People Enjoying Food    (Photo Credit      Filamako)

People Enjoying Food (Photo Credit Filamako)

Ito’y ay isa sa mga joke ko.  Naisip ko lang ipublish kasi maski joke siya sa ilan kong kaibigan, sa akin, malaki ang kahulugan nito.

Marami na akong nabiro sa joke ko na ito, na natawa at sinabihan akong ganoon ka na ba kahirap? Minsan, ‘tong joke ko tinu-totoo ko, sinasama ko talaga sila para manood. Hindi ng sine, hindi ng paglubog ng araw, hindi sa laro ng basketball at lalong hindi sa concert ng mga banda kundi ng mga kumakain sa Jollibee, Mc Do, Max, Chowking, at iba’t ibang pang fast food chain.

Nagtaka siguro kayo at sinabihan ako na weird naman nitong tao na ito o may sapak lang sa ulo. Alam ko na yon, kasi yan din ang sinabi sa akin ng mga kaibigan ko at Girlfriend ko. Ang weird ko daw.

Bakit kailangan naming manood ng kumakain, wala daw ba akong pera? Sabi ko, manood ka muna kasi, enjoy mo lang ang nakikita mo. Panoorin mo saka ka magbigay ng opinion mo sa akin pagkatapos mong manood.

Kalimitan ang sagot nila nakakagutom, busog, nakasimangot at masaya. Tama sila dahil iyon din ang obserbasyon ko. Sabi ko rin sa kanila sa panonod mo ng kumakain, dito mo rin masasalamin ang buhay ng tao .

Sabi ng mga kaibigan ko, lalim ko naman daw; bakit sa ganong bagay ko pa daw inihalimbawa ang buhay ng tao. Hindi ba ang mga mayayaman ay may proper training kung papaano humawak ng kubyertos, papaano humawak ng baso, papaano humigop ng sabaw, papaano ngumuya, papaano hahatiin ang karne sa maliliit, saan dapat nakapwesto ang ang kutsara at tinidor. Ano ba dapat  ang uunahin; soup ba or main dish kaagad.

Sa isang ordinaryong tao naman, wala nang sinusunod na proper dining. Ang mahalaga sa kanila maibsan lamang ang kumakalam na sikmura; kahit kamay lang talo talo na. Minsan sama-sama na sa iisang plato ang  ulam, kanin at soup ay binubuhos na rin sa kanin para gawing sabaw.

Dito ko rin kasi nakita ang iba’t ibang uri ng tao; sosyal, pasosyal, pihikan, mahiyain, makapal ang mukha, walang hiya at higit sa lahat yung matakaw at takaw-tingin lang.

Isang lugar pero kayang pagsamasamahin ang lahat ng uri ng Tao. Isang lugar na kayang salaminin ang buhay ng tao. Isang lugar kung saan puwede mong ipakita sa lahat na ganito ako. Kayo, nasubukan n’yo na bang manood ng kumakain? Kung hindi pa, tara, sama ka sa akin.

author:  ipyon

p.e./kf