Dolphy   (Photo Credit  :    Www2.philstar)

Dolphy (Photo Credit : Www2.philstar)

Nandito ako sa gitnang silangan, hindi pa rin makaget-over sa pagkawala ni Manong Dolphy, na kung saan para ko ring itinuring na ama, dahil tulad niya, ang aking yumaong ama ay palabiro, mahusay makisama,hindi marunong tumanggi kahit wala na kami ay nagpapahiram pa rin, walang kaaway. At tulad din ni Mang Dolphy, lapitin ng tsiks, may problema rin sa baga at gusto ang best para sa anak.

Pakiramdam ko, nagluksa na naman ako, paikot-ikot sa aking kama, mabigat ang loob at malayo sa kanya. Oo, napanood ko ang halos lahat ng pelikula niya, simula pa sa El Pinoy Matador, Omeng Satanasya, ang episodes at pelikula ng John and Marsha hanggang sa   Pidol’s Wonderland.

Simula sa pagkabata hanggang ilang buwan na lang at ako ay limang dekada na rin sa mundo. Pero teka teka, ilang taon ba siyang namatay? 83 years old. Tatay ko at nanay ko ay namatay nang ‘di umabot sa edad 45. So ibig sabihin hindi na rin siguro ako aabot ng 80.  70 kaya? Malabo…ano kaya mga 60 years old o 65?

Diyos ko, less than 15 years na lang ang itatagal ko, at dito pa ako sa Middle East at tatagal pa ng mga 10 years as OFW kasi may binabayaran pang bahay at lupa.

So kung sakali man, makauwi ako ng 60 years old na. Matanda na, naghihintay ng oras o ‘di kaya’y magiging sakitin at suwerte kung umabot pa ng limang taon mula sa pag-uwi ko. Hay buhay……………..

Di bale may paglilibingan na ako, may kabaong, memorial services (nakapag plan na ako sa lahat)

Sino kayang dadalaw sa aking mga kaibigan, may mga ex gf kaya na pupunta? Mga crush ko kaya? Mga kababata, kaklase ng elementary o highschool, mga kamag- anak, may dadalo kaya?

SIguro naman mababalitaan nila, may Twitter account ako, my Facebook, pati YM meron din at Bbm. Lahat ng high tech nakipagsabayan ako. Oo nga pala sa obituary sa diyaryo pala papaannounce din ako.

Ganito ba talaga ang ikot ng buhay ng tao?

author:   da_professor

p.e./kf