Broken Trust     (Photo Credit:      S530.photobucket)

Broken Trust (Photo Credit: S530.photobucket)

Nagmeet kami sa isang coffee shop sa 5th Ave. sa New York. Isa akong structural engineer sa isang malaking kompanya.  Nakita ko kasi siyang umiiyak sa isang corner ng coffee shop, sa isip-isip ko, siguro Filipina ang babaeng yon; kayumangi ang kutis, mahaba ang buhok at mala-tsinita ang hugis ng mata.

Kawawa naman, sambit ko sa aking sarili; baka mayroon namatay sa pamilya niya; naibulong ko sa sarili ko.  Hindi ko alam kung anong nagbulong sa akin upang lapitan ko siya at abutan ng panyo, sabay tanong ”are you a Filipina” sumagot naman siya ”obvious ba” hahahahaha….napatawa ako sa sagot niya.

Sorry! Nakita kasi kitang umiiyak kanina kaya ako lumapit, what is it all about? someone passed away in your family?  tanong ko sa kanya.

Hindi siya kumibo, muli akong napatawa, so you are crying because of a broken heart or crying over a spilled milk, biro ko sa kanya.

Hey! Tumigil ka nga…sambit niya, inabot ko ang kamay ko, sabay pakilala ko sa aking sarili, I am ”Joey”, iniabot din niya ang kamay niya at pabulong na sinabing, I am ”Anne”.

Ganoon lang ka brief ang pagkakilala namin sa isa’t -isa, aalis na ako at nang maipagpatuloy mo na ang iyong pagdadalamhati, patawang sambit ko. ‘‘Ulol” sagot naman niya.

Isang week end na namimili ako sa Walmart, palibhasa nakatingin ako sa isang tisay na nakasuot ng mini at tuwad nang tuwad habang inaabot ang mga prutas na pinipili, nabangga ko ang isang shopper sa unahan ko at sumigaw ”Hey! watch out’‘ sabay lingon niya, halos mapasigaw siya ”Joey” aniya.

Sorry! sambit ko nabangga kita.

‘Oo, alam ko. Doon ka kasi nakatingin, sabay turo kay tisay. Pareho kaming natawa. Ewan ko kung bakit sa dami ng puwedeng itanong, ito pa ang nasabi ko ‘‘magaling na ba ang sugatan mong puso?” sabay ngiti.

Ssagot naman niya, itanong mo pang minsan yan ”uumbagin na kita.” tawanan kami uli.  Natapos ang shopping, me dala ka bang sasakyan? tanong ko.

Mag tataxi lang ako, sagot nya.

Inalok ko siya, mayroon akong dala, hatid na kita yon ay kung pakakapehin mo muna ako, pabiro kong sinabi sa kanya.

Sure, sagot niya.

Isa pala siyang nurse sa isang hospital, dalaga at namumuhay na mag-isa sa New York.  To cut the story short, naging kami; pagkaraan ng six months, nagbuntis siya, so nagpakasal kami sa Civil Registrar. Nagdaan ang 20 years, nabiyayaan kami ng tatlong anak, masaya naman kami although sa mag asawa ay hindi maiwasan ang ups and down, pero we managed to survive.

Hanggang isang madaling araw, tumunog ang phone ko at isang pamilyar na boses ang nasa kabilang linya ”Uncle,” can you pick me up! I am down town and need a shoulder to cry on.

Sino yan, tanong ni Anne.

Si Sheryl, sabi ko,  at mukhang lasing.   Nagpapa pick-up, nasa down town daw siya and needed a shoulder to cry on.

Baka nagbreak-up sila ng BF niya, puntahan mo baka mapaano pa ang batang yan, sambit niya.  Si Sheryl ay anak ng isa naming kaibigan.

Iniuwi ko sa bahay ang lasing na dalaga, nagkataon na day off ako sa araw na yon at kami lang ang naiwan sa bahay.  Habang nililinis ko ang mga suka niya sa spare room, lumabas siya ng banyo na nakabalabal lang ng twalya.

Sabi niya, Uncle what is wrong with me? Am I not good enough for anyone?

Darling, you are more than enough for anyone, sambit ko.

Then show me, sabi niya, sabay tanggal sa tuwalyang nakatapis sa kanya.

No! sabi ko. You are more than a daughter to me, that’s all. Please change and leave.

Sabi niya, “if you are not going to make love with me, I’ll tell your wife something has happened between us!’

‘Sa galit ko ay lumabas ako ng kwarto.

Ang walanghiyang bata, tinotoo nga ang banta, sinabi kay Anne na mayroong nangyari sa amin. Masakit ang sumunod na pangyayari. Anne divorced me, branded me as paedophile, issued an injunction, pati na ang rights ko na makita ang mga anak namin ay forfeited. Halos masiraan ako ng bait, lahat ng kakilala at kaibigan namin ay pinandidirihan ako na parang me sakit na nakakahawa. Wala akong nagawa; para akong tinalian sa kamay at paa, tapos  inilagay sa loob ng drum.

No choice na ako kaya lumipat ako sa California para maka-move on at mag- umpisa ulit ng bagong buha. Lumipas ang anim na taon; nagkaroon kami ng convention sa New York.  Tulad ng dati, dumaan ako sa paborito kong coffee shop, isang babae ang nakaupo sa sulok, umiiyak.

Si Anne, sa dati niyang inuupuan noong una ko siyang makita at makilala.  Nang makita niya ako, takbo siyang yumakap sa akin at umiiyak na nagsasabi ng sorry, alam ko na ang totoo, sorry, hindi ako naniwala sa iyo.  Araw-araw akong nandito, nagbabaka-sakaling dumaan ka dito.  Patawarin mo sana ako, sambit niya.

Umakyat na yata lahat ng dugo sa ulo ko noong mga oras na yon at ang nasabi ko lang sa kanya, ”How Dare you!! You put me through Hell, and now you are asking me to forgive you… when you didn’t trust me enough?” How can I?

author:   joey

p.e./mj