A Straight  Life   (Photo   Credit  :   Amazon)

A Straight Life (Photo Credit : Amazon)

Mahirap Na Raw Maging Straight Ngayong Panahong Ito.

Madalas kong naririnig sa mga kasamahan ko rine sa Middle East ang mga salitang “ Straight Yan, Mabait, Walang Kalokohan”. Sa salitang Tagalog e “Diretso”. Sa Salitang Arabo eh “Alatun, Mafi Kida Kida”, my Arabic spelling might not be correct, pero sige lang.

Isang napakagandang adjective ito para sa isang tao, physically and spiritually. Medyo himayin natin ito para naman masuri mo ang sarili mo kung ikaw nga ay Diritsu.

Dito sa Middle East, iisa ang tinutumbok nito. Sa lugar na ipinagbabawal ang pakikipangmingle ng mga babae sa mga lalaki sa mga public places, parang dapat e lahat e maging straight dahil as force by circumstances. Pero hindi ditto natatapos ang blog ko, dahil narito sa lugar na ito ang lahat ng mga ipinagbabawal. Name your vices and it is here. Puro patago nga lang lahat and you have to find it.

Straight, ang ibig sabihin nito sa Middle East e wala kang affair, illicit love affair ika nga. Wala kang extra curricular activities. Mafi Habibi hina. Walang Talisuyo, walang mistress o sa salitang kalye e wala kang kabit.

Malungkot daw kasi and kailangang tumagal rine sa Gitnang Silangan para makapag-aral ang mga anak, para me pambili ng bahay at lupa at me pangnegosyo. Merong nurses, merong Mananahi, merong mga Katulong sa hospital at Kasambahay. Madali lang daw silang hanapin, nandyan lang sila sa tabi tabi. In fairness naman sa mga babae, nandyan din ang mga lalaking nagpapalipad hangin, mahusay ang boladas.

Sa mga lalaki, feeling macho ka kapag di mo ginagastusan ang babae o kung ikaw ang ginagastusan ng babae. Maganda ang trabaho ika nga ng nakuha mo. At di naman sila papatol sa ‘yo kung wala kang breeding. Kung baga sa manok e Teksas ka.

SA mga babae naman, requirements nila sa lalaki para maging papable e, nakaliveout o me sariling flat o umuupa ng sariling kuwarto, at me kotse. Basic na requirements lang yan. Mas papable ka kung kaya mong supplyan ang  mga gastusin ng mga babae.

And then darating sa punto na the boy meets the girl and if the flame sparks, then kayo na nga.

There are instances where both will not tell that he or she or they are married, and malalaman na lang later on. Meron naman na alam kaagad and sige lang. Merong pangdito lang sa Middle East at meron din naman na hanggang sa Pilipinas. Depende ika nga sa agreement.

Kung magsasama sa isang bubong, then you need to have your marriage license. Me nakukuha daw na papeles galing sa embassy. Malalaman mo na fake kung mahuli ka ng mga Religious Police. And if turned out fake, then you will be asked to convert to their religion, otherwise deported ka. Very risky ika nga.

On the other hand if it is turning well in the country, then you have to find ways to hide it from your love ones in your own country. Kailangan mo ng special skills to do this kasi sa panahon ngayon with video calling, skype, ym, viber, tango etc etc etc, it is really really hard to hide it. Sabi nila, habang humihirap e sumasarap. Kung mahuli man, it is either humingi ng tawad at back to the originals again or pag hiniwalayan ni misis e ipagpatuloy na lang ke Escabeche.  Years will pass by and he or she may say goodbye, and it is up to you to find another love again.

I know a lot friends doing this, I do sometimes bother to care, or hayaan na lang sila as it is their own life. Sabi nga, matatanda na sila to know what they are doing.

About me, having a wonderful family, wife and kids waiting for me to return home, I’ll be better to stick as a “Straight Man”.

Very Well Said and Done.

Never Meant to Hurt Feelings,  Pumasok Lang sa Isipan Ko and Here I Am, blogging again.

Peace Bro.

author:   randy

p.e./mj