Just a Thought     (Photo Credit :       Deadanarchistphil.wordpress...)

Just a Thought (Photo Credit : Deadanarchistphil.wordpress…)

Lagi kong iniisip ang tungkol sa kapayapaan sa ating bansa. Tungkol sa pagkuha o pagkitil sa buhay nang may buhay. Mga bomba na pumatay ng daan-daang mga tao. Ano kaya ang lagay natin kung nabuhay tayo sa kapayapaan? Lagi kong naiisip, bakit ang gulo gulo ng mundo? Naiisip ko yung mga taong namumuhay sa kahirapan at nagdurusa mula sa sakit na dulot ng mga krisis na kinahaharap ng ating bayan. Sa tingin ko mas makakabuti na tayo mismo ang magtulungan sa halip na magkalat ng karahasan sa ating bansa. Hiling ko na sana ang bawat bansa ang nagbibigay ng lunas sa halip na sila pa ang nagkakalat ng kaguluhan.

Lagi kong iniisip ang tungkol sa mga siyentipiko na tumuklas ng mga bagong imbensyon araw-araw para mapadali ang buhay ng tao. Sa ngalan ng komunikasyon, transportasyon at iba pang imbensyon na nakakapagpabilis ng pang araw araw nating gawain. Pero sa dami ng kanilang naiimbento at natutuklasan ay mas higit na napapadali ang buhay ng tao, at ito na mismo ang kumikitil sa ating buhay. Kung nasa payak na pamumuhay lang sana tayo tulad noon, malaya sana tayo sa kung ano mang kapahamakan ang dinaranas at hinaharap natin ngayon.

Naiisip ko ang mga taong nabuhay noong panahon pa ni kopong kopong. Ano kaya ang buhay nila kung nabuhay sila sa panahon ngayon? Kahirapan ang umiiral sa atin ngayon at mas masahol pa sa ilang mga bansa. Sana lahat ng nakakataas ay tumitingin hindi sa kung anong estado meron tayo oh kung saan tayo nagmula. Sana tingnan nila tayo bilang isang tao. Dahil ito ay hindi tungkol sa mga bansa, ito ay tungkol sa mga taong bumubuo dito.

Sa mga bansang talamak ang gerahan at maraming nangamatay dahil sa terorismo. Ang bawat pamilya nila ay dumadanas ng matinding pighati. Minsan may mga taong nangingibang bansa para ibuwis ang kanilang buhay. Gusto kong makilala kung sino ang ang tunay na terorista. Kilala ko, sana kilala ko. Ikaw kilala mo ba?

But I realized that it’s just a thought, only a thought. Sa tingin ko tama na ang pag-iisip ko. Magsisimula na lang akong manalangin na sana lahat ng mga ito ay maging makatotohanan, upang maaari nating bawasan ang sakit at hirap sa ating bayan. Para magkaroon tayo ng pagkakataon mamuhay nang mapayapa. At sa lahat ng nagbebenta ng sarili nilang organ ay magkaroon ng respeto sa kanilang sarili. I will stop thinking. I will start to pray that someday my wishes become true and not just stay as ‘Only A Thought’.

author:  kelvinjonas