Pera   (Photo   Credit  :     Crumpledpapel.blogspot)

Pera (Photo Credit : Crumpledpapel.blogspot)

Money is not the most important thing in the world but it affects the most important people in your life.

Huwag daw tayong mukhang pera sabi ng nakararami. Tama naman sila. Hindi dapat tayo masilaw sa halaga ng pera at huwag tayong magpaalila dito. Pero sa tingin ko, unang pangangailangan ng tao ang pera. Kailangan mo itong iconsider para mabuhay ka dahil hindi lahat ng tao ay gustong mabuhay nang mahirap. Walang may gustong magutom o mapaghulihan.

May dalawang mukha ang pagiging mukhang pera-isa ay yung nangangailangan at isa yung ang pagiging gahaman. Unahin natin ang nangangailangan.

Lahat tayo, kahit ang pinakammayamang tao sa mundo ay kailangan ng pera. Lalo na dito sa Pilipinas—lahat ng puwedeng pagkakitaan at maging sideline pinapasok nating mga pinoy. Simple lang. Dahil kailangan. Dahil may umaasa sa atin. Dahil kailangan nating mabuhay. At hindi natin yan magagawa kung wala tayong pera.

Kung titignan natin, kahit sa pagibig/kasal/pagsasama ay ikinokonsidera ang pera. Kahit nga sa panliligaw palang nirerequire na yan. Hindi naman sa habol mo yung kayamanan ng lalake pero dahil gusto mong isecure ang kinabukasan ng magiging pamilya mo. Mahal ang magkaanak kaya kailangan nakapondo kayong dalawa.

Bihira na lang ang nabubuhay sa puro pag-ibig lang. Sa hirap ng buhay ngayon, kapag kinakapos ka…kapag wala ka nang pera ihahagis mo na lang ang pag-ibig sa labas ng bintana. Love and monetary security must go hand in hand.(umayon ka man o hindi).

Kaya sa mga lalake, bago kayo manligaw at maging seryoso sa babae, siguraduhin munang hindi lang mukha at katawan ang maibibigay ninyo. Siguraduhin ninyo din na kaya n’yong panindigan yung magiging kabiyak ninyo.

At sa mga babae naman, pilitin ding gamitin ang lahat ng abilidad para kumita sa sariling sikap. Wag iasa lahat sa lalake ang luho at pangangailang. Dapat parehas kayong may financial freedom. Maghanap ng lalakeng responsible, hindi lalakeng mayaman lang.

Pag nagigipit ka, makakagawa ka ng bagay na hindi mo naisip na magagawa mo. Masakit kayang makita na yung mga mahal mo sa buhay ay walang maipambili ng mga kailangan at gusto nila.  Kaya uulitin ko… Money is not the most important thing in the world, but it affects the most important people in your life.

Punta tayo sa gahaman (beep beep). Sila yung mga nangangamkam. Sobra na nga, umaapaw na nga, nagnanakaw pa. Paikliin natin. POLITIKO.  Hindi ko sinasabing pera ang nagpapikot sa mundo dahil sa bandang huli pipiliin mo pa rin ang mga bagay na walang katumbas na halaga. Pero para mapangalagaan sila, kailangan nating magsikap. Masakit kapag sila’y masakit, pero ‘di maipagamot dahil wala tayong pera. Yung gutom sila pero wala tayong maihanda. Muli, Money is not the most important thing in the world, but it affects the most important people in your life.

author:   PirmaAtPluma

p.e./mj