Thank You    (Photo Credit      Totaltrust.wordpress)

Thank You (Photo Credit Totaltrust.wordpress)

Give thanks for a little and you will find a lot.
~ The Hausa of Nigeria ~

Matanong ko lang, ano ang feeling mo kapag itong two or one word na ito ay narinig mo? Bigla ka ba napaisip sa tanong ko? Wala lang, naisip ko lang itanong. Simple words lang pero mabigat ang nakapaloob dito sa salitang ito.

Madalas, sa buhay natin, iba-ibang tao ang ating nakakasalamuha; aside from our circle of family and friends, at minsan o madalas din, hindi natin napapansin na mayroon tayong mumunting bagay na nagagawa sa mga taong nakapaligid sa atin.  Dahilan para tayo ay makatanggap ng salitang “Thank You” o “Maraming salamat” o ‘di kaya ay “salamat”. Kadalasan din naman alam natin na meron tayo mga magagandang bagay na nagagawa  na kusang loob o bukal sa kalooban natin.  Yon iba sa atin natural na yong pagtulong sa mga taong nakapaligid sa atin.

Andian yong nakatulong ka para mapagaan ang trabaho n’ya, nakatulong ka dahil nakapagbigay ka ng payo at naliwanagan ang isip n’ya. Nakatulong ka dahil sa pagsagip sa buhay ng isang tao at marami pang mga iba’t ibang uri ng pagtulong na nagawa sa kapwa.  Hindi lahat ng tulong  na ginagawa natin sa kapwa natin ay nangangailangan o kailangan pinansyal o alin man sa dalawang ito ay kailangan daanin para sa salitang tulong.
Madalas din naman mayroon tayong mga natutulungan na hindi naman tayo nag e-expect na tayo ay pasalamatan, pero minsan kapag nakalimutan nila ang tayo ay pasalamatan,  di ba napapaisip o natatawa na lang tayo sabay sabi “ay di man lang nagpa thank you”. May mga tao din naman na balewala na sa kanila lahat siya man ay mapasalamatan o hindi  dahil sadyang likas na sa kanya ang gawaing makatulong sa kapwa.

Hindi ko masabi na ako ay isang tao na mabait, masabi ko man iyon alam ko galing lang sa lalamunan ko, biro o minsan naman ay nasasabi lang.  Dahil alam ko naman sa sarili ko na walang taong mabait. Kung mayroon man, siguro sila yong mga mayroon malawak na pang unawa sa bawat situation at may kakayahan na tanggapin ang pagkakamali o pagkukulang ng mga taong nasa paligid n’ya.

Kaya ko nasabi ito, dahil ang taong sinasabi  na mabait dumadating din ang araw na mas talo pa ang sinasabi nilang masama ang ugali;  dito naman sa puntong ito, dito ako sigurado napabilang ‘dahil napupuno din ang salop at ito ay aapaw” sabi nila. Paano kasi naabuso na ang kanyang sobrang kabaitan.  Napalayo na tuloy ang topic at mabalik tayo sa totoong dahilan ng blog na ito.

Ang makatanggap ng salitang “Thank You at Salamat” sa kapwa lalo na sa mga taong naging parte ng buhay natin aside sa mga pamilya at relatives natin, di ba ang sarap sa pakiramdam? ‘ Yong saya na alam mo walang katumbas na halaga. Kumbaga nakakatulong ka na walang kapalit na suhol, pabuya o gift in return? Di ba mas higit pa ang kaligayahan na nararamdaman at hindi matumbasan ng kahit na anong halaga ang bawat katagang pasasalamat?.

Likas na sa akin ang ganitong attitude kahit hindi ko kilala ang taong lumalapit sa akin at kailangan ng munting tulong. Madalas din ako magkusa kapag alam ko na kailangan ng isang tao o ng mga nakapaligid sa akin kung ano ang puede ko maitulong.  Pero madalas ko din gamitin ang isip ko sa mga ibat-ibang uri ng pagtulong ko sa kapwa ko.  Una, dahil sa panahon ngayon kailangan din ang pag iingat.

Akala ng mga taong nakapaligid sa akin na hindi ako lubos na kilala ay greedy ako at super istrikto, pero ang hindi  nila alam tinuturuan ko sila ng leksyon.  At hindi nila alam dahil sa hindi ko pagtulong sa kanil, a nakapag isip sila ng mga bagay na kailangan nila gawin dahil pinagdamutan ko sila ng tulong. Pero para sa akin masaya ako dahil sa aking pagtanggi nakagawa sila ng mga bagay na akala nila hindi nila kaya gawin kapag hindi sila tinulungan.

Sa aking karanasan,  mas madalas bumabalik sa akin ang mga “good karma” sa mga hindi sinasadyang pagkakataon.  May mga tulong ako na ginagawa na minamasama ng iba; dahil akala nila meron ako ibang motibo, iyong sinasabi nila minsan ay “pagsi-sipsip”.  Kulang na nga lang e scan ko ang nilalaman ng isip ko at puso ko kung ano talaga ang tunay na nilalaman para lamang hindi na sila mag isip ng hindi maganda.  The good thing I noticed is, to an unexpected time, those people  I extended my help before, are the people who helped me during the time I want some assistance.  Madalas din kapag nakakagawa ka ng mabuti sa kapwa mo kapag ikaw naman ang nalagay sa isang sitwasyon na kailangan kailangan mo ang tulong kusa na lang meron din mga taong handa tumulong sa iyo kahit hindi mo lalapitan.

 Pero meron isang katotohanan na ang isang taong matulungin sa kapwa, ay iyon pa ang mga taong madalas sinasarili ang lahat at likas na din sa taong ito ang gumawa ng solusyon na hindi lumalapit sa kapwa para huminge ng tulong.  At mas madalas sila yong mga taong sa tingin ng karamihan ay napakatapang na hinaharap ang buhay; pero deep inside gupong gupo na ito pero ginagawa ang lahat para lang maka survive kung anuman ang meron sya. Nawawalan ng pag asa minsan sa buhay, pero hindi halata dahil marunong magkubli ng tunay na saloobin.  Ang dahilan, dahil ang tingin ng karamihan sila ay ang mga  matapang na tao na kayang harapin ang lahat at madalas masabihan ng “ikaw pa kaya mo yan”.

Kaya mas madalas walang choice ang mga katulad nila kundi ang mananahimik na lang ito ng tuluyan at sarilinin ang kung anuman ang kanilang tunay na saloobin.  Pero ang mga taong ito ay mayroon matibay na faith sa nag iisa nilang “KAIBIGAN” na kanilang nakakasama at nasasandalan sa lahat ng oras. “KAIBIGAN” na mas nakakaalam ng tunay na saloobin kahit ang mga taong ito ay nananahimik lamang sa isang tabi.

Saying thank you and being really being grateful are not just about words.

When you say thank you, you actually open yourself up because you accept.

 You appreciate and you share yourself. You allow yourself to be open to receive love. And that, as you probably know, feels nothing less than wonderful

author:   Dhors

p.e./mj