This story was written way back 2006. Sa pagitan ng paggawa ng toxic homework na inaabot ng hatinggabi.

:D

************

Nagmamadali ako nang umagang iyon. Male-late na kasi ako sa usapan namin ng bestfriend kong si Lara.

Kailangan ko nang magmadaling umalis.

Ngunit naantala pa ang pag-alis ko nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Michael. Sandali akong natigilan dahil sa bahagyang pagkabigla at nang makabalik ang aking katinuan ay dagli ko s’yang pinapasok.

Iniabot n’ya sa akin ang kanyang dalang white flowers at chocolate flavored cake.

“Ano ‘yan?”, taas kilay na tanong ko sa mga hawak n’ya.

“Bulaklak po at chocolate.”, papilosopong sagot nito.

Inirapan ko siya sa sagot na iyon.

“Ang taray talaga”, nakangiting puna nito. “Peace offering lang po. Sorry na oh. Hindi ko kasi matiis na hindi tayo magkausap.”

 Peace offering. Tiningnan ko ulit ang mga hawak n’ya. Matamang nag-isip pagkatapos ay kinuha na ang mga ito.

Tinitigan ko si Michael.

“Bakit?”, tanong nito.

Alam ko na naiilang s’ya sa mga titig ko. At halata rin sa kanyang tono at reaksyon.

“Ang gwapo mo kasi”, sabi ko sa kanya.

“Matagal ko nang alam ‘yun.”

“At matagal na rin akong sinungaling”, dugtong ko.

Sabay kaming tumawa.

“Kamusta ka na?”, pagkaraan ay tanong ni Michael. “Sorry nga pala sa ikinagalit mo.”

“Ok lang ‘yun. Ako nga dapat ang humingi ng sorry kasi ang pikon ko”, ngumiti ako sa kanya.

“Hindi dapat kita tinukso nang ganun.”

“Ano ka ba? Ok nga lang ‘yun.”, sabi ko at pinilit na ibahin ang topic namin.

Naputol ang usapan namin nang tumunog ang aking cellphone. Si Lara. Bigla kong naalala na may pupuntahan nga pala kami.

“Michael, pasensya na ah. May pupuntahan kasi ako ngayon.”

“May date ka?”

Tiningnan ko ulit si Michael at may kapilyahang sinagot ang kanyang tanong.

“Oo. Kay Justin”, banggit ko ang pangalang malimit n’yang itinutukso sa akin.

Bigla s’yang tumahimik at tumingin lang sa akin. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Tama ba ang nakikita kong selos sa mga iyon? Naipilig ko ang aking ulo. Hindi. Ayokong umasa. Kaibigan lang naman ang turing sa akin ni Michael.

“Joke lang.,” sabi ko. “Si Lara ang naghihintay sa akin.”

“Ah si Ms. Beautiful?”, sabi nito na lalong nagpaguho sa kaninang ilusyon ko.

“Gusto mo ba siya? Ilakad kita.”, nasabi ko na lang para maitago ang nararamdaman ko.

“Hindi s’ya ang gusto ko”, seryosong sagot ni Michael.

“Kunwari ka pa”, sabi ko na pilit na pinapakalma ang aking boses sa kabila ng malakas na pagkabog ng aking dibdib. “Bagay naman kayo.”

Mariin ulit s’yang tumanggi. “Hindi nga.”

“H’wag ka na kasing tumanggi. Para naman tayong hindi magkaibigan. Sige, pag tumanggi ka, may gusto ka sa akin.”

Inaasahan ko ang pagtahimik n’ya tulad ng ginagawa n’ya dati ‘pag ang taong ayaw n’ya ang ginagamit ko o ‘di kaya ay tumawa ito nang malakas at sabihing, “joke ba ‘yun?”.

Ngunit muli, nabigla ako nang magsalita siya.

“Hindi nga si Lara ang gusto ko. Ang kulit mo talaga.”, halos matunaw ako sa ginawa n’yang pagtitig sa akin. “Naniniwala ka na ba?”

# # #

author:   marRymhey

p.e./mj