In Love (Photo credit: blogspot)

In Love (Photo credit: blogspot)

Marami na akong nabasang love stories. Marami na rin akong kinakiligan, iniyakan, at pinanghinayangan. May ibang love stories pa nga ang akong sinubaybayan. Pero, sa lahat ng love stories na nabasa ko, ‘yung sariling love story ko pa din ang inaabangan ko. Medyo may kakaiba lang kasi. Ang galing ng Sumulat. Perfect ang plot, story line, at mga characters.

Noong high school ako, naturingan akong hopeless romantic. Hopeless talaga dahil kapag ako ang nagkagusto sa isang lalaki. Lahat ginagawa ko. Literal. Lahat ng okasyon ay hindi ko pinalalagpas na hindi ko siya nareregaluhan. Christmas, Valentine’s Day at ultimo birthday ng crush ko, inaalala ko. Frustrated na nga ko magsabi ng I love you sa kanya eh. Kapag hindi niya naman ako nire-reply-an, ako pa ang nagbibigay ng load sa kanya. Kahit pasaload lang, kakayanin kong maibigay, magreply lang siya. Unfortunately, hanggang magkaibigan lang din kami sa huli.

Sumunod naman ang naging crush ko nang tumuntong ako ng third year high school. Hindi naman ako makapaniwalang gusto din niya ako. After kasi ng pagkalungkot ko sa naunang crush ko, naging depressed na talaga ko at ayaw ko nang kumain. Hindi ko na inisip kailan pa na may magkakagusto pa sakin. Yun nga lang, sadyang mali ako. Meron pa palang nagkamali sa isang hamak na tulad ko. Pero, ‘yung taong ‘yun, hindi ko alam kung naging kami ba talaga. Hindi ko din kasi naramdaman at tutok ako sa pag-aaral. Walang sabi-sabing hiniwalayan ko din siya noon.

Eh ‘di mas lalo akong na-frustrate? Kaya naman ibinuhos ko na lahat ng oras ko sa simbahan. Sabi ko, pass muna ko sa mga love-love na ‘yan. Pero, nagkamali na naman ako. May dumating na seminarista sa parokya namin na lubos kong nagustuhan. Nag-bloom ‘yung natutulog na pag-asa sa puso ko noon. Mas lalo akong nag-asam na makita siya araw-araw kaya naman palagi na akong nagsisimba. Nang dumating ang selebrasyon ng bagong taon, binigyan ko din siya ng regalo. Nakagawa pa nga ako ng isang nobela eh. Kaso, hindi na naman pala kami para sa isa’t isa. Lumabas na kasi siya. Eksakto pang nakatira siya sa malayong lugar, kaya hindi ko na kailanman inasahan ang pagbalik niya.

Sinabi ko sa sarili ko. “Manahimik ka na nga, puso ko.” Naasar na kasi ako sa termino ng pag-ibig na ‘yan. Nakuntento na lang ako sa pakikipagkaibigan. Kaso, heto na naman at may dumating pang isa. Isang seminarista din. Naging kami no’ng 18th birthday ko. Pero, pagkatapos no’n ay bumalik din siya sa loob ng seminaryo. Alam ko sa sarili kong parang may kulang at nakonsensya din ako. Magpapari kasi siya eh. Kaya hindi naglaon ay hiniwalayan ko na din siya.

Magkukuwento pa ba ako? Nasabi ko na lahat ng puwedeng mangyari sa isang hopeless romantic na tulad ko. Ang dami ng twist na halos hindi ko na kinaya. Feeling ko nga lagi akong nasa climax eh. ‘Wag kang mag-alala, hindi na naman ako hopeless romantic na ngayon. Nakilala ko na kasi “siya”. ‘Yung taong nagbigay ng kakaibang kulay sa black and white kong mundo.

Noong una, akala ko, wala nang pag-ibig na darating pa sa akin pero nagkakamali ako. Lahat pala ng love story, may twist sa dulo pero kadalasan may happy ending naman din sa huli. May sariling story line pala ang Author ng buhay natin. Ang kailangan lang ay patience, consistency at faith. Magtiwala ka lang sa Author ng buhay mo, sigurado akong may ibibigay Siya sa’yo na isa ring napakaganda ring kwento.

author: imtheweirdapple

p.e./kf