Pasko      (Photo Credit  :    Earlsamson)

Pasko (Photo Credit : Earlsamson)

Ang saya tuwing sasapit ang Pasko, may katuwaan, may pagkain, may regalo, may ngiti, may kantahan, may pagdiriwang at higit sa lahat ramdam mo na may nagmamahal sa ‘yo nang totoo. Pero hindi lahat ay masaya tuwing sasapit ang Pasko. Yung feeling ng naabutan ng trahedya sa buhay, o kaya naman yung kapos at walang pang noche buena or kahit pagkain man lang pang tawid ng gutom. Nandiyan din yung mga taong malalamig ang Pasko, iniwan ng special someone o kaya naman hindi pa nagiging sila ng minamahal niya. At ang hinding hindi mawawala ay yung mga ninong at ninang na bigla na lang nawawala.

Akala ko tuloy, busy lang sila, umiiwas pala. Nasaan na kaya sila noh? Nasa Pluto kaya sila pag araw ng Pasko? Pero ang mas pinakakawawa ay yung mga inaanak na pinagtataguan. Hindi lahat ng pagkakataon masaya maglaro ng taguan. Lalo na pag ikaw lagi ang taya. hahaha ang daya! Namiss ko na nung bata pa ako. Lagi na lang utang muna, inaanak ha? Next year na lang. (anaknangpusaoh!) Alam ko naman na walang katapusan ang next year na yan eh. Depende na lang kung tama ang mga mayan na magugunaw na ang mundo sa December 2012. haha. At ngayong may inaanak na din ako, gagayahin ko ba sila?

I wonder if everyday will be merry on Christmas day. Will Santa continue riding on his deer and his gift-giving? Will the number of obese person increase? Will there be Christmas holidays? If there is, then everyday will be holiday? oh yeahh!

Ang sarap siguro noh kung everyday laging Pasko? Araw-araw kang may matatanggap na regalo. Malamang araw-araw may bonus pang kasama. At sana huwag natin kalimutan na ang Pasko ay ang kaarawan ng ating pinakamamahal na si Jesus. Ito ay pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Though not exactly the date it should be. Dapat magpasalamat tayo kasi Siya ang the best gift na natanggap natin.

Sana araw-araw ay Pasko. Kasi araw araw naman sinisilang si Jesus sa ating mga puso at isipan. Kaya habang maaga pa, tayo ay magtulungan. Huwag na nating hintaying umabot pa ang Pasko. Dahil ang pagbibigay ay hindi lamang ginagawa tuwing Pasko. Ginagawa mo ito dahil gusto mo at bukal sa iyong puso.

author:  kelvinjonas

p.e./mj