Unbreak My Heart (Photo credit:     Filetraffic.eu)

Unbreak My Heart (Photo credit: Filetraffic.eu)

Undo this hurt you caused when you walked out the door and walked out of my life; Unbreak my heart, say you love me again’. Ouch! parang nalagyan lang ng sili ang puso ko habang nakikinig ng love song  at kasalukuyang hinihintay ang pag-uwi ng aking habibi nang sa gayun sabay kami maghahapunan. Naks sweet diba?

 Eh paano kung bitter ang story mo? I remembered the first time I fall in love. Kung saan halos parang gusto ko nang dukutin at tadtarin ang puso ko nang pino at itapon sa ilog para tuluyan nang maglaho ang sakit. Pero hindi ganun kadali, ‘it’s nothing, but a fools game; hits you when it’s too late, hits you when you’re down’ nga daw sabi nitong kanta.

 Tawagin natin siyang Ben10, sobrang pursigido ng loko, kada bisita niya sa bahay namin, palaging may pasalubong siya sa mga kapatid ko. Minsan ‘redhorse’ para sa kuya ko at tabako naman para sa tatay ko. Mahal na mahal niya ako, ganun din ako sa kanya, sa katunayan bumuo na siya ng palasyo kung saan ako ang kanyang prinsesa.

 Ang dami na rin namin pangarap, after ng pag-aaral ko (tumulong din siya magbayad ng matrikula ko). Siyempre, nagsumpaan kami saksi ang punong bayabas sa likod bahay namin, na kaming dalawa hanggang sa pagtanda namin. Lahat ng tao, kabaranggay, katuma, kapuso at kapamilya namin ay alam ang istorya namin ni Ben10. Never kami nag-away o nagkasagutan man lang, lahat ng bagay naaayos namin. Kumbaga, matatag kami sa loob ng three years.

LagI kaming magkasama sa bawat lakad ng isa’t isa, sobrang mapagmahal siya at maalaga. Lagi ako ang priority, bawat oras sinisiguro niyang ok ako at nasa maayos ako. Lagi niya akong pinapatawa sa mga jokes at story niya, hindi siya napapalagay kapag hindi ako kumikibo sa kanya. Grabi, para sa akin perfect ang pagkagawa ng Lord sa kanya. Ang sUwerte ko. Dahil lagi niyang pinaparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako.

 Ang sikip ng dibdib ko sa tuwing naaalala ko siya. Nagwalk-out kasi siya, sa buhay ko. Naaalala ko, parati kami sa duyan na nakatali sa punong bayabas, nagkukuwentuhan, nag-aasaran at nagpaplano sa future namin, noon.

 Nag-iisa siyang anak kaya naman noong pumanaw ang kanyang mga magulang ay sa kanya pinamana ang lahat ng lupain at ari arian. Kinukumbinsi siya noon ng isang malaking investor para bilhin ang lupain niya at pagtayuan ng commercial na establisamento sa aming lugar. Ngunit hindi siya pumayag. Kung sakali umanong pumayag na akong pakasalan siya, hindi kami maghihirap. Hindi siya pumayag na tayuan ng commercial building ang lupain niya, dahil doon daw namin itatayo ang aming palasyo.

 Isang desisyon ang nagpaguho sa aming pangarap, si ate, nilason niya ang utak ko at sinilaw sa buhay ng ‘letseng abroad.’ Pinilit nila akong subukan ang ibang bansa, sa kabila ng pagtutol ng aking kasintahan. Wala akong nagawa kundi ang pangakuan siya ng pagbabalik ko, isang taon ang makalipas.

Isang linggo lang ang nakalipas ang lumipad ako sa ibang bansa ay pilit na akong pinapauwi ni Ben10. Ngunit hindi ko magawa dahil naka-employment visa ako at hindi pumayag ang kompanya.

 Isang email ang natanggap ko mula sa kanya at ang sabi:
“Hindi pa pala sapat ang mayroon ako para maghanap ka pa diyan, hindi naman kita gugutumin, ano paba ang kulang sa akin? Ano pa ba ang hinahanap mo? ‘’

Pagkabasa ko ng email niya, nagtampo ako dahil sinabi ko na naman sa kanyang babalik ako. Kaya hindi ko siya tinawagan ng dalawang araw. After five days, tumawag ang nanay ko at sinabing patay na raw si Ben10. Pinapatay noong investor na gustong bilhin ang lupain niya at tumanggi siya. Luhaan ako. Durog na durog ang puso ko sa nalaman ko, agad akong nagresign sa kompanya at umuwi sa Pilipinas. Wala akong ni kusing dahil sa halos isang buwan kong trabaho ay kinaltas ng amo ko.

 Umuwi nga ako, gaya ng pangako ko sa kanya, pero huli na, hindi ko na maibabalik ang buhay niya. Hindi na namin mabubuo ang aming palasyo. Tuluyan na siyang nagwalk-out sa buhay ko. Kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan, kaso tinahi ni Noveta ang bulsa ni Doraemon kaya hindi na puwedeng mailabas pa ang ‘time machine’.

Ang sakit gunitain ng kanyang alaala, ang hapdi ng sugat na iniwan niya sa puso ko. Sising-sisi ako, noong mga panahong iyon ginusto kong linisin ang aking bituka sa pamamagitan ng muriatic acid kaso yari pala sa kawayan ang aming papag kaya hindi nag-eexist ang muriatic sa bahay namin. Gusto kong ibalik ang panahong masaya at magkasama kami, pero hindi na puwede.

 But life must go on, sa ngayon, hindi man siya tulad ni Ben10, hindi na ako maghahanap ng wala sa kanya,  kontento na ako sa kung ano ang maibigay niya.