Balik-Tanaw: Sa Ika-22 Taon ng JULY 16, 1990 EARTHQUAKE, Ano ang mga Naaalala Mo?
Tuwing malapit na ang birthday ko ay may isang araw akong naaalala sa buwan ng July. Ang totoo, hindi ko lang siya naaalala kundi kinakatakutan ko pa.
Unang kalahating taon ng Dekada NoBenta, nasa grade five level kami nang mangyari ang lahat. Tandang-tanda ko pa kung gaano kalakas ang ulan na bumuhos noong hapon na iyon tatlong araw bago sumapit ang kaarawan ko. Malakas ang kidlat, malakas ang hangin at kailangan naming isara ang mga jalousie windows ng classroom namin para hindi kami pasukin ng patak ng ulan. Akala ko nga noon ay maliligo na kaming pauwi ng bahay dahil parang ayaw tumigil ng ulan na nagsimula mga bandang alas-dos. Kung uso lang ang celfone that time, malamang ay nag-send na ang lahat ng mga estudyante ng text messages sa kanilang mga magulang para magpasundo dahil malapit na ang uwian ng alas-singko.
Buti nalang mga bandang alas-kuwatro ng hapon ay tumigil na ang ulan. Nabuksan na namin ang mga bintana at nakita na ang araw sa kalangitan. Mathematics ang subject noong mga oras na iyon at ang paborito kong si Mrs. Sable (R.I.P., ma’am) ang nagtuturo. Teacher’s pet niya ako dahil madalas akong ipanglaban sa mga quiz bees. Nasira ang concentration ko sa kanyang lecture nang may naramdaman akong umuuga ng upuan ko. Sa sobrang bad trip ay tumitig ang aking evil eyes sa katabi ko at sinabi sa kanyang itigil ang paggalaw ng inuupuan ko kung ayaw niyang maglaho sa mundo. Napataas lang siya ng kilay at sinagot ako na hindi daw siya ang yumuyugyog. Maya-maya ay biglang may sumigaw ng “Ma’am, lumilindol!!“.
Maraming nag-panic, lalo na ang mga babae. May nag-iiyakan, may nagsisigawan, at may mga gustong tumakbo pero natatakot umalis sa kinatatayuan. Nasa second floor kasi kami ng nagg-iisang two-storey building ng Camp Crame Elementary School at that time kaya medyo ramdam namin ang impact ng malakas na pagyanig ng lupa. Wala nalang kaming nagawa kundi magkapit-kapit ng kamay habang nagdarasal ng “Our Father”. Sa murang edad namin noon, ang pakiramdam ko ay parang sumakay ako sa space shuttle ng Enchanted Kingdom na walang seatbelt. Tumagal din ng halos isang minuto ang paghinto ng aming mundo sa magalaw na daigdig. Nang matapos na ang lahat ay hindi na namin alam kung ano ang gagawin. Lalabas ba kami o mananatili sa loob ng classroom? Nakita ko pa nga sa labas ng building ang isang asong umakyat sa buhanginang nakatambak malapit sa isang ginagawang building. Nakatitig ‘yung hayop sa biyak sa buhangin na hindi rin alam ang gagawin.Para akong niyanig ni John “Earthquake” Tenta ng World Wrestling Federation sa nangyari.
Akala ko ay ganun-ganun nalang ang naganap. Wala naman kasing nawasak o gumuho sa school namin.Nang makauwi ako sa bahay namin ay naabutan kong tulala ang lahat sa ipinapalabas sa mga flash reports sa teevee. July 16, 4:26 P.M., isang malakas na lindol ang yumanig sa Luzon. May lakas itong 7.7 na naitala sa Richter Scale at tumagal ng forty-five seconds.
Nang makita ko sa balita ang nangyari sa Christian College of the Philippines sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ay talaga namang nanlumo ako dahil mga estudyanteng katulad ko ang naging biktima ng trahedya. Gumuho ang six-storey building ng CCP dahil sa lakas ng lindol. Maraming mga mag-aaral ang na-trap sa ilalim ng mga debris – may mga buhay na humihingi ng saklolo at napakarami ring binawian na ng buhay. Napanood ko pa noon ang footage ng actual rescue operation sa isang babae na hindi nila mailabas sa mga patong-patong na konkreto dahil nadaganan ang paa niya. Hindi mahila ng mga rescuers dahil umiiyak at sumisigaw sa sakit ang bata kapag ginagawa nila ito. Ramdam na ramdam mo ang awa sa pangyayari…
CLICK HERE TO CONTINUE READING “NANG MABULABOG ANG LUZON“
JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 33-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.







naalala ko yung babae estudyangte ata yon na andun tatay nya habang iniinterview sya naipit katawan nya nakaheadband pa sya medyo kulot, morena, DOLLY ang name nya sa pagkakatanda ko, san ko mapapanood footage nya? Awang awa ako, she did not make it.
I was 11 at that time, nasa school kami nagkakaron ng class election, lumabas kami lumuhod naghawak hawak ng kamay at nagdasal at iyak kaming lahat.
Grade 3 ako noong nangyari ‘to naglalaro pa ako ng jolen sa backyard namin..grabeng tinamaan nito bagiuo? Dahil d2 pumatok uli ang comics dahil sa mga kaluluwa daw ng umiiyak humihingi ng tulong sa hyat hotel sa baguio. Kaya naging storya sa lahat ng komiks at tabloid….:-)
na sa baguio ako nun. grade 3 kakauwi lng galing Baguio Central School ng 3pm. Natutulog kami nun ng nanay ko at bigla nalang nya ako niyakap dun sa double deck na kama nmin. at yun pag labas nmin after nung lindol biyak na ung kalsada ng about 5 inches.. .
I was in grade 6. 11 yrs old
i was gr4 that tym.nagrereview kme s bahay ng teacher ko para s isang quiz bee.akala ko inuuga ng kaklase ko un mesa.tap0s naicp ko n antique un table at s0brang bigat.di basta2 mauuga ng isang bata.bgla tumakbo ppunta samin c Ms Laureta at dnala kme s labas ng haus.hawak hawak kamay dw kme at bk dw bumuka un lupa s lakas ng lind0l.
nasa playground ako in school, playing with bus mates, the rain just stopped and it was around 4 something in the afternoon.I was 6 years old and saw everybody running away. I had to run din kasi the teachers had that scared look on their face. Once everybody had been evacuated on the grounds safely, ( thanks to numerous earthquake evacuation drills) we all started to pray the rosary as my school was a Marian devotee… I remember being so scared that i was in denial it was even happening at all. Thank God no casualties in my school nor my family. that memory is still so vivid in my head even after all these years.
NSA grade 3 ako nun ngsusulat sa pisara ang akin guro ng bigla nlng ngsisigawan ang mga katabi nmin studyante! Kakatakot Lalo n yun sumapit ang Gabi walang kuryente, ngiisip Kung manyayari Ulit yun ganun sakuna! Sana sa panahon ngayon na sobrang hirap na ng Bansa wag Sana manyari pa!god bless philippine
nasa Bugallon,pangasinan ako non..it was scary… specially the aftershocks….God bless all those people that suffered and died that day…
buntis si Mama nung ke bunso.:)
gang 4yrs, at 1yrs. Sobrang lakas dhl nahilo ko.
grade 1 plang k nun,gumgwa k assignmnt biglang sumigaw c mama n lumilindol dali dali km lumabas binuhat n dady 2 kptid k isang 4yrs, at 1yrs. A
I was in bed and awakened by this rocking motion..
aking naalala… akala ko ay nahihilo lang ako ngunit pagtingin ko sa puno ng niyog umuugoy na ito…. magnitude 7 unang pagyanig ng lupa sa aming bayan ng San Jose…
its true… she died… i was on my first year college then…
naalala ko yong student from cabanatuan na nadaganan ng buong building ata yon ng schhol nya,ndi sya maalis dun tapos 1 kamag anak nya ata yong nagpupunas ng pawis nya at nagpapainom sakanya ng tubig,alam ko she didn’t survive…
naalala ko yong student from cabanatuan na nadaganan ng buong building ata yon ng schhol nya,ndi sya maalis dun tapos 1 kamag anak nya ata yong nagpupunas ng pawis nya at nagpapainom sakanya ng tubig,alam ko she didn’t survive…