Dinuuan (Photo credit: evrise.seesaa)

Dinuuan (Photo credit: evrise.seesaa)

Ayaw na ayaw ko ang dinuguan. I hate gulay pero ‘pag nakakakita ko ng dinuguan parang I hate eating na din. Alam ko na maraming Pilipino ang mahilig kumain ng dinuguan lalo na daw pag may kasamang puto. Sarap na sarap silang isubo ang halos kulay putik na sabaw nito at kagatin ang karne na halos hindi mo na makilala kung anong parte ng baboy o kung baboy talaga ang kinakain nila. Ewwwwww.

Nag-iiba ang relihiyon ko pag inalok mo ko ng dinuguan. Ngayon pa nga lang na sinusulat ko ito ay parang maduduwal na ko. Hindi ko din maintindihan pero hindi ko naman natikman ang dinuguan. Ayoko lang ng amoy at itsura nito. Para kasing putik o kaya ay tubig galing kanal ang itsura. Kung may magagalit man sa sinusulat ko, ito po ay opinyon ko lang. Kung gusto mong kumain e di kainin mo di kita pipigilan.

Marami naman ang nagsasabi sakin na masarap talaga ang dinuguan. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang gagawin mo para magmukhang maganda ang pag-prepare nito. Feeling ko kasi kahit lagyan mo ng santambak na bulaklak, decoration o kahit icing eh masagwa pa rin ang itsura . Ngunit sa kabila ng pagkapangit pangit na itsura ay sinasabi naman nila na talaga namang napakasarap daw. Kung kailan darating  ang panahon na kaya ko nang isubo, nguyain, at lunukin ang dinuguan ay hindi ko alam, pero kagaya ng lahat ng bagay sa aral sa mundo, hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Mahirap sa simula. Nakakakaba. Hindi mo alam kung paano mo uumpisahan. Kailangan mong gawin ay isang hakbang muna at susundan ng iba pa hanggang sa sigurado kang kaya mo na.

Life is an unending journey and as long as you’re alive you will encounter things that are new to you, places that you haven’t seen and faces that are not familiar.  Pero sa lahat ng mga bagong bagay, lugar at tao sa buhay mo. Makasasalubong ka ng mga bagay na ayaw mo. Kagaya ko na tuwing bibili ako ng pagkain sa carinderia, hindi miminsan na nangyari na ang unang kaldero na mabubuksan ko, ang laman ay ang pagkain na ayaw na ayaw kong makita. Pero kailangan mong magpatuloy. Buksan ang kasunod na kaldero para makita ang pagkain na nababagay sa panlasa mo. ‘Yun oh! Sinigang na hipon… TARA KAIN  TAYO!

author: oilridge

p.e./kf