Waiting (Photo Credit: Intimacywithjc.blogspot)

HIDDEN LOVE

Maraming katanungan sa isip ko kung bakit siya pa? Sa iilang gustong manligaw sa akin at nanligaw sa akin eh siya pa rin ang ninanais ng puso ko.

Minsan naiisip ko na huwag na siyang isipin, pero suwail ang puso ayaw sumunod sa utak. Ginawa ko na rin na subukan ang magpaligaw ngunit na stressed din lang at hindi ko pa rin siya makalimutan.

Ilang beses nang bumuhos ang ulan, este, luha ko nang dahil sa kanya. Nagsisimula pa lang umusbong ang pagkakagusto ko sa kanya noon nang ang tadhana naman ang nagdesisyon na ilayo siya sa paningin ko.

May outing kami ng mga kaibigan ko kinabukasan ng pag-alis niya, pero hindi ko magawang sumama. Masama ang pakiramdam ko at namamaga ang mga mata ko. Ayaw kong kumain at buong gabing iyak lang ako nang iyak. Nakakatawa noh? kasi feeling ko naman kami na, eh ang totoo wala naman siyang gusto sa akin. Tama kayo sa naiisip, one sided :(.  Mayroon siyang gustong iba pero ang kinagandahan lang eh hindi siya ang gusto. Bad na ba ako? Ganoon lang siguro ‘pag gusto mo ang tao. :D.

Nawala din ang lungkot ko ng after one day ng pag-alis niya at nakausap ko siya, feeling ko talaga eh kami na pero pagbigyan n’yo na ako, kuwento ko naman ito. ;) Oo sobrang tuwa ko nung magkausap kami; halos ayaw kong kumain dahil yon lang ang oras na maka-usap ko siya, kaloka noh?. Hindi rin naman kami close dahil nagsisimula pa nga lang kaming maging magkaibigan that time. May kaunting hiya akong nararamdaman at that moment dahil ako lagi ang nauunang makipag-chat sa kanya, pero dahil na rin sa udyok ng mga kasama ko sa bahay ay ginawa ko.

Kung masaya naman daw ako bakit ko raw pipigilan ang sarili ko. Hahaha.. kakatuwa, pero ganoon ka supportive ang mga kasama ko. Oo nga pala, noong nag-uusap kami, pinaalam ko sa kanya na may sakit ako, pero siyempre hindi ko sinabing dahil sa kanya. Medyo concern naman siya at gusto rin niya akong matulog nang maaga, pero chance ko na yon eh kaya hindi ko siya sinunod.

Ilang araw din na ganoon ang ginagawa ko, excited lagi akong umuwi dahil alam kong online siya ulit. Pero sa kalaunan ay hindi na siya nag-oonline, sobrang lungkot ko ulit at iyak na naman sa gabi. Kawawa nga unan ko, kasi laging basa sa luha ko. Nandun ang minsa’y pinipilit kong I convince ang aking sarili na huwag na siya at sa iba na lang ma in love, pero ang kulit ng puso kasing kulit ng katanungan kung alin ang nauna sa itlog at manok. Kaya hinayaan ko na rin, lagi ko siyang pinagdadasal na ingatan siya ni Lord para sa akin, pati nga family niya eh kasama sa panalangin ko. Nasisiraan na yata ako ng bait pero ganoon pala ang umibig, nakakabaliw. Sabi nga ng mga matatalas mag tagalog, hindi ko mawari o maarok ang aking nararamdaman na sa dinami-dami ng nagustuhan ko eh sa kanya ko maramdaman.

Ginawa ko na rin ang makipaglapit sa mga malalapit niyang kaibigan, kahit na nahihiya at naalangan ako ay kinapalan ko ang mukha ko. Pero in fairness naman sa mga friends niya eh mababait naman ang mga ito. Minsan nga lang eh dahil sa kaibigan din nila ang nagustuhan ng Mahal ko eh hindi maiwasan na tuksuhin ito. At isang araw nagbonding kami, feeling ko eh sinaksak at dinurog nang pagkapinong-pino ang puso ko nung biniro ng kaibigan niya na humihingi daw ng video si ..…. sa nagugustuhan niya. Huhuhu…ang sakit-sakit, grabeh!!!!! To the highest level! Masakit man pero tuloy pa rin ang pagsama ko sa kanila para makibalita sa kanya.

Sa kagustuhan ko na ring mawala siya sa isipan ko dahil sa tingin ko naman ay wala talagang pag-asa na magustuhan niya ako, naka-ilang beses ko na rin siyang dinelete sa friend list ko. Tapos ‘pag hindi na ulit ako naasar este nagseselos sa mga nakikita ko sa wall niya eh ina-add ko ulit siya. Ganoon ako katangang umibig, haizt…self-pity lagi ako sa totoo lang kasi naman feeling ko ang pangit ko na ba talaga at hindi man lang niya ako magustuhan. Ilang beses ko na bang tinanong ang sarili ko ng ganoon? Pero ilang beses na ring walang naniniwala kung bakit hanggang ngayon eh wala pa rin akong bf, so ibig sabihin hindi naman ako ganoon kapangit. Talagang iba lang ang type niya. :(

Hanggang isang araw nakita ko na lang na may girlfriend na siya, masakit dahil ang tagal ko ring pinagdasal na magkagusto siya sa akin pero walang nangyari. Ilang beses na ba akong hindi pumasok sa trabaho dahil sa kanya? Hindi ko na mabilang. Kaya ngayon na hindi na talaga puwede, I decided na to move on. Kailangan ko nang tapusin ang chapter ng buhay ko sa kanya. I surrendered everthing to God, as the bible says, His thought is not my thought, and His ways is not my ways. Whatever His plan for me, I believe it will be the best for me.

author:  Nightingale