Alms   (Photo Credit      Gerangmgakuto.blogspot)

Alms (Photo Credit Gerangmgakuto.blogspot)

Kaya ko naisulat ito dahil sa isang post ng kaibigan ko sa Facebook wall niya. Na may binigyan siya ng pera o nilimusan ng pera worth 100 pesos; nilagay pa talaga yung halaga..(^_^)  isang matandang babae na nagtitinda sa kalye ng sigarilyo at candy. Naawa lang daw siya sa matanda, kasi nagtitinda pa rin sa kalye kahit may edad na. Tinanong niya yong matandang babae kung bakit sa edad niya ay naghahanap buhay pa rin siya.

Ganito ang tanong niya:   Saan po mga anak n’yo?  Bakit po kayo nagttinda?

(Sana huwag ako makasuhan ng copyright (^_^) copy paste lang kasi ginawa ko ayoko ko kasing mag kuwento nang hindi sakto .)

Sagot ng Matandang Babae:   May mga asawa na ang mga anak ko eh… ayaw ko naman umasa sa kanila, baka may masabi pa. Kaya habang malakas pa ako… kakayanin kong mabuhay mag isa.

Ayaw tanggapin ng matandang babae yung pera. Pero kalaunan ay tinanggap din, napilitan siguro, ipandadag na lang daw niya sa puhunan niya.

Marami ang nagbigay ng compliments at comment sa kaibigan ko.  Kaso may mga hindi ako nagustuhan. Opss, baka sabihin ninyo tsismoso ako; syempre istorya ng buhay yon kaya binasa ko at baka sakaling makarelate.  (Ok ba, lusot ba? ^_^ ) saka yung sa last word ng kaibigan ko.

Ito yung hindi ko nagustuhan:

1.)“Paano kaya natitiis ng mga anak ang Tatay nila o Nanay nila matapos silang palakihin?” Kaya hindi ko nagustuhan parang unfair naman sa mga bata na lumaki na at nakaranas ng physical maltreatment o minsan inabuso pa ang kanilang pagkababae ng kanilang tatay noong bata pa sila. Kahit sino, hindi iyon kayang limutin na lang nang basta basta. Makuha mo pa kayang magpasalamat sa Tatay mo. Hindi, baka isumpa mo pa. Every single person on the planet has a story

Don’t judge people before you truly know, the truth might surprise you. Think before you say something.”

2.) ”Mayroon talagang mga anak na selfish, puro sarili lang nila.” Naniniwala ka ba sa kasabihang kung ano ang tinanim, siya rin ang aanihin. Ako, Oo! Hindi ka naman puwedeng magtanim ng palay, tapos saging ang bunga. Baka bulaklak pa lang yung lumilitaw, bagsak na kaagad ang palay.  (^_^) Sabi nga ni Will Smith “If you’re absent during my struggle, don’t expect to be present during my success.”

Baka isipin ninyo mahilig akong mambasag ng trip at ng mga post? Minsan, kailangan mo ring magbigay ng opinyon mo sa isang issue para maliwanagan ang lahat. Alam nating lahat ang pagtulong sa kapwa ay gawaing mabuti. Ngunit isipin din natin yung dapat tulungan.  Katulad ng kaibigan ko, binigyan o nilimusan niya ng pera ang isang matandang babae na nagtitinda ng candy at sigarilyo sa kalye at sinabi ng matanda na idadagdag na lang daw niya iyon sa puhunan niya.

Practically speaking, mas dadami pa yung paninda na SIGARILYO NG MATANDA, mas dadami pa ang puwedeng magkasakit at mabiktima ng usok nito, nakakalungkot naman. Dapat bago tayo gumawa ng tulong o magbigay ng tulong isipin muna natin nang makailang ulit kung makabubuti ba ito sa kanya at sa nakararami? Alam natin lahat na ang sigarilyo ay number one cause of cancer lalo na yung second hand smoke. Here are some facts about the smoking cigarette or tabacco can cause of cancer – Tobacco smoking causes many types of cancer, including cancers of the lung, esophagus, larynx (voice box), mouth, throat, kidney, bladder, pancreas, stomach and cervix. About 70% of the lung cancer burden can be attributed to smoking alone. Second-hand smoke (SHS), also known as environmental tobacco smoke, has been proven to cause lung cancer in nonsmoking adults. Smokeless tobacco (also called oral tobacco, chewing tobacco or snuff) causes oral, esophageal and pancreatic cancer. Ayon yan sa World Health Organization or WHO, hindi ko lang yan imbento. (^_^)

Marami na ngayong mga organisasyon na tumatanggap ng personal na tulong maliit man ito o malaking halaga. Bakit hindi na lang natin doon ibigay ang pera o ano pa mang mga bagay na puwede nating maitulong, para mas maraming makinabang at matulungan ang iyong ibinigay na tulong. Napaisip Tuloy ako sa post ng kaibigan ko? “PAGLIMOS, MAITUTURING BANG KAWANG GAWA O PAKITANG TAO LANG?”

author:   ip-yon

p.e./mj