Lonely Guy      (Photo Credit  :    Flickriver)

Lonely Guy (Photo Credit : Flickriver)

“Mag-isang Umiibig” isang napakalungkot na sitwasyon. Hindi lang naman ako ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon diba? Hindi lang ako yung unti-unting sinasaksak ng sibat ng selos pag nakikita silang masaya. Anong magagawa ko? M.U nga e.

Hindi ko naman inakalang mararating ko ang sitwasyong ganito. Nagsimula kami ni Aleesa bilang mag-kaibigan, sobrang saya ko nung mga panahong ‘yun. Hanggang likod pa nga yung ngiti ko kung titignan. Araw-araw ko siyang kinakausap, kinukumusta kahit alam kong walang kwenta na ang mga tinatanong ko yung tipong miski baliw tatanggihan akong kausapin e sige pa rin. Kasalanan ko bang pag nakikita ko siya nabablangko ako.

Punong-puno ako ng pag-asa kapag nakakausap ko siya, sobrang saya ko na kapag nakikita kong napapatawa ko siya. Makita yung mga ngiti hindi mo ipagpapalit sa bukas. Mga mata niyang mas pipiliin mo pa kesa sa mga mamahaling dyamante sa sobrang kinang.

Araw-araw hinihintay ko siya sa labas ng eskwelahan, hindi naman kase nagkakalayo ang oras ng labasan namin. Kala ko makakaya kong magtapat sa kanya, marahil limang buwan na siguro kaming magkakilala at sampung taon ng magkaklase. Pero dala ng kung ano mang elemento ng pesteng katorpehan na ‘to ayun hanggang friends forever na lang ata kami, pero mahal ko na siya…

Isang araw napagdesisyunan na ng kakakarampot kung utak na wala akong mararating sa katorpehan kong ito. Buong gabi kong pinalakas ang loob ko, pinuno ko ang utak ko ng mga salitang hindi ko ipagpapalit ang sarili ko kina Coco Martin. Piolo Pascual..

Valentines Day nun, ito na ang araw na inalaan para sa mga puso.  Kaya naman susundin ko na kung ano ang sinisigaw ng malat kong puso.

Tatlong oras akong naghintay sa gate ng eskwelahan, Sa sobrang tagal ay marahil mas nagawa ko pa ang trabaho ng sekyu na natutulog sa gilid ng paaralan. 256 na estudyante pala ang lumalabas kapag alas tres na ng hapon nagulat ako’t nabilang ko ang lahat ng estudyante na ang naglalabasan ng oras na iyon. Pero sa 256 na yun, wala dun si Aleesa.

Dalawang oras pa akong naghintay, pero wala pa rin. Nagtaka ako bakit sa daan-daang estudyante na lumabas ngayong araw, wala dun ang mahal ko? Hawak-hawak ang unti-unti nang nalalantang rosas ay naglakad ako sa dalampasigan, dito na kasi ang pinakamabilis na daan pauwi samin. Wala ako sa sarili ko nung mga oras na iyon. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang  unti-unting paglungkot ng aking mukha. Biglang sumagi sa isip ko ang Puno ng Mangga, kung saan kami unang nagkabanggaan at nagkapalitan ng tingin ni Aleesa.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa puno ng mangga, hindi ko na inisip kung anong sermon ang maririnig ko sa hapag kainan mamaya. Takbo lang ng takbo hanggang sa marating ko na ang espesyal na puno ng mangga. Maraming tao, may mga lamesa pa ano kayang meron. Malayo pa man ay nakita ko na Angie, ang bestfriend namin ni Aleesa. Nilapitan ko agad siya at tinanong kung nakita niya si Aleesa, hindi naman nasayang ang pagod ko sa kakatakbo dahil sabi niya nandito ang aking mahal.

“Uhmm, Aleesa?” Ilang beses kong sinabi ang magagandang pangalan niya bago niya narinig ang anking tinig.

“Oh Jeff, andyan ka pala? Anong ginagawa mo rito?” sambit niya.

Natulala ako sa natural na kagandahan ni Aleesa, nawala ang pagod ko sa kakatakbo mula nung marinig ko ang kanyang mga tinig, makita ang mapupula niyang labi at ang maliliit nitong mga mata.

“Jeff??? Jeff???” paulit-ulit niyang sinasabi ang pangalan ko pakiramdam ko nasa langit na ako. Hanggang sa mamalayan kong hindi ito isang panaginip.

“Ay, pasensya na, ano ulit yung sinasabi mo?”

“Sabi ko, anong ginagawa mo rito?” Grabe talaga hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatulala tuwing naririnig ko ang boses niya.

“Ah, hinintay kasi kita kanina sa eskwelahan kaso wala ka. May sasabihin sana ako sayo. Hindi ka ba pumasok?”

“Hindi ka na dapat nag-abala pa Jeff, ano yung sasabihin mo ? ako rin may balak sabihin.”

“Hindi okey lang naman sakin yun, ano pala yung sasabihin mo?” Pilit kong tinatago ang rosas na hawak ko sa likod ko.

Jeff, kilala mo ba si Paulo?”

“Si Paulo ? Oo naman, ilang taon na tayong magkaklase diba ? Bakit kayo na no? HAHAHA”  Pabiro kong tukso sa kanya, alam ko namang hindi siya yung tipo ng babae ni Paulo, saka subsob sa pag-aaral yun bihirang bihira mo siya makita sa mga party na tulad nito.

“Oo Jeff, KAMI NA! Kaya nga hindi na kami pumasok nila Angie para magcelebrate. Grabe, friend, ang saya ko ngayon!”

Tuluyan ko nang tinago ang rosas na hawak hawak ko, hindi ko inaasahang magiging totoo pala ang biro ko. Ang nga katagang “KAMI NA” ang pinakamasakit na salita na narinig ko sa labing-siyam na taon ko dito sa mundo. Duguan man sa mga sinabi niya ay hindi ko pinahalatang unti-unti na akong kinakain ng mga letrang K-A-M-I N-A.

Oh? Ang suwerte ni Paulo, sabihin mo lang kapag  sinaktan ka ni Pau. Sagot kita…” Sabay tapik sa balikat ni Aleesa.

“Ano na yung sasabihin mo Jeff? Ang bait mo talaga Jeff, ang suwerte ng magiging girlfriend mo.  Nga pala kamusta na yung sinabi mong liligawan mong babae ? “

“HAHAHAHA, hindi naman ako mabait, Saka ayun nga yung sasabihin ko eh. Wala na akong balak na ligawan siya.”

“Hala! Bakit naman ?”

“Wala naman, kanina ko lang kasi nalaman na mayroon na pala siyang boyfriend…”

“Ahh, kala ko pa naman magiging double celebration ang araw na ‘to..”

Bigla na lang narinig ko na may tumatawag kay Aleesa, boses yun ni Pau. Si Pau na nagtutulak sa akin na ligawan ko na si Aleesa nung mga panahong high school pa lang kami.

“Sige Jeff, punta muna ko dun saglit, kuwento mo sakin kung anong nangyari sa inyo ng babae.”

“Sige….”

Ganito ba talaga ang panahon pag biniro ka ? Kung kailan handa ka nang magtapat saka pa hindi na puwede, sabi nga nila “NASA HULI ANG PAGSISISI” Habang papalayo si Aleesa nakita ko kung gaano siya kasaya nung mga araw na iyon.  Ito lang ang pinak- ayokong klase ng eksena na sa aking prinsesa, iba ang nagpapasaya. Wala akong masisisi kundi ang sarili ako kung bakit drum ang dala ko nung nagpakalat ng katorpehan sa mundo…

“Aleessa…”

author:  jeff_fidel

p.e./kf

Enhanced by Zemanta