Gasera    (Photo   Credit  :   Forum.philboxing)

Gasera (Photo Credit : Forum.philboxing)

Matagal-tagal na rin akong hindi nakagawa ng blog, kasi una, hindi ko naman talaga nakahiligan magsulat.

Minsan naisipan ko lang na magsulat; kung wala akong ginagawa ay saka ako may naiisip na topic.  Kapag sinimulan ko naman, hindi ko na matapos.

Naalala ko tuloy noong nag-aaral pa ako sa elementarya. Hindi man ako nabiyayaan ng sobrang katalinuhan ay nabigyan naman ako ng galing sa sulat- kamay.  Kahit nga pirma ng aking guro ay nagagawa kong gayahin; dahilan upang yung ibang kaklase ko ay magpapirma sa akin sa clearance.

Siguro nga ito ang biyayang binigay sa akin ng Diyos upang makamit ko ang ilan sa aking mga minimithing pangarap, pero ano nga ba ang topic ng blog kong ito?  Balik tayo.  Natatandaan ko pa noon, bagamat ang aking ama ay nakapag- tatrabaho sa ibang bansa, hindi pa rin naging sapat ang lahat para sa pang-araw- araw na gastusin sa bahay.  May ilang beses din kaming naputulan ng kuryente; isa sa mga bagay na alam ko mahirap kumilos lalo na kung nag-aaral ka. Lalo na kung my takdang-aralin ka na kailangan mong gawin sa bahay.

Minsan, gamit ang kandila, nakakaraos ang gabi na magkaroon ng liwanag sa buong kabahayan, pero dahil sa my kamahalan din ang kandila at mabilis na nauubos, mas madalas ay gasera o ilawang de gas ang ginagamit sa bahay.

Bukod sa mas malaki ang liwanag nito sa kabahayan, mas matipid ito.  Sa paggawa ko ng aralin, sa harap ng gasera ako gumagawa.  Alam na alam ko na nga ang amoy ng gas at usok nito dahil sa madalas na kaharap ko ito pag may ginagawa akong project at assignment.  Pagkatapos nito, haharap ako sa salamin at makikita ko na puro itim ang ilong ko dahil sa usok na nagmula sa ilawang gasera.

Naisip ko lang sa malayong probinsya na walang ilaw, alam kong ito  madalas ang ginagawa nilang ilawan.  Bilang isang mag-aaral, mahirap ang mawalan ng ilaw at kuryente kumpara noon sa ngayon.  Halos na yata lahat ng pinakamadaling paraan para mag-aral ay meron na tayo ngayon.  Paano na yung mga estudyanteng patuloy na nagsisikap na makatapos ng pag-aaral gamit ang gaserang ilawan sa paggawa ng mga takdang aralin nila?

Gamit ang ilawang ito papunta sa kabilang baryo upang kahit sa daan ay makita mo ang nilalakaran mo, masasabi ko ba na ang lahat ng pagtitiis ay nasa probinsya? Lalo na sa mga lugar na wala talagang ilaw at supply ng kuryente.

Nais ko lang ibahagi ang blog na ito para sa lahat ng mga taong nakaranas at nagtiis upang makatapos ng pag-aaral na kahit walang ilaw, dahil sa pamamagitang ng ilawang ito, na malaking bagay hindi man para sa araw-araw na pangangailangan sa iba, ngunit sa mga malalayong lugar sa probinsya, ang ilawang ito ay napakahalaga para sa kanila, dahil dito ay nakamit nila ang kanilang mga pinapangarap sa sinasabi nga nilang pagsusunog ng kilay at pagkakaroon din ng uling sa ilong hehehe, dahilan upang tulad ko rin na naghangad na makaraos sa pag-aaral sa tulong ng ilawang de gas.

author:   draeh

p.e./mj