Journey   (Photo   Credit  :   Facebook)

Journey (Photo Credit : Facebook)

Ang buhay ng tao ay isang mahabang paglalakbay.  Paglalakbay na hindi mo alam kung saan ka tutungo dahil tayo ay nilalang na isinilang na walang alam.  Sa umpisa hindi natin alam ang tama o mali, dapat at hindi dapat. Parang blank tape na walang tugtog, puting papel na walang nakasulat, canvas na walang nakapinta at bagay na walang disenyo o kulay man lang. Tayo ay namulat sa mundo na puno ng misteryo, mundo na puno ng elemento. Sa ating paglalakbay marami tayong makakasalamuhang tao, mga taong may busilak na puso at gagabayan tayo na tahakin ang tamang landas, at tahakin ang tuwid na daan tungo sa buhay na puno ng kulay.

 Ang ating mga Magulang ang siyang magsisilbing gabay at ang taong magpapatnubay at magbibigay ng mga Ginintuang butil na payo mga salitang magagamit natin sa ating paglalakbay.   Lakas ng loob at tiwala sa sarili.   Pabaon ng ating Ama na madalas niyang sinasabi.  Pagmamahal at respeto sa kapwa, mga katagang kadalasang sinasambit ng ating ina.  Sundin natin ang kanilang mga payo, isa puso at isa- isip natin ang lahat ng kanila mga payo.  Ipunin natin at ipasok sa ating mga kokote. Dahil ang landas na ating tatahakin ay minsan din nilang dinaanan.  Talasan natin ang ating mga mata at maging matatag tayo sa lahat ng hamon sa buhay.

 Sa kalagitnaan ng ating paglalakbay, damhin natin ang simoy ng hangin. Pagmasdan ang kapaligiran at pumili tayo ng mga mabuting kaibigan.  Makihalubilo tayo sa mga taong makapagturo sa atin ng tamang direksyon ng buhay,  tungo sa buhay na mapayapa at may katahimikan.

 Dahil sa ating paglalakbay marami tayong makakasalubong sa daan, mga taong mapag-panggap at mga tao na hindi dapat pagkatiwalaan.  Mga taong magiging sanhi ng pagkasira ng ating layunin sa buhay.  Problema at pagsubok na siyang magiging sanhi ng ating panghihina at pagkawala ng tiwala sa ating sarili .  Dahilan upang tayo ay mawawala sa sarili.  Para tayong umaawit na nawawala sa tono at nagiging sintunado at sumasayaw na wala sa tiyempo.  Mga mapangahas na tao na siyang magdadala sa atin sa impyerno.  Sa pagkakataong ito huwag natin hayaang masira lahat ng mga bagay na ating nasimulan at mga plano na ating na umpisahan.Imahenasyon na madalas na napapanaginipan.  Huwag natin kalimutan ang lahat ng mga payo ng ating mga magulang.  Ang taong di marunong lumingon sa sa kasabihan kangyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan,  na madalas kong naririnig. Ito ang kasabihan na dapat nating isaalang-alang at paniwalaan.

 Dahil sa pagtahak ng landas ng buhay,  minsan ka lang magkamali ng tatahakin ang daan.  Mahihirapan ka nang balikan ang iyong nakaraan. Dahil ang nakaraan ay lumipas na at hindi na maaring ibabalik pa. Kaya’t sa mundong ito maraming mga tao na nakikita kong nagkamali ng landas na kanilang tinahak at patuloy na naghihirap at hikahos sa buhay.  Nalunod sa kumunoy ng kamalian at hinayaan na lamang na malugmok ang sarili at nawalan na ng tiwala na mararating pa ang dulo ng mundo.

 Marami mang pagsubok na ating haharapin sa pagtuklas ng mundo, patuloy natin ang ating mga pangarap.  Huwag tayo basta susuko.  Pasasaan din at makakamit din natin ang tagumpay.

 Matuto tayong bumangon at tumayo sa tuwing tayo ay nadadapa.  Huwag natin tularan ang mga tao na hindi pinahahalagahan ang mga ginintuang payo ng kanilang mga magulang. At hinayaan na lamang nila na kalawangin ang kanilang utak at hindi na nakapag isip pa ng tama.

 Huwag natin tularan ang ahas na habang buhay ng gagapang.  Subukan nating tularan ang ibon na malayang nakakalipad sa kalawakan at nararating ang lugar na nais nilang puntahan.  Ang landas ng buhay ay iisa lang at maraming tao ang nagsisiksikan na marating at makamit ang buhay na mapayapa at matagumpay.

 author:  mjsweetiecarreon

p.e./kf