I love you (Photo credit: sana-az.blogspot.com)

I love you (Photo credit: sana-az.blogspot)

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito.  Baka isipin mo na nagbibiro lang ako. Dahil iilang araw pa lang mula noong magkakilala tayo. Pero ngayon iba na ang ibig sabihin ng mga ngiti ko kapag ikaw ang kausap ko.

Nakakatawa at hindi kapani-paniwala. Pero totoo ang nararamdaman ko. Paniwalaan mo sana ito. Basta ka na lang kasi dumating sa buhay ko. At sa hindi sinasadya, agad na napaibig mo ako. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog ang loob. Sa lahat ng sinasabi mo, ramdam na ramdam ko ang halaga ko sa’yo.

Hindi ko alam kung tama ito.  Pero kung itatago ko, mas lalo lang mahihirapan ang puso. Paano nga ba magiging mali ang pagmamahal. Kung ito ay totoong nararamdaman ng puso. “Mahal kita!” iyan ang nararamdaman ng puso ko. Hindi binibigkas ng bibig ko.

Kapag nagkukwento ka, tahimik lang ako. Nakikinig at iniintindi ang nararamdaman mo. Nang malaman ko ang nakaraan mo, mas lalo pa kitang minahal. Lalo na noong umiyak ka.  Sinasabi ko sa sarili ko na kung pwede lang sana. Ako na lang ang luluha kapag nalulungkot ka. Ako na lang ang iiyak kapag nasasaktan ka. Dahil babae ka, at ang babaeng  tulad mo ay minamahal hindi sinasakal.

Masaya ako kapag nararamdaman kong masaya ka. Ngunit walang kasing saya ang malamang napapangit kita. Kung kaya ko lang sana ipinta ang iyong mukha. Ilalarawan ko itong laging nakangiti. Kung maaari, ayaw kong nakikita kitang malungkot. Mas lalong ayaw kong nakikita kitang umiiyak. Kaya lang sa puso ko lang kayang ipinta ang iyong mukha. At dito sa puso ko, lagi kang masaya. At kailan man hindi ka mabubura.

Kung darating man ang araw na pakiramdam mo ay may kulang. Nandito lang ako, laging handa para punuan iyon. Kung kailangan mo ng magmamahal sa ‘yo ng tapat at totoo.  Nandito lang ako nagmamahal sa ‘yo palagi at magpakailanman.

Pero tandaan mo din sana. Hindi pa tayo. Kaya nandito lang ako. Laging nag-aabang at naghihintay sa matamis mong OO. At handang-handa nang mahalin mo. Kaya sinasabi ko na ito.

“I Love You!

Kailan ko kaya maririnig na sabihin mo sa’kin ang,

“I Love You Too?

author:    iceburn

p.e./mj