Pusong Bato     (Photo Credit      En-gb.facebook)

Pusong Bato (Photo Credit En-gb.facebook)

Marami ang nagsasabi na mabait daw ako. Hmm, baka iniisip n’yo kaibigan ko lang sila kaya nila nasasabi ang ganito. Pero, ewan ko hindi ko rin alam.

Bata pa lang ako ay ganito na ko; masunurin, magalang, mapagmahal at higit sa lahat madaling magtiwala. bwahaha Buhatin ba ang sariling bangko? I guess masyado akong makabayan kasi I patronize my own :) .

Hanggang sa isang pangyayari sa buhay ko ang nagpabago sa lahat ng ito. Isang pangyayari na siguro hanggang sa ngayon ay hindi ko matanggap sa buhay ko.

 Hindi ko matanggap kasi alam ko na partly may kasalanan ako sa nangyari. Ang masakit pa nito, taong malapit sa pamilya ko ang sangkot dito. At ang pinakamasaklap sa lahat, walang alam ang pamilya ko sa bagay na ito.

Namayani ang takot at pag-aalala sa batang puso ko. May sakit kasi sa puso si nanay, bawal sa kanya ang magalit. Isa pa, sa batang isip ko sumagi sa aking isipan ang kahihiyang mararanasan ng pamilya ko. I can’t remember kung 7 , 8 or 9 yrs old ako nun. I can say I was totally lost. Gusto kong isisi sa pagiging bata ko at kawalang-muwang sa mundo ang lahat, pero hindi pala ganun kadali yon. Hindi pala madaling makalimot ang murang isipan  ko.

Saan ba ako patungo? Ah… oo Tinatanong ko nga pala sa inyo kung pusong bato , nga ba ako. Sige, itutuloy ko na ang aking kuwento. Hindi ko masabi kung mula nang mangyari sa akin ang bagay na yon eh.. “My Life Has Changed,” wow, kanta yon, di ba?

Pero yon nga, during my elementary Grade nakikipagsapakan ako sa kaklase kong lalaki ah.. wait, hindi po ako tibo, certified girlalu ako. When i was in High school  lahat yata ng schoolmates ko may mga crushes na, pero ako wala, kahit nga artista, wala talaga as in bokya. Pero marami akong kaibigan babae at lalaki. Oh, ha naging friendly na ko sa boys hehehe.

Until college.. dito ako nagkaroon ng crush , hala, ang tanda ko na para magkaroon ng first crush, at take note, he also have a crush on me. Pero mali kayo ng iniisip, hindi naging kami.  Bakit? Ewan ko, pero ayaw maniwala ng lahat na we were just friends; hindi kasi napaghiwalay, kung nasaan ang isa, andoon ang isa. Hanggang doon lang yon.. Story End!

Marami ang nagpapakita ng interes pero they never get me. Ang lahat ng mabuting pakikitungo ko sa kanila ay dagling naglalaho kapag nag uumpisa na silang magpakita ng interes sa kin. I must say, kapag more than friends na gusto nila bothered na ko nun. Madalas sasabihin ko we better be friends.

It just puzzled me, kailan ba natin matatawag na bato nag puso ng isang tao? Ang alam ko kasi bato lang ang puso kung hindi n’ya nagagawang magmahal ng iba maliban sa sarili niya. Alam ko sa sarili ko hindi ako ganoon, pero why are they  telling me that. Maaari nga sigurong tama sila kasi hindi ko rin magawang magmahal nang buo para sa lahat.  Kasi nga may mga bagay na humahadlang sa ‘kin para gawin yon. Sana lang isang araw magising ako na kaya ko anng tanggapin sa sarili ko na hindi ako maruming tao at maaari ko pa ring ipagmalaki ang sarili ko sa lalaking mamahalin ko.

Darating pa kaya ang panahon na magmamahal ako? Yong pagmamahal na tulad ng sa ‘yo. Pagmamahal na buo at walang alinlangan.

Thanks for reading po, ok lang na hindi ito maipublish, I know I’m not a good writer. Salamat  ulit and God Bless us all!

(p.s.  princess, published to ha…^__^  Nabasa mo eh!  God bless you!)

author:  Princess lyre

p.e./mj

Enhanced by Zemanta