Home
» NEWS » Announcements, Breaking News, COMMENTARIES, Community, Current Issues, Entertainment, HUMOR, Life in the Philippines, Lifestyle, LIVING, MISCELLANEOUS, NEWS, Opinion, Personal Stories, Rants, Reactions, Short Stories, Stories, Television, Thought for the day » Tapos na ang PBB TEENS… E Ano Ngayon?
About the Author
slickmaster
Hindi kayang tumbasan ng mga salitang ilalahad ko dito ang buong pagkatao ko. Basta, ang pagkakaalam ko, mahilig lang ako tumuklas ng mga bagay-bagay sa mundo. Pag-usapan ang mga dapat tinatalakay ng aking mga katropa. Kastiguhin ang mga umaabuso sa kabaitan ng ibang tao at mga iregularidad sa lipunan. Idaan sa pagsusulat ang anumang naiisip at nararamdaman. At WALA AKONG PAKIALAM KUNG TALIWAS ANG PANANAW KO SA MAYORYA. Yun lang. Pasensya kung corny ha?
know me even more: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/20/dfbi-blogger-of-the-week-9-slickmaster/
Twitter: slickmasterph
Tumblr: theslickmaster28
Facebook: https://www.facebook.com/theslickmaster28
Personal blogsite: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/ Read Full
Definitely Filipino User Login
Blog-Serye (click here to see all)
Ang Talambuhay ni Cleo:Pira-pirasong Pangarap (Part12)
Ang Talambuhay ni Cleo: Pira-pirasong Pangarap (Part 10)
Habang naglalakad kami pauwi sa “tapahan” ay tanaw ko ang malawak na palayan at mga kabundukan. Isang tanawing ordinaryo na ... ∞
Hu u? A Love Story – 4
Nakahinga ako nang maluwag matapos ang interogasyon. Instant prinsesa si Jane kahit langgam banned sa kabahayan namin. Kita ko sa ... ∞
Hu u? A Love Story – 3
Habang nasa byahe pinag-usapan namin ang set-up. Sa exclusive school for girls nag-aral si Jane kaya hindi pwedeng sabihing magkaklase ... ∞
Hu u? A Love Story – 2
Pumayag ako sa gusto niya dahil sa wakas magkakaroon ako ng lovelife, kahit kunyari lang. Isa pa, may ipagyayabang na ... ∞
One More Chance (Part 10 / Last Part)
WALANG patid ang pagdaloy ng luha ni Jenny habang patuloy sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit. Kahit matagal niyang pinag-isipan ... ∞
One More Chance (Part 9)
“MAMA, tulungan n’yo ako. Si Justine po, tumitirik ang mata,” malakas na palahaw ni Jenny. Dali-dali naman siyang dinaluhan ng ... ∞
Ang Ama Ko Noon..At Ama Ako Ngayon – Unang Bahagi
Kadalasang napupuri sa pagpapalaki ng isang anak ay ang kanilang ina. Sinasabi nga kasi na ang ina ang ilaw ng ... ∞
Books by Definitely Filipino Bloggers at Amazon
Definitely Filipino Users Online
This blog has had 144 Visitors the past 5 minutes. The most ever online was 1045, on January 11, 2012 @ 4:02 AM.
We currently have 1 Visitor browsing this page. The users now on this page are: 1 Guest.

on
Tapos na ang PBB TEENS… E Ano Ngayon?
Pinoy Big Brother Teen Edition 4. Photo credit: http://rodmagaru.com/
At isang kontrobersiyal na palabas na naman ang natapos na ang pagsasahimpapawid sa Channel 2. Sa sobrang kontrobersyal nito, laging laman ito ng mga usapan; ke sa barkada man o sa mga social networking sites.
Sobrang uso nito, mga pare’t mare, ha? Na ultimo mga quotes na patama sa pag-ibig at kahit sa mga obvious na istilo ng mga linya ng isang kilalang komedyante e, laging naiuugnay ang palabas na ito (HUG MO KO. HUG MO KO…). At yan ay ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4.
Ok, so tapos na ang palabas na PBB TEENS… E ANO NAMAN NGAYON?
Ewan ko. Hindi naman ako masugid na tagapanood ng mga ganyang palabas e. Minsan ko lang iyong naabutan sa TV, pero nung nalalaman ko ang mga eksena nung gabing iyun e walang pagdadalawang-isip na pinatay ko na lang ang TV at napabuntung-hininga. “Ba? Ang sa lagay ba e ganun na lang ba talaga ang mga bata sa paligid ko? Hmmmm…”
Not necessarily naman siguro. Alalahanin mo, na hindi porke’t karamihan sa mga kabataan sa loob ng bahay ni Kuya ay mga tila malalandi na, e ganun na ang imahe ng Kabataang Pilipino as a whole. Ang sakit kaya nun no?
Pero ang siste kasi dyan e, ang lakas ng kapangyarihan ng media. Napakatindi ang kaya nitong ilahad sa mga mamamayan. Kung sa slogan ng palabas ay “ito ang teleserye ng totoong buhay…” hmmm. Ewan ko lang. at kung ito man ay sumasalamin sa buhay ng kabataang Pinoy ngayon…. Hmmmm…. Sabagay, kung anuman din kasi ang nakikita natin sa PBB Teens na yan e ganyan din ang nakikita sa mga parke’t mall, lalo na kung pagkatapos ng klase. Kaya di na rin katakataka para sa akin.
At maraming naalibadbaran kasi kung sino pa ang mga nakikitaan daw ng tunay na potensyal na dapat maging big winner ng nasabing palabas e yun pa daw ang naalis at kung nakakarating ng big night e hindi rin deserving ang posisyon niya. Hindi na bago ang ganitong klaseng senaryo. Kung gusto mo ng pinaka-konkretong halimbawa, e kundi ang HALALAN o ELEKSYON sa lugar ninyo. Ang mga tulad ng PBB na dinidiktahan ng taumbayan kung sino ang mananatili at sino ang aalis ay maihahalintulad sa pagboto natin kung sino sa ating mga dyaskeng pulitiko ang iluluklok natin sa puwestong ninanais. Ngayon, magreklamo ka lang kung bumoto ka talaga. Baka diyan puwede ko pang maintindihan kung bakit ang bitter mo pa rin. At kung hindi ka naman bumoto at maglulupasay ka diyan sa mga pangyayari, e sorry ka na lang, pero wala kang karapatan na magreklamo sa malamang.
Pero sa kabilang banda kasi, may pagaka-pera-perahan ang ganitong usapan e. Siyempre, kung sino ang malakas sa taumbayan, siya din ang iboboto. Siya ang sikat e. Siya ang pinag-uusapan. Siya ang may malakas na hatak. Siya ang may maraming friends sa outside world. Kung kaya ng iba na magwaldas ng limpak-limpak na salapi para lang magpaload at bumoto sa housemate na trip nila sa PBB (ke save man yan or eviction), well gagawin talaga nila yan. Money talk. It’s business. The more na maraming text votes or iba pang paraang para makaboto, e talaga tatabo sa kita ang palabas na iyun.
Pero anak ng pating naman oh, bakit nga ba kontrobersyal ang palatuntunang PBB Teens? E hindi naman na bago ito sa ating sirkulasyon? Ang dami kayang mga nagsulputang mga tao at balita mula nung una itong sumahimpapapwid sa Pilipinas halos 1 dekada na ang lumipas?
Dahil nga sa tinatawag nilang “kalandian” daw na nauuso dun. Kung ano pa man ang ibang dahilan… EWAN KO.
Isa lang masasabi ko. Nanalo na si Myrtle diyan, isa sa mga taong laging laman ng news feed ko sa Facebook sa kada araw na nagtse-check ako nito. Isama mo na diyan ang ibang housemates na si Karen, Kit, at… hindi ko na kilala yung iba. Bahala sila diyan. Haha.
Kung hindi mo gusto ang nanalo, ayos lang magpaka-ampalaya ka… YAN AY KUNG BUMOTO KA TALAGA.
Pero para sa mga tulad ko na hindi naman trip ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4, wala na akong pakialam diyan pagkatapos kong ilahad ang mga ito. At ang mga sobrang emosyonal na bitter diyan sa mga resulta ng naturang palabas…. Uso kaya ang pagmu-move on. Try mo! Hindi yung bibira ka pa ng luto. Para ka namang tanga niyan e.
TAMA NA ANG PANONOOD NIYAN, MGA BATA…. AT MAG-ARAL NA KAYO.
Author: slickmaster
Date: 07/10/2012
Time: 12:14 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions.
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this website without the permission from Definitely Filipino or the author is prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner or Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Comments