Matagal ko nang pangarap ang maging popular sa lahat ng bagay. Hindi pa nga ako nagdadalaga noon, idol ko na ang ate ko. How I wish maging kagaya niya ako, maganda ..sexy ..at kinababaliwan ng marami. Pero nang dumating na ang time na pinangarap ko, pinagsisisihan ko na ang lahat ng yun.

Itago n’yo nalang ako sa pangalang LenLen. Ang reason kung bakit gusto kong i-share ang life ko dahil gusto kong kahit papaano mabawasan ang sama ng loob ko sa mundong ito. Ako ay isang rape victim at dahil doon sinumpa ko na ang lahat ng lalake sa mundo. Huwag n’yo akong kaawaan, hindi ko kailangan yan. Gusto kong unawain n’yo lang kung bakit ako nagkaganito.

Kami ng ate ko ay produkto ng isang broken family. Sumama ang father ko sa iba at nagkaroon siya ng isang anak sa kabit niya. Naiwan kami ng ate ko sa kalinga ng mother ko before siya inatake sa puso at namatay. Mula noon, si ate lang ang karamay ko.

G.R.O ang ate ko. Kahit nagkaganun man, hindi ko siya kinahihiya noon. Pinasok niya ang pagpuputa para din sa amin, para sa akin. Hindi ko dinanas ang hirap nang dahil sa kanya. Napakaganda ng ate ko at ginamit niya yun para kumita ng maraming pera. Nakapag-aral ako sa private school. Umasta akong mayaman..dahil yun lang ang alam kong paraan para hindi ako maapi ng iba.

Maayos ang buhay namin hanggang mag-college ako. Gaya ng pangarap ko noon, naging sikat ako sa campus namin. Kung sa ganda at sa hubog ng katawan lang ang pag-uusapan, malaki ang panlaban ko diyan. Ako lagi ang nakukuhang muse. Marami ang naging syota ko pero hanggang dun lang yun. Wala pang nakaka-first base sa akin kaya naman marami ang nangangarap na kalalakihan. At madami ding babae ang talagang insecure sa akin na ikinatutuwa ko naman.

Wala na dapat magiging problema until na-inlove ang ate ko. May pamilya ang lalake pero balewala sa kanya yun. Binahay siya at inangking parang asawa. At first, against ako pero nakiusap ang ate at talagang mahal daw niya. So wala akong nagawa, pinabayaan ko sila at dun nag-start ang pagbabago ng takbo ng buhay namin. Lagi na siyang naka-depende sa lalaking yun dahil pinahinto na siya sa trabaho niya at yun na ang sumusuporta sa amin.

Ilang buwan pa, lumabas na ang totoong ugali ng lalaking yun. Binubugbog niya na ang ate ko. One time na nasaksihan ko yun, kamuntikan ko na siyang saksakin pero ang ate nakiusap sa akin at naawa naman ako. Niyakap ko siya at sinabayan ng iyak. At hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari..

..Hinila ako nung lalaking yun sa loob ng kuwarto nila. Ni-lock niya ang pinto kaya ako nagsisisigaw. Sinikmuraan niya ako nang dalawang beses. Namilipit ako sa sakit. Wala akong nagawa hanggang naisakatuparan niya ang gusto niya. Pinagsawaan niya ang katawan ko! Binaboy niya ang katawan ko! Inangkin niya ako nang paulit-ulit..hudas siya! Pero ang mas masakit sa akin, hindi ako sinaklolohan ng ate ko.

Nang matapos ang kahalayang yun, tinanong ko siya kung bakit hindi niya ako pinagtanggol. Ito ang sagot niya, “Dahil ayaw kong mawala siya sa akin. Dahil mahal na mahal ko siya..at hindi niya ako iiwan basta matikman ka lang daw niya” Nagulat ako. Napaiyak ako nang todo. Hindi ako makapaniwala. Parang nayanig ang mundo ko. Mas masakit pa ang epekto ng sinabi niya kaysa sa sakit ng pagwasak sa pagkababae ko ng demonyo niyang kinakasama.

Sa galit ko, sa sama ng loob ko, sa sari-saring emosyong naramdaman ko that time…ito lang ang nasabi ko “Ate.. P******a ka! P******a n’yong dalawa! P******g pagmamahal mo na yan! Tang****g mga lalake na yan! Ate..bakit?! Bakit nagawa mo sa akin to! Katawan ko ito! Hindi sa ‘yo!”

Hindi ko na hinintay pang sumagot siya. Umalis na ako. Umalis akong wala sa sarili. Hindi ko sila dinemanda. Quits na kami. Bayad na ako sa utang na loob ko sa kanya, sa pagpapalaki niya sa akin. Magsama sila sa impyerno! Kaya mula noon, sinumpa ko na kailan man ay hindi ko sila mapapatawad. Sinumpa ko lahat ng mga lalake dahil pare-pareho lang sila. Mga manloloko. Manggagamit. Kahit sarili kong ama..gago sa paningin ko. Kung hindi niya kami iniwan noon, hindi sana ganito ang buhay namin ngayon.

Wala na akong kayang ipagmalaki. Sa sarili ko, ako’y diring-diri. Ang nangyari sa buhay ko’y isang nakamamatay na bangungot. Nakakatawang-nakaloloko lang kasi na ang iniingatan kong dangal, sa isang kisap-mata lang ay ninakaw nila. Ang yabang ko pa naman noon sa mga naging syota ko, ngayon wala nang saysay ang pag-iinarte ko. Wala na akong jewel..ika nga. Hanggang balik tanaw na lang ako sa panahong ipinagsisigawan ko sa mga lalaki ang motto ko na “No hitting below the belt”.

author:  Ma. Joy Clarizza Alberio

p.e./mj