How to Build a Lasting Relationship     (Photo Credit      Wildaboutit.tumblr)

How to Build a Lasting Relationship (Photo Credit Wildaboutit.tumblr)

Hindi naman sa eksperto ako sa mga ganitong usapan. Maka-ilang beses din naman nadurog ang puso ko ng pino at hindi ko na mabilang ang balde baldeng luha na aking sinayang sa maling tao. Minsan pa nga gusto ko na lang maging suicide bomber at sumapi sa mga Abu-Sayaff kaya lang may training pa raw.

Tama nga naman sila, kapag nasaktan ka na ng paulit ulit nalang, natututo ka at nagiging palaban (but not applicable sa mga tanga). Kaya naman, binuo ko muli mula sa pagkadurog ang aking kawawang puso, ginamitan ng stick glue, nilabhan at sinampay at pagkatapos nilagyan ng pabango. Buo ulit ako. Hindi ko na hahayaang may dumurog pa uli nito.

Kamakailan ko lang nabuo ang listahan patungkol sa kung papano umiwas sa nakamamatay na ‘heartache’ at sa kung papano tumagal ang relasyon. Ayon ito sa aking karanasan at kasalukuyang sitwasyon. Mga kaartehan at kadramahan ng lola mo aking ilalahad dito. Pwede mo rin subukan o i-apply sa iyong sarili kung dumaranas kayo ng madalas na pag-aaway. O dili naman kaya’y kung gusto mong tumagal ang inyong relasyon. (Effective ‘to promise.)

** Iwasang maging sobrang matalak—Number one ito sa listahan ko, ito kasi ang pinaka-ayaw ng partner na kung saan para kang bubuyog sa pandinig niya. Maaring iisipin niyang nagmana ka pa sa nanay niya. Huwag din naman yung mula ulo hanggang paa niya ay kinukwestyon pa. Baka embes na siya ang mali dahil sa kakatalak mo ay ikaw pa ang masabihan ng ”Shut the f*ck up”! Naloko na, eh di napahiya ka pa. Pwede naman daanin sa lambing ang galit mo, ‘’love, kumusta naman ang babae mo? Gusto mo ipagtempla kita ng lason? Tingnan ko lang kong hindi ka ipaglalaba or baka yayain ka pa ng date.

** Huwag kang magsisinungaling—Malamang kung Arabic ang mapapangasawa mo ay pupugutan ka ng ulo o kaya’y sisinturunin ka. Kapag alam mong nagkamali ka or kung ano paman yan, don’t lie. Magsinungaling kaman,malalaman at malalaman nila ang totoo. Lalo na kapag babae, dahil mala detective Conan ang mga babae kong maka-imbestiga at maka spy, aakalain mong FBI. Magsabi ka ng totoo, hindi ka naman niya kakatayin. Kapag kasi kahit isang beses ka lang magsinungaling, mawawalan na agad ang tao ng tiwala sa iyo.

**Always be sorry—Iyan ang pinaka mainam sa lahat, always ask for forgiveness. Tupiin mo muna ang pride mo, nagkamali ka eh. Sabi nga ‘walang matigas na puso sa mainit na halik’  Nyay (parental guidance). Mag sorry ka lang sabayan mo ng hugs and kisses, makikita mo, parang na-amnesya lang ang partner mo, nakalimutan ng nagkamali ka. Pero utang na loob hwag din naman ugaliing magkamali dahil baka tuluyang ma-amnesya at pati ikaw makalimutan na. Sige ka.

**Keep Communication Open—Hwag kaligtaan ang batiin siya sa umaga,tanghali, gabi maging sa panaginip niya. Kahit naman ikaw,gusto mo lagi kasama ang mahal mo, gusto mo lagi updated ka sa kung saan siya at anu ang ginagawa. Isang text message ay okay na yan. Minsan din maglaan ng oras sa kwentuhan at asaran, para exciting ang buhay at hindi maboring ang iyong mahal. Charing.

**Be proud of him/her—Yong tipong ipapakilala mo siya sa mundo, sa kaibigan, pamilya at ka FB. Sa paraang ito, malalaman niya kung gaano mo siya kamahal. Ano ang mararamdaman mo  kapag ipinakilala ka niya sa pamilya at mga kaibigan niya? Diba sobrang pleased ka at secured na mahal ka talaga niya. Ganun din ang pakiramdam niya.

** If world is against him/her—Hmm, so what? Kung mahal niyo ang isa’t isa then carry on. Don’t listen to what people say. Basta ba alam mong nasa tama ka at wala kang nasasaktan o naapakang tao (masakit kaya,try mo) at higit sa lahat alam mong may patutunguhan ang pag ke-carry on ninyo.

** Trust—Sino sa inyo ang may trust sa partner? Sa panahon ngayon mahirap ibigay ang tiwala diba? Pero do it. Mas tatagal ang relasyon kapag may tiwala. Maiiwasan ang palagiang away-bati at break ups mood. At bilang partner, maging open ka rin, iwasan ang pagkakataong mapagdudahan ka. In other words, be responsible.

** Be contented—Hindi ko alam kong paano ko I define ito, basta ang alam ko, kung may karelasyon kana, iwasan mo naman lumandi sa iba. Ano, nakulangan ka pa ba? Hwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo. At idikdik mo sa bungo mo na walang mabuting maidudulot ang pagiging uncontented at walang perpektong tao. Kaya hwag kang maghanap ng wala sa isang tao, hwag mo siyang kompletuhin dahil lang sa pansarili mong gusto.

**Tanggapin mo siya ng buong-buong-buo!—Bago mo pa lang siya niligawan o sinagot o kaya’y nalaman mong ganoon siyang klase ng tao at ramdam mong talagang mahal mo siya, then tanggapin mo. Huwag mo ng isumbat pa kung ano siya. Never look back in his/her past, never talk about the past. Never compare him/her to others.

Lastly, to avoid quarrel here is my secret

***Halimbawa ay feeling mo aawayin ka—Malayo ka pa lang praktisin mo na ang drama at katwiran mo. Pag intro, unahan mo kaagad ng isang makabagbag damdaming kwento tulad ng ‘’ Alam mo love,baka matanggal na ako sa trabaho bukas. Kasi si boss pinagalitan ako kanina, sabay punas ng pekeng pawis at pag uunat ng kunwari nananakit mong kasukasuan at kung kaya mo daanin mo sa iyak at drama. Tignan ko lang kung manenermon pa yan.

Above all, make him/her smile all the time. Kapag napapangiti o napapatawa mo siya ng madalas, lagi ka niyang maaalala at maiisip, higit sa lahat lagi ka niyang mamimiss.

Kapag ang lahat ng nabanggit ko ay hindi umobra, hwag kana magpaka trying hard pa, sayang lang ang oras mo, maliwanag pa sa sikat ng lampara na hindi ka niya mahal. Kaya naman give way, find your destiny.

author:   aimeeindubai

p.e./kf