Broken Heart  (Photo Credit      Horseisland.4forum.biz)

Broken Heart (Photo Credit Horseisland.4forum.biz)

Walang masayang hiwalayan. Walang madaling pagtatapos lalo na kung sa larangan ng pag-ibig. Mahirap, masakit at mabigat sa pakiramdam; normal na  mga salita sa isang break-up.

Ako ba ay normal pang nilalang?! Natanong ko ‘yan sa sarili ko. Bakit?

Simple lang, sinaktan ako. Oo! Durog na durog na naman itong puso ko. Muli na naman akong nadapa at hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang tumayo.

Pero sa kabila ng lahat, hindi ko magawang magalit o magkaroon ng sama ng loob sa taong nanakit sa ‘akin. Dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.

Iniwan niya akong nag-iisa, naglaho na ang mga pangarap na aming sinimulan   at haharapin ko ang isang bukas na takip-mata na lamang.

Dahil sa nangyari, nakilala ko ang sarili ko. Mas naging matapang ako. Nagagawa ko ng ngumiti sa kabila ng hirap at pighati. Natuto akong lumaban  sa kalungkutan at higit sa lahat napagtanto ko, ‘na ang pagiging masaya ay isang desisyon. Hindi natin kailangan pang pahirapan at palalain pa ang sitwasyon.

May rason ang bawat pangyayari sa ating mga buhay.

Kaya para s a’yo, sa taong nang-iwan sa akin, salamat sa ‘yo. Dahil sa sugat na dinulot mo sa puso ko, mas lalo kitang minahal. Mas mahal kita ngayon higit pa sa kahapon. Wala akong pinagsisisihan simula noong unang araw na nakilala kita. Sa pagpasok mo sa buhay ko, ang iyong naidulot ay puro saya at puro ligaya. Muli mo akong pinatawa sa kabila ng lahat ng aking mga pinagdaanan.

Pero hindi isang love story sa telebisyon ang ating sariling relasyon, hindi masaya ang ending. Natapos din sa panahong hindi natin inaasahan, sa panahon na ikaw ay aking kailangan.

Sa ating sitwasyon, wala akong galit na naramdaman. Taos-puso kong tinanggap ang iyong paglisan, dahil naniniwala ako na kung tayo ang para sa isa’t-isa ipag-aadya tayo ng kapalaran at ang tinatawag nilang “tadhana”.

Naiiba ako sa lahat ng mga babaeng iniwanan; dahil sa break-up, mas lalo kitang MINAHAL. 

author:   mariar

p.e./mj