Home
» NEWS » Announcements, Arts, Breaking News, CAREERS, COMMENTARIES, Community, Cultural Identity, CULTURE, Entertainment, Family, HISTORY, HUMOR, Internet, Life in a Different Land, Life in the Philippines, Lifestyle, LIVING, MISCELLANEOUS, Movies, NEWS, Noon at Ngayon, Opinion, Personal Stories, Personal Stories, Reactions, Short Stories, Stories, Television, Thought for the day, World News » Idol pa Rin si Pidol: 5 Things I Remember on Dolphy (and more)
About the Author
slickmaster
Hindi kayang tumbasan ng mga salitang ilalahad ko dito ang buong pagkatao ko. Basta, ang pagkakaalam ko, mahilig lang ako tumuklas ng mga bagay-bagay sa mundo. Pag-usapan ang mga dapat tinatalakay ng aking mga katropa. Kastiguhin ang mga umaabuso sa kabaitan ng ibang tao at mga iregularidad sa lipunan. Idaan sa pagsusulat ang anumang naiisip at nararamdaman. At WALA AKONG PAKIALAM KUNG TALIWAS ANG PANANAW KO SA MAYORYA. Yun lang. Pasensya kung corny ha?
know me even more: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/20/dfbi-blogger-of-the-week-9-slickmaster/
Twitter: slickmasterph
Tumblr: theslickmaster28
Facebook: https://www.facebook.com/theslickmaster28
Personal blogsite: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/ Read Full
Definitely Filipino User Login
Blog-Serye (click here to see all)
Breadwinner (Part 10)
AS usual, ang mga kapitbahay at kaanak ang dinatnan niya sa bahay. Okey lang; mas marami siyang dala ngayon kumpara ... ∞
Breadwinner (Part 9)
NAKAPLASTER na yata ang ngiti sa mga labi ni Angie tuwing magmumulat ng mata sa umaga. Ibang iba ang buhay ... ∞
Breadwinner (Part 8)
ILANG linggo ang dumaan bago dumating ang kanyang visa. Agad niyang kinontak si Ivan para maipabook. Tumawag siya sa magulang ... ∞
Breadwinner (Part 7)
HABANG tumatagal ay lalong sakit ng ulo ang kanyang amo. Pag dumadalaw ang mga anak nito, sinusumbong nito na pinababayaan ... ∞
Casanova Newbie (Part 25)
Sophie Nasa mall kami, sinama kasi kami ng F6 at ate Lauren sa gimmick nila. We became closer to them ... ∞
Breadwinner (Part 6)
MAG-ASAWANG sampal ang natanggap ni Andrea buhat sa ama. Mula nang magdalantao siya nang walang ama, noon lang siya napagbuhatan ... ∞
Breadwinner (Part 5)
SAMANTALA sa Pilipinas, maayos na nag-aaral ang kanyang mga kapatid. Kumuha ng boarding house si Anthony sa Batangas City para ... ∞
IBA’ TO :Kakaibang Love Story Part 3
“Oh, Bf mo?” “Ahum.” “Ah okay that’s good.” Tumayo si Alex at nagpaalam kay Kim. “Eh , cge enjoy the ... ∞
Books by Definitely Filipino Bloggers at Amazon
Definitely Filipino Users Online
This blog has had 113 Visitors the past 5 minutes. The most ever online was 1045, on January 11, 2012 @ 4:02 AM.
We currently have 1 Visitor browsing this page. The users now on this page are: 1 Guest.


Idol pa Rin si Pidol: 5 Things I Remember on Dolphy (and more)
(July 25, 1928 – July 10, 2012) Idol ko si Pidol (Photo Credit Kapamilyanewsngayon.blogspot)
Oo, idol pa rin siya. Sa halos lahat yata ng mga kasabayan niya sa nakalipas na halos 66 taong pamamayagpag sa entablado, pinilakang tabiNg, at telebisyon, siya na lang yata ang isa sa mga tila endangered species ng Philippine entertainment, maliban pa kay Manong Eddie Garcia na nasa 80 na rin ang edad. Ilang pelikula ang ginawa niya mula 1946? 243 ayon sa aking kaibigan na si mommyjoyce. Aba, mas mahaba pa sa listahan ng utang ko sa tindahan para isa-isahin ang mga yan.
Ilang serye ng mga palabas na kasama ang iba’t ibang mga kapwa artista tulad ni Panchito, Pancho Magalona, Babalu, Nida Blanca, Nova Villa at iba pa? Pustahan, kulang pa ang isang buwan para i-playback ang lahat ng mga ‘to sa mga koleksyon ng VCD o kung mayroon man, streaming sa YouTube. Iba’t ibang mga role ang ginampanan niya bilang actor sa TV, radio (tama, minsan niyang pinasok ang larangan na maging dubber) at pelikula, be it straight or gay.
Home Along Da Riles (Photo Credit En.wikipedia.org)
Aminado ako na konti na lang sa mga mala-alamat na gawa ni Mang Dolphy ang naabutan ko na umeere. Hindi kumpleto ang Huwebes ng gabi namin noon kapag hindi naming napapanood ang isa sa dalawang palabas na inaabangan namin sa ABS-CBN: ang Home Along Da Riles. Oo, si Kevin Kosme, kasama sila Mang Tomas, Aling Ason, Richy, Elvis, Baldo, at iba pang mga tao dun sa riles.
Sa malamang, isa lang ang Home Along Da Riles sa dalawang pinakatanyag na programang pang-komedya sa telebisyon na pinagbidahan niya sa loob ng 24 na taon mula noong 1979 hanggang 2003. At yung isa pa na longest-running sitcom? Siyempre, ang John En Marsha, bagamat hindi ko naabutan to. Pero hindi ka laking 80s kung minsan hindi mo nasulyapan ‘to sa RPN.
Wanted: Perfect Father (Photo credit: dolphy-filmography)
Sa pelikulang aspeto ang naabutan ko na lang ay Tataynik, Home Along The Riber, Dobol Trobol, Nobody Nobody But Juan at Wanted Perfect Father. Alam ko noong dekada ’90 marami pa dyan ang nagawa niya kasama na ang movie version ng kanyang sikat na palabas sa dos, pero dahil napakabihira lang ang pagkakataon na makapunta ako ng sinehan o magka-cable para mapanood ito sa mga tulad ng Cinema One, hindi ko nasulyapan ang iba.
Ang Tataynik, naabutan ko pa sa sinehan, nung nasa ground floor pa ang cinema 2 sa Ali Mall. Kasama niya dito ang isa rin sa mga iniidolo at minsan ay ginagaya kong komedyante na si Babalu.
Ang Nobody, Nobody but Juan na may cameo appearance pa ng Wowowee host na si Willie Revillame, napanood ko din. Yun nga lang, ito na rin ang era na tila tumutumal na siya sa big screen, at isama mo na dyan ang Father Jejemon pero wag ka Best Actor yan, at isama mo na ang isa pa niyang pelikula noong kaparehong taon na Rosario ang nakapagpabigay naman sa kanya ng Best Supporting Actor. 2 major acting awards, hinakot niya. Saan ka pa?
Yung Home Along the Riber, sa TV ko na lang naabutan e. Yung Dobol Trobol, sa DVD ng kapitbahay ko. Pero ang mas gusto ko sa lahat ng napagtripan ko, Wanted: Perfect Father. Sa cable ko na naabutan yan. Yung Father and Son nila ni Vandolph? Hindi ko napanood ng buo yun e. Pero bet na bet ko ang kanyang Banayad Whiskey scene. Minsan ko siyang sinariwa at parang baliw lang ako na natatawa habang naka-headphones sa computer shop na pinanonoodan ko nito.
Yung Quizon Avenue din pala, Sabado ng gabi sa Channel 2 yun kung hindi ako nagkakamali kasama ang kanyang mga anak.
Sa malamang, minsan sa ibang panahon, magbabalik-tanaw pa ako sa mga B&W pictures ng Sampaguita, RVQ at iba pang mga gawa niya pati na rin sa ibang mga tao, bagay na ginagawa ko naman talaga minsan kahit sa mga gawa pa ni Redford White, Babalu, Porkchop Duo at iba pa. Habang sinusulat ko nga ito, pinapakinggan ko ang mga spiel at dialogue ng isang antigong John N Marsha episode. Wala lang. Ayos din pala. Asan na kaya ang mga ganitong klaseng palabas ngayon, na dapat sana e nagpapakain sa isipan ng bawat manonood nito? Iba ang uupo sa trono niya sa mga susunod na taon, pero isang bagay lang ang sigurado. Hindi kayang tapatan ng sinuman ang kalupitan niya sa pagpapatawa’t pag-aarte sa nakalipas na halos 7 dekada. Rest in Peace, Idol ka pa rin, Pidol.
Pero, isang bagay pa rin ang nasa isip ko: ‘Di ba dapat nagawaran na ang mamang ito ng National Artist? Hmmm…. Matalakay nga yan minsan.
Author: slickmaster
Date: July 11, 2012
Time: 11:14 AM
© 2012 september twenty-eight productions
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Comments