The Octoberian  TwinsMinsan, ikinuwento ni Mama sa amin kung gaano magkaduksong ang pusod namin ng aking kakambal..

Noong bata pa kami, I mean, baby pa kami, wala pa kaming isang taon noon, mga 6 months pa lang siguro, ay nagkabulutong kami ni Kaye, ang aking kakambal.

Actually kaming apat na magkakapatid ay nagkaroon, pero dahil baby at mahina pa ang resistensya, kaming dalawa ang nagkaroon ng malalang bulutong. Bulutong-baliktad pa nga ang tawag nila doon, yun bang sa loob nagsususat at sa loob daw makati.

Ayon sa sabi-sabi nga nila, pag may kakambal, naghahati talaga  (hahaha pwera lang naman siguro sa asawa). Pero  ‘yung sa amin, si Kaye ang sumalo lahat. Oo, nagkasakit din ako, nilagnat pero ang may pinakamalalang kalagayan ay si Kaye. Mayroon pang pangyayari na nanigas na si Kaye, ah-ah, isinugod si Kaye noon sa hospital at umaasang maisave pa kasi mahina na daw talaga ang pulso niya noon.

Pagdating sa hospital, habang umiiyak si Kaye, nagsalita siya ng “Mama”.  Naghalo ang sipon at luha ni Mama noon (kuwento lang, hehe parang nakita ko eh). Biruin mo, six months, nagsalita. Tapos habang nasa hospital si Kaye noon at nagpapagaling, ako naman sa bahay ay napakatamlay. Pero isang araw, bigla na lang akong sumigla.  Ayun, magaling na din pala si Kaye.

Bitin ba? Mayroon pang isang patunay na magkaduksong ang pusod namin.

Minsan naman, namamasyal daw kami ng aming pamilya sa Glorietta.  Pero, ewan ko ha, hindi ko din kasi masyadong maalala. Basta habang naglalakad kami, magkakahawak-kamay pa kaming magkakapatid noon kasi puro bata nga at baka may mawala, ay bigla na lang akong tumigil sa paglalakad at sabi ko pa, “Mama, si Kaye, naiyak po”.

Sabay tingin naman ni mama, “Asan siya?”. Aba! Nawawala na pala si Kaye, dali-dali kaming iniwan ng mama ko sa gilid ng elevator at sinabihang huwag aalis at hahanapin niya si Kaye.

Ayun, pagkabalik  ay kasama na niya si Kaye na nangingilid pa ang luha sa mga mata. Nakita niya si Kaye sa may department store, at doon ay umiiyak habang hinahanap kami.

Sa layo ko ba naman sa kanyang yun, naramdaman ko pang naiyak siya noon.

Masaya talagang magkaroon ng kakambal. Naroon yung kahit anong mangyari talaga eh kayong dalawa ang magkasangga! Magkaroon man kayong away ay hinding-hindi n’yo makakayang tiisin ang isa’t isa. Kahit sinasabi ng iba na mahirap dahil laging napagcocompare, para sa aming dalawa, parehas lang kami.

Siya ang pinakanakakaintindi sa akin at ganoon din naman ako sa kanya. Hinding-hindi ka matatakot na sabihin sa kanya ang totoo dahil alam mong mapagkakatiwaan mo siya.

Wala ka nang ibang hahanapin pa, kapatid at kaibigan…

THE  BESTang magkaroon ng kakambal! :D

author:   octoberian

p.e./kf