Kulungan      (Photo Credit :       Lecolporteur.wordpress)

Kulungan (Photo Credit : Lecolporteur.wordpress)

Para sa mga sumubaybay ng KULUNGAN, eto na ang huling part :) sana hindi n’yo lang magustuhan pero maintindihan n’yo rin ang mensaheng aking pinararating.

Isa sa mga plano ko ay makahanap agad ng kahit na anong trabaho para makaipon ako at makabalik ng PiNAS. Hanggang sa natanggap kami sa MCDO “LOVE KO TO!” :) Ndi naman naging madali lahat ciempre lahat nag uumpisa sa hirap at tumagal mas maappreciate mu yung sarap pag dumaan k tlga sa hirap. Tinanggap ko magwork ng graveyard shift kahit na nakakatakot dahil tuwing gabi dalawa nlng kami sa store, tapus nakakapagod tlga yung work, buhat dito buhat dun, linis dito linis dun. Ihahanda mu lahat para sa mga papasok sa umaga at ang pinakamahirap dun habang nagtake ka ng order naglilinis ka kasabay nun e magbubusy pa yun bang pitong kotse ang nakapila sasabay pa yung order nilang bongga! pero natiis ko yun, isang taon nalagpasan ko yun. pagkakataon ko na din yun na makatulong ako sa pamilya ko. may mga times na lilibre ko si lea, c mama at papa. dumaan yung birthday ko na nagkasama sama kami ng buong pamilya ko, bagong taon nga lng watak watak kami, may pasok c papa, c mama nag aalaga kay lola tapus kami ni lea ang magksama.

taong 2011 eto na yung pinakakahinihintay kong pagkakataon, inaantay ko nito yung pera na ipambibili ko ng ticket pauwi ng PiNAS. Nung umuwi c Lea at Mama para magbakasyon, at un ang pagkakataon para magbigay ng oras sa papa ko lalu na ndi nia alam na uuwi na ko at ndi na babalik pa. kaya naman inaalagaan ko at nilibang ko cia kc nalulungot cia dahil wala c Mama :)

FEBRUARY 21, sinamahan ako ni mama na pumunta ng airport para bumili sa PAL ng ticket, di ko alam pero tahimik aq ng mga araw na un kc alam kong walang magawa c mama para pigilan aq. pagpasok sa ofc ng PAL, kinabahan aq habang inaaus yung ticket ndi q alam kung mggng masaya bq o ndi. ng makuha qna yung ticket parang gsto kong yakapin ang mama ko. pero nagthank you aq sknya. iniisip ko na agad nun e kung panu aq mapapaliwanag sa papa ko. excited ako at the same time nalulungkot din aq. pero kelangn ko magtiis kelangn kayanin q.

March 2011 nagpaalam nq sa work kung kelan ang last day ko. sa buwan na yun nalungkot din sila dahil aalis nq, sa buwan na to ko din nakilala yung mga kaibigan ko :) dito ko binuhos lahat ng saya ko sa VEGAS.

April 17, 2011 ang araw ng flight ko. umaga pa lang naka ready nq. nagpunta kami ng mcdo para magpaalam lahat ng mga kasamahan ko pati boss ko niyakap ako. eto rin ung pagkakataon na ndi ko alm kng pnu magpapaalam sa papa ko. habang nagbibilin cia skn na mag ingat ako parang gusto kong umiyak. hinatid ako ni Mama at Lea, c Papa kc pagod galing sa trabaho kaya ndi na sumama para ihatid aq. Sumakay kami ng bus papuntang airport. Sa airport na eexcite ako na sumakay ng eroplano pero naiiyak nq dahil lam kong magkakahiwalay na kami nila mama at lea, nung papasok na ko sa loob ndi ko na nagawang yakapin c Mama at Lea dahil nakita kong namumula na mga mata nila kaya ang huling salita na narinig ko is INGAT KA ANAK :’) c lea naman nag post sa FB nalulungkot. Medyo na-delay yung dating ng eroplano. Pagpasok ko ng eroplano ndi ko na maintindihan yung nararamdaman ko dami ko ng naiicp at naiiyak nq. At sa paglipad ng eroplano, masaya ako pero hindi buo yung kaligayahan na nararamdaman ko dahil lam kong mas magiging maligaya ako kung kasama ko sa paglipad ko sa eroplano ay ang PAMiLYA ko.

Sa paglaya ko, umaasa ako na makakalaya din sila at muli kaming magkakasama-sama :)

PAALAM VEGAS!

cont… KULUNGAN – Ang PAGBABALiK :)

author:  emilyrockstar