Praying      (Photo Credit  :    Gospeldrivendisciples.blogspot)

Praying (Photo Credit : Gospeldrivendisciples.blogspot)

Sa aking pananaw.. Ang buhay natin bilang tao ay isang napakalaking biro, isang hindi nakatatawang biro.. 
    
Ang ating kapaligiran ay puno ng mga nilalang na nabubuhay at namumuhay ayon sa kani-kanilang  pakinabang at pagkakakilanlan.. Mula sa mga organismo, mga mikrobyo, mga hayop sa lupa, mga nilalang sa karagatan, mga puno, mga bulaklak, at tayong mga tao.. Ang paligid ay napapalibutan ng mga nilalang na may kanya kanyang misyon, dahilan at kapakinabangan.. 

Kaso.. Nabigyan nga tayo ng libreng buhay, napagkaitan naman tayo ng karapatang mamili kung tatanggapin ba natin ito o hindi.. Lahat ba sa atin ay ninais o pinili ang maging ganito? Siguro!.. Baka!.. Lalo na kung ipinanganak ka sa loob ng pamilyang namumuhay ng marangya.. Pero paano kung ang mga kasagutan sa mga katanungang ito ay manggaling sa mga taong biktima ng kahirapan, ng hindi pagkaka pantay pantay at nang pang aapi, makakasagot ka pa rin ba ng “Oo”?..

Nakakatawang isipin na nabuhay o binuhay tayo sa mundong ito para sa huli ay pumanaw lang din.. At nakalulungkot ding isipin na walang sinuman sa atin ang maaaring tumanggi.. Nakagisnan ko na ang buhay na ito, ang aking edad ay patuloy na nadaragdagan taon taon. Ang bawat araw ay isang hakbang tungo sa aking pagtanda.. Hindi mapipigilan, alam ko na darating ang isang araw tulad ng panahon, ako ay magiging parte na lamang ng kwento ng buhay ng iilang mga tao sa paligid ko.. Mga taong naging parte ng aking lilipas na ala-ala, na namuhay at lumisang tulad ng hangin na dumaan na di na muli pang magbabalik.. 

NO U TURN..
WALANG DAAN PABALIK.. 
    
NO CHOICE..

author:   mssarakai

p.e./mj