Text Messages     (Photo Credit  :    Nokiaconnects)

Text Messages (Photo Credit : Nokiaconnects)

Pagmulat ng mata, check agad ng cellphone… walang message.. compose a message “Good morning, ingat ka today.” and then send. Almusal, cereals with evaporated milk and iced tea, go back sa room, check ng phone… ayun may message, email lang pala galing sa subscription ng isang tech magazine. Time to get ready, hop in to the shower, do the morning rituals, get dressed check my phone.. still walang text.

Lumabas na ng bahay, walk towards the bus stop, wait for about 10 minutes, bus arrived. While on the bus, nakikinig sa nakarepeat na song ng Spongecola “Makapiling ka”. After about 20 minutes, nakarating na sa office, naupo na sa harap ng desk, login sa computer, check some of work emails, check in sa four square, check ng text message… wala pa rin.

Started my daily work routine, got a couple of calls from people asking for help with their computer/Technology related problems, solved and help them while having my daily dose of caffeine. Check my cell phone,.. oh someone liked my status, but still wala pa ring text. Medyo nagutom, kumuha ng granola bar, walk to the common room to fill my tumbler ng cold water since naubos ko na ung coffee ko, went back to my desk, checked my phone… wala pa ring message.

Waiting for other work load to arrive, nagbasa muna ng ilang blogs sa DF, check my phone, wala pa ring text. Eto na, nagsimula nang lumipad ang isip ko. Hindi ko mawari kung saan papunta, nagsimula lang magflash back nung una ko siyang makita, yung mga ngiti niya, ung mata na kahit nakasalamin ay aking napuna, at lalo na nung dumampi ang aking kamay sa kanyang kamay, haaay ang lambot ng palad niya, ayaw ko sanang bitawan agad ngunit unang pagkikita pa lang, baka maging yun na rin ang huli.

Sobrang saya, mula noon lagi ko na siyang tinitext, kahit na minsan hindi siya agad nasagot o hindi talaga nasagot. Dumating din ang araw na lumabas kami na kaming dalawa lang at inamin niyang iyon ang unang pagkakataon na lumabas siya na may kasamang lalaki na siya lamang, marahil kalimitan ay may kasama siyang tsaperon.

Lumawak pa ang paglalakbay ng aking gunita, inalala ang mga panahon nang kami’y magkasama, masaya at kakaiba ang pakiramdam sa tuwing nakakatabi ko siya. Kumpleto, panatag, BUO. Ngunit hindi ko talaga maipaliwanag na sa tuwing kami’y magkakalayo, parang nagbabago lahat, oppps teka nagvibrate yung phone ko… haaay, email lang pala.

Balik sa pantasya, nagbago ang normal na takbo ng aking mundo, dati rati pagkakagaling sa trabaho sapat na sa akin ang makauwi ng bahay at makapahinga, nandiyan dn naman yaong minsang pagpunta sa mall, pagtambay sa ice creaman pero nagbago yung noong nakilala ko siya, mas gusto ko nang laging lumabas, maging active, tuwing lunes at nais kong maglaro ng volleyball kasama siya at pati na rin ang mga kapatid at barkada niya. Check ng phone, wala pa ring text.

Medyo komplikado kong masasabi lang yung relasyon namin, o para sa akin, kasi gusto ko siya. Actually parang nahuhulog na nga ako sa kanya eh, pero magkaibigan pa lang kami.  Kaya kung minsan, hindi ko rin alam kung saan lulugar, minsan ramdam kong gusto niya rin ako, minsan nama’y parang wala siyang pakialam. Hindi pa rin siya nagkakaron ng boyfriend, kung kaya’t nagiging maingat siya, na wala naman akong masasabi. Sa tingin ko nga eh maganda pa iyon, nang sa gayon ay magkaroon siya ng wise decision, kung baga hindi pabigla-bigla. Check ulit ng cell phone.. haaayz wala pa rin..

Hindi ko alam if maapprobahan din tong blog kong to, magtatanghali na pero ang dami ko nang nasulat/natipa. Ipapasa ko na to, ayos lang if hindi maaprobahan, ang sa akin lang nailabas ko yaong current na nararamdaman ko. At least kahit papaano, nabawasan yung pa-iisip ko, pero iniisip ko pa rin eh.. check ng phone.. wala pa ring text….

author:   Batang mapaglaro ang pag-iisip

p.e./kf