Pick-up Lines    (Photo Credit      Shawie)

Pick-up Lines (Photo Credit Shawie)

At ayun nga. Whoo! First blog ko’to at ‘wag naman sanang maging last? Hehe. Teka, saan ko nga ba nakuha ang brainy idea na magsulat ng blog at maging isang blogger? Hmm.. Actually, ininspire ako ng  isang org.  na magbasa ng mga blogs. At nung nagustuhan ko, sinabi niyang bakit hindi ko daw subukan eh kaya ko naman?

Sa una, talagang ayoko kasi wala akong tiwala sa talent ko pagdating sa pagsulat. Pero napilit din niya ko kasi narealized kong may maitutulong din sa akin to. Puwede kong idaan sa pagsulat lahat ng nararamdaman ko, naexperience o naiisip na kung anu-anong ideas na may sense man o wala, eh? Puwedeng makarelate ang iba. Kaya ayun nga, eto ao at nakagawa na ng isa.

Mahaba-habang isipan talaga ang ginawa ko para sa first topic ko. Napakadami ko kasing iniisip….. Kasama ka na dun. Boom! Haha!

Ayun, e ‘di may idea na; kaya kung about saan ang topic ko at maging ang title ko ?? Hindi yan brutal na banat talaga . BANAT yan na magpapaboom-boom sa mga heart n’yo. Hehe Simulan na nga natin.

Napakadami na talagang “IN” ngayon sa society ? Napakadynamic ng mga nangyayari. At ang pagbabago, parang pagpapalit lang ng damit. Napakabilis. Puwedeng ngayon, uso to, bukas hindi na.

Isa na nga sa mga nauuso ngayon, lalo na sa mga teenagers ay ang mga malupet na pick-up lines inspired by boy pick-up. Sa sobrang dami nga ng banat ngayon, wala na tuloy akong ibang maisip kundi…… IKAW! BoOm, Haha. Pati ako tinamaan na ng latest syndrome na yan.

Kidding aside, Kadalasang maririnig ang mga pamatay na banat na yan  sa mga boys na di masabi ang feelings ng seryosohan kaya’t dinadaan na lang sa biruan. Mga boys, na puro pa-haging ng tunay nilang nararamdaman. Halimbawa na lang ay ang mga linyang:

Boy: Alam mo ba ang meaning ng SERYOSO?

Girl: Bakit?

Boy: Mahalin mo lang ako, malalaman mo.

(Ayun oh? Kailangan mahalin ka pa ? eh may dictionary naman, dun ko na lang hahanapin :D hehe)

At kapag nagpapa-impress pa yan, English mode pa.Tulad ng:

Boy: You know, my heart is my biggest enemy.

Girl: Why?

Boy: because it belongs to me.  But it beats for you.

(yun yon eh? ‘di ko naman sinabihan si heart mo na tumibok para sa akin ah? :D)

Eto pa, Walang kadala-dala. Haha

Boy: You know, loving you was the 2nd best thing ever did.

Girl:  Why?

Boy: because Finding you was the first (sabay killer smile)

(boom! Oha! Pamatay si kuya bumanat! May pinaghuhugutan :D)

Oh di ba?? Mga boys talaga eh noh! Lakas maka da-moves, haha. Syempre, hindi naman magpapatalo tayong mga girls. Dahil kung anong ikinalakas maka-banat ng boys, yun din naman ang ikinalakas nating makabasag, sa mga ‘di maubos-ubos na pick-up lines nila. Tulad ng linyang:

Boy:  Apoy ka ba ?

Girl:  OO. Gusto mo, sunugin kita?

(boom! Haha. Di na nakapalag si boy :D naunahan na, basag kagad!)

[2nd round: Pag tayo naman ang unang bumanat.]

Girl:  alam mo, pag naalala kong nagustuhan kita noon, para akong nakasakay sa roller coaster ride?

Boy: Talaga? (kilig) bakit naman?

Girl: kase nakakasuka eh?!

(Aray yun! Nakakasuka daw? Mukhang biggest mistake pa niya ang magkagusto sa ’yo?! Hehe)

Eto pa…

Girl: Si Makata ka ba ?

Boy: ha? Bakit?

Girl: eh kung MAKATAbi ka sa ‘kin, kala mo, tayo na ?

(ayun. Feeler agad-agad ? PBB teens ? Haha)

At  siyempre, ang pinakapamatay( at pinaka-ouch sa boys)

Boy: Puwedeng manligaw?

Girl: Puwede … WAG LANG SA ’KIN?!

(Awwts! Di pa bumabanat, basag na  hehe)

Kasi ANG MGA BOYS NA MAHILIG BUMANAT, ANG SARAP DING BANATAN :D

Maliban sa mga banat at pambasag na yn, mayroon ding iba pang sample ng banat. I-group natin sila base sa paniniwala at panindigan ko, haha! (syempre ao nagsusulat eh? Hehe)

DEFINE: WHAT IS LOVE BANAT:

Eto ang mga banat na kung maka-define ng pag-ibig eh pang slum-book? Lakas maka pag-ibig. Haha

Ex: Ang pag-ibig ko sa ’yo ay parang friend request… NOT NOW!
Ang pagmamahal ko sa ’yo ay parang kabilang classroom…. IBANG KLASE

 BASTA MAKA-BANAT LANG:

Mga banat/ pick-up lines na ‘di mo malaman kung saan kinuha ? Mga estudyante yata ni boy puck-up?? At ang masasabi mo na lang Ha? Anu daw?

Ex: Adik ka ba ?

.

BAWAL UMIHI DITO!

TRICYCLE KA BA?

.

BOSS, Kanto Lang!

PATI  BAGAY, DINAMAY BANAT:

Mga banat na kinuha mula sa names ng bagay, hayop, tao o lugar. Kahit ano, basta makapag pick-up lang. Maipilit lang talaga eh?! Haha :D Kadalasang gawa ng may matabang utak, Hehe

EX: (BAGAY)

Semento ka ba ?

KaSEMENTO be tayo!

(Hayop)

TAMARAW ka ba ?

Kase TAMA RAW na minahal kita!

(pangalan ng tao)

Si KAT ka ba ?

Someone who’s willing to KATch me ?

(Lugar)

Taga-FRANCE ka ba ?

Ikaw kasi ang ka-PARIS ng Puso ko!

At ang huli ay:

 IKAW NA, DA BEST KA BANAT:

Mga banat na suki sa girls at boys. Kakaiba , kaya da best. Unique na, kakakilig pa! yiiiieeeeee! :D

EX: Hoy! Kung sin o ka man! Panagutan mo ko :c

Panagutan mo tong nararamdaman ko sa’yo!

Isa pa!

On the way to the Hospital, magpapa x-ray po!

Nabalian kasi ako ng buto nung …… NAHULOG AKO SA ’YO!

Back in the ball game. Oh? Di ba . Nai-classify pa ang mga banat by group. So ayun nga, sobrang hit na ng banat syndrome ngayon. Kalaban ng vice ganda syndrome, hehe. Kahit nga vice, bumabanat na ? Hm, sa sobrang “IN”  niyan, ang mga cheesy, pamatay, malupet na pambusog na lines na yan ay hindi mo lang maririnig ng personal,pero mababasa na din sa mga books at mapapanood na din sa mga videos at t.v. Nasa cover ng notebooks, nasa keychains, t-shirt at etc. At di mo lang din makikita sa gamit ang mga linyang yan,  dahil kahit sa text ay laganap na ang ibat-ibang klaseng pick-up lines nay an. Bakit ko alam? Actually, Kaya ko naisip ang topic na ito ay isa ako sa mga banat at pambasag na Quotes sa friends ko. (Haha)

At para sa pagtatapos ng una at tinatangi kong blog ! Tentenen! I conclude na ang nauusong banat ngayon ay dagdag lang sa creative ways para ma-express natin ang nararamdamang hindi masabi. At para sa’kin, ang main purpose nito ay magbigay kilig sa sambayanang Pilipino. Hahaha! Basta! Madami mang iba pang mausong bagay, isa lang ang hindi magbabago. At yun ay…. ANG PAGMAMAHAL KO SA’YO! Boom. (Last part na nga, bumanat pa?) Ayun, Salamat sa matiyagang pagbasa! Sana kahit pa’no eh nagustuhan n’yo (dahil kung hindi, literal na babanatan ko kayo. Joke haha!  )

[ PICK-UP LINE KA BA? KASI ANG SARAP MONG BANATAN ] Booom! Bayieee! ^_^

author:   ayiee

p.e./mj