BABALA: Ang mga susunod na mababasa ay maglalaman ng mga maseselang kuwento kung ikaw ay isang inosente o ignorante.

Kung iisipin mo pa lang ang initials niyang XX ay talagang mapapaisip ka. At kung makita mo pa ang “Parental Guidance” sa header ng kanyang pahina ay talagang mahahalina ka. Ayon sa alamat at ilang tsismis na aking nakalap, pseudonym lang naman ang pangalan ng columnist na ito. Para lang siyang si Bob Ong na ayaw magpakilala sa totoong buhay. Hindi rin natin alam kung lalaki ba siya o babae. Nakuha niya lang daw ang alyas mula kay Xaviera Hollander na sumulat ng best-selling stateside novel na “The Happy Hooker” .

Nagsimula ang column niya bilang isang “sex advice” page kung saan may nagpapadala ng sulat kunwari tungkol sa isang problema sa pakikipagrelasyon at sekswal na buhay. Sasagutin naman ni XX ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payo. Nakuha nito ang atensiyon ng mga kasambahay, drivers, security guards, mga teenagers, at iba’t iba pang mambabasa (parang radio show lang ni Joe D’ Mango ang dating ng pagsikat niya). Dahil dumami ang mga parokyano ay napalitan ng mga “tunay na tao” ang dating mga “fictitious senders”. Nang lumaon, ito ay nag-evolve at napasama sa kategoryang erotic literary column. Kung dati ay mahaba ang mga payo kaysa sa kuwento, napalitan ito ng detalyadong kuwento tungkol sa sexual exploits at experiences ng mga letter-senders mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay. Ang tema at istruktura nito ay katulad ng sa nobela ni Hollander na nagkukuwento naman ng exploits at experiences sa iba’t ibang lalaki bilang isang pokpok.

May mga kuwentong nakakatawa. Mayroon ding nakakaiyak. May pang-MMK ang dating at meron namang “wala lang, talagang dala lang ng libog”. Madalas ay kuwento tungkol sa unang tikim at karanasan. Kadalasan ay heterosexual at minsan naman ay homo. May mga kuwentong pangkaraniwan, at meron din namang mga pambihira.

Sa totoo lang, dati ay hindi suggestive para sa atin ang mga salitang “sumabog ang bulkan“, “basa ang bukid“, “rurok“, at iba pang mabulaklak na pananalita. Si Xerex ang nagpatindi ng imahinasyon ng bawat kalalakihang Pinoy noong Dekada NoBenta. Naaalala ko tuloy ang isa kong klasmeyt noong highschool na nangungulekta ng bawat istorya ng kinababaliwan niyang column. Ipinakita niya sa akin ‘yung collection niya na nakatago sa isang atache case na siya lang ang nakakalam ng code!

Dahil kay XX, lumabas din ang ibang erotic na tabloid tulad ng Tik-Tik, Remate, at Bulgar.

Sa sobrang kasikatan ni XX, binili ng Regal Films ang rights nito para gawing pelikula. Mga unang taon ng 2000 nang lumabas ang pelikula na pinagbidahan ni Aubrey Miles kasama sila Jake Roxas, Carlo Maceda, at Khalani Ferreira. ‘Di ko ito napanood dahil ‘di naman ako mahilig sa mga ganito pero tatlong istorya daw ito na parang “Shake, Ratlle, and Roll”…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “RATED XX: ATRAS ABANTE


JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.