabi ang gustong sabihin kay Jenny. Anak talaga ng amag, gusto na niyang magpatiwakal. Kailangan niyang may sabihin, magsalita ka, magsalita ka, patuloy niyang pinipilit ang dila at bibig nya.

Stephen: Ahm, Jenny!!!

Jenny: (lumingon) Ano yun?

Stephen: Ahm, eh… ingat ka ha?

(ngumiti si Jenny, nagsimulang lumakad pabalik sa direksyon nya) Takang-taka si Stephen kung bakit bumalik si Jenny, maya-maya nakatayo na to sa harap niya. Napipi na naman ang dila niya.

Jenny: Abot mo sa akin yung phone mo.

Stephen: Ha?

Jenny: Yung phone mo kako… ^_^

Stephen: Ah… eh.. eto oh… (kinuha ni Jenny at nagsimulang pumindot ng numero.  Maya-maya ibinalik ito kay Stephen.)

Jenny: Oh ayan, number ko yan, baka mawala ka eh para may tatanungan ka. Miss call mo ko maya para makuha ko number mo. Ingat ka. Baka mawala ka na naman. ^_^

Ngumiti si Jenny, kumaway at nagpaalam. Lumakad na ulit si Jenny, at ng medyo malayo na at marating ang dulo ng diretsong daan, lumingon pa ulit siya kay Stephen at kumaway bago lumiko sa kanto. Yun na yata ang pinakamalaking ngiti na nakita ni Stephen na nagawa niya sa buong buhay nya. Nakatitig siya sa numero at sinimulang i-save ang number ni Jenny.

Save Number.

Edit Name.

J. e. n. n. y.

Jenny (Anghel Ko).

Save name.

Added to Contacts.

OK.