Noong ako ay bata pa, pangarap kong maging isang superhero. Ngayong malaki na ako, hindi pa rin nawawala sa akin ang pangarap na ito.

Ayokong maging katulad nina Batman at Superman na naka-leggings at nakalabas ang brip sa kanilang costume. Baduy sila para sa akin. Ang gusto ay maging isa sa mga metal heroes ng Japan. Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin na i-recruit ako unexpectedly ng Galactic Union Patrol at gawing isa sa mga pulis pangkalawakan o “space sheriffs”.

Una kong napanood ang (UCHUU KEIJI) SHAIDER sa IBC13 bandang late 80′s noong medyo maganda pa ang programming nila. Early 90′s naman nang malipat ito sa ABS-CBN at ipinalabas tuwing Sabado ng hapon. Ayon kay pareng Wiki, nagkaroon ito ng 49 episodes na ipinalabas sa Japan mula March 2, 1984 hanggang March 1, 1985. Akalain mo yun, mahigit dalawang dekada na ang nakakaraan pero sariwa pa rin ang aking mga alalaa sa teevee series na ito. Puno ng childhood memories. Sigurado ako, ikaw rin.

Opening theme pa lang, enjoy na kami sa panonood nila utol at mga pinsan. Kapag narining na ang “Code Name….Shayda!!“, bigla nang papasok ang malufet nitong soundtrack. Noong una ay hinayaan itong Japanese version pero ‘di nagtagal ay nagkaroon na rin ng Tagalog. Wala kaming pakiaalam sa ginagawa ni ALEXIS (ang pangalan ng bida kapag hindi pa siya nakakapag-transform) dahil ang hinihintay naming lahat ay ang pagtalon ng kanyang sidekick na si ANNIE. Lights, camera….panty!!

Ang plot ng palabas na ito ay tumatakbo sa pagtatanggol ni Shaider (ginanapan ni HIROSHI TSUBURAYA) sa ating daigdig laban sa puwersa ng kasamaan ni FUUMA LEY-AR. Ang totoo, si Alexis ay ang apo sa patay na kuko ng pinakaunang Shaider na pumutol ng ulo ni Fuuma 12,000 taon na ang nakakalipas….

CLICK HERE TO CONTINUE READING “CODE NAME: SHAIDER”

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.