Baby Bench Colonia Bubblegum (Photo credit: sharedreviews.com)

Baby Bench Colonia Bubblegum (Photo credit: sharedreviews.com)

Noong bata pa ako, mahilig ako sa bubble gum. Mayroon akong nabibili dati. Yung bilog na maliliit na iba-iba ang kulay. Apat na piraso ang piso nun. Naaalala ko pa nga, lagi akong pinapagalitan noon ng mama ko kasi nilulunok ko yun, haha!

Paano naman kasi, subo ako ng dalawang piraso ng bubble gum na yun, tapos kakain ako ng kamote o mais. Siyempre kapag nilunok ko yung kamote o mais, masasama talaga yung bubble gum. Basta hindi ako marunong magtapon nun kapag wala ng lasa.

Hindi nagtagal, nadiskobre ko yung BAZOOKA bubble gum. Kahit ikaw, alam mo yun diba? Yung tatlong piraso ang piso? Yung kulay malarosas na hugis parisukat? Ngumunguya ka din noon nyan diba? Ang gusto ko lang naman kasi sa bazooka, napapalobo ko siya ng napakalaki. Tapos biglang sasabog yun. Siyempre didikit yun sa mukha ko. Kukunin yun ng mga daliri ko, saka ko isusubo ulet. Napapa-eeeeeewwww ka siguro. Uy, bata pa ako noon noh hehe! Aminin mo, ikaw din, ginagawa mo noon yan. Uuuuuyyy nahihiya si ate? :)

Kapag wala ng lasa, lalaruin ko na. Hahahaha! Idididkit ko kung saan-saan. Kaya minsan hindi ko namamalayan pati ang buhok ko, nalalagyan. Ang hirap pa naman tanggalin, haha! Magagalit na naman mama ko nun. Kurot na naman aabutin ko sa kanya.

At kapag mayroong sayawan sa amin noon, siyempre manonood lang ako kasi nga bata pa ako. Mahirap naman kung makikipagsayawan ako sa babaeng hanggang baywang lang ako. Makikita mo ang mga binata at dalaga, ngumunguya lahat sila. Tapos pinapaputok pa nila, hahaha! Hindi ako marunong magpaputok noon ng gum sa dila ko. Oh, natatawa siya? Ayiieeee… Gawain mo noon yan ate noh hehe. Juicy friut yun diba? Yun ang nginunguya ng mga binata at dalaga noong bata pa ako.

Noong nasa mataas na paaralan na ako. Wow, palit ng brand na hehe. Alam mo din yung judge chewing gum? Yung kulay berde, mint flavor siya. Tatlo ang dalawang piso nun. Iyon ang binibili ko noon pagkatapos ko mananghalian. At nginunguya ko yun habang nasa klase ako. Lalo na pag may katabi akong babae. Lasang toothpaste kasi yun kaya parang bagong sipilyo na din. Fresh ang hininga hehe.

Iyon ang dahilan kung bakit lagi akong napapagalitan ng aming guro noon. At ang bansag sa amin ng aming guro, kambing daw kami na nguya ng nguya haha! Dahil sa chewing gum na yan, marami din ako nagawang kalokohan noon. Kapag wala ng lasa, ididikit ko na yun sa ilalim ng upuan ko. Hahahaha! May naalala si kuya oh, ginagawa mo din noon ito noh? Kaya naman ang kapal-kapal na ng nakadikt sa ilalim ng upuan kapag matatapos na ang isang taon.

Ngayon, binata na ako. iba na ang bubble gum ko. Hindi tao, hindi hayop, hindi din ito pagkain. Hindi nginunguya, hindi nilulunok, hindi din ito kinakain. Ito ay ginagamit ko araw-araw. Hindi matamis ang lasa. Pero matamis ang amoy niya. Alam mo yun. Diba? Lalo ka na ate, baka ginagamit mo din ito. Baby Bench Colonia na Bubble Gum? Hmmmm, pang- baby yan pero maraming ladies ang gumagamit nyan.

Ngayon napapaisip ka kung bakit ginagamit ko yun eh pambabae yun at lalaki ako. Kasi po, iyon ang ginagamit ni frozenfire araw-araw. Para kahit magkalayo kami, parang yakap-yakap ko lang siya palagi. Kasi naaamoy ko ang amoy niya. :)

author:   iceburn

p.e./kf