Nymphomaniac  (Photo Credit      Julie-n-sparrow.deviantart)

Nymphomaniac (Photo Credit Julie-n-sparrow.deviantart)

May nakilala ako’ng isang babae sa kalye ng Pasay pangalan ay Raquel. Hindi ko na babanggitin pa ang apelyido n’ya dahil sa sensitibo ang istorya ng kanyang buhay.

Sa unang tingin ko palang kay Raquel humanga na agad ako sa kanya kasi kahit bilad ang katawan niya sa init ng araw ay mababakas mo pa rin sa kanyang mukha ang ganda.  5’5″ ang taas ni Raquel, balingkinitan ang katawan at curly ang buhok niya na medyo blonde; matangos ang ilong niya at siya ay maputi.

Tinanong niya ako kung saan ako nakatira; sabi ko sa Dasmariñas Cavite. Sabi niya, doon din ako nakatira malapit sa DLSU o DeLasalle University. Sabi ko oo! alam ko yon .

Dahil doon ay napahaba ang kwentuhan namin, nagutom tuloy ako.  Inalok ko siyang kumain sa isang carinderia, sumama siya.  Marami ang kumakain sa carinderia pag pasok namin; mga jeepney driver, trycicle driver, tindero at tindera sa kalye.

Nagtaka lang ako pag-upo namin; halos lahat sila ay nakatingin sa akin at kay Raquel. May narinig akong bumulong na ‘bagong customer.‘ Sa una, akala ko yung tinutukoy na customer ay yung pagdating namin para kumain.

May narinig na naman ulit akong nagsalita ng ‘libre lang yan, mukhang trip ni Raquel’, sabay tawanan.  Tumingin ako kay Raquel nang may pagtatanong. Subalit ni kurap o galaw man lang ng katawan ay hindi ko nakitaan si Raquel; parang alam niya lahat ang sinasabi ng mga tao.

Hindi ko na pinansin yon, umorder na ako ng pagkain para makakain na kami. Pagkatapos naming kumain lumabas na kami sa carinderia, ngunit habol tingin pa rin sa amin ang mga tao sa carinderia, habang nagbubulungan at nagtatawanan.

Nagpaalam na ako kay Raquel, sabi ko, uuwi na ako.

Sabi niya sa akin, ‘saan ka uuwi?’

Sabi ko sa Dasma.   Sabi niya, ‘puwede ba akong sumama sa ‘yo?   Punta lang ako sa lugar namin.’

‘Oo ba, yun lang pala ‘ sagot ko naman.

 Sumakay kami ng bus biyaheng Trece to Indang. Habang nakasakay kami sa bus, hindi pa rin mawala sa isip ko sino ba itong babae na ito at bakit ganoon na lang ang tingin sa amin kanina ng mga tao?/ Muli ay tinitigan ko si Raquel, normal naman siya; simple. Anong meron siya? Baka may sakit na nakahahawa itong si Raquel; yon kaagad ang pumasok sa isip ko, pero hindi hindi iyon ang narinig ko kanina.

Ang narinig ko ay ‘customer at libre.’   Doon unti-unting nabuo ang inisip ko kanina pa. Napakamot tuloy ako sa ulo ko kahit hindi makati.   Hina ko talaga mag-isip. Ibig sabihin, pokpok si Raquel; yun kaagad ang nabanggit ko.  Pokpok kasi naging common term na sa ating mga Pilipino ang salitang pokpok para idescribe ang isang bayarang babae o mahilig sa sex.

Sa wakas, sa mahabahabang biyahe na halos isang oras at kalahati dahil sa dami ng mall na dinaanan, nakarating din kami sa Sentro ng Siyudad ng Dasmariñas.  Bumaba na kami ni Raquel. Sumakay kami ng jeep papuntang LaSalle, tutal sa DBB-C ako, si Raquel ay DBB-F.  May nakasabay ako na kapitbahay namin; asar ako doon kasi masyadong tsismosa.   Kaya imbes na tumabi ako kay Raquel, sa kabilang upuan ako umupo magkaharapan kami ni Raquel. Nagbayad ako, sabi ko “Ma, bayad, dalawa.”

Napatingin tuloy yung kapitbahay namin; hinahanap siguro kung sino yung kasama ko. Wala naman siyang nakita.   Biniro ako, ‘bayad na ako, hijo.’

Sabi ko ay hindi; may kasama po ako.

Sabi niya, ‘sino?’ Sabay turo ko kay Raquel.

Nanlaki agad ang mata ng kapitbahay namin; parang may panghuhusga kaagad sa akin. Sabay sagot ng kapitbahay namin, ‘kasama mo pala si Raquel.’

Nagulat ako at kilala niya si Raquel. Tahimik lang si Raquel at hindi kumikibo. Umandar na ang jeep na sinaksakyan namin, mga 20 minutes lang, nasa LaSalle na kami.  Pumara na si Raquel sa tapat ng 7 eleven, hindi man lang nagpasalamat o kahit lingon man lang sa akin.

Sabi ko, okay lang.   Kinausap ako ulit ng kapitbahay namin at tinanong ako kung saan ko daw nakilala si Raquel.   Sabi ko, sa Pasay, sa isang tindahan. Nalaman ko kasi na taga-Dasma rin pala siya.   Nakisabay sa akin kasi wala daw siyang pamasahe papunta dito sa atin.

‘Yun lang ba?‘ muling tanong ng kapitbahay ko. ‘Wala ba siyang inalok sa ‘yo?’

Nagtaka tuloy ako.   Sabi ko, wala po.

Sabay irap at tingin na may panghuhusga, ‘buti naman, hijo,’ sabi niya. ‘Ingat ka doon, baka may sakit na yon.’

Nagtaka lalo ako kung bakit siya nagkapagsalita nang ganoon sa tao. Kilala niya nang lubusan si Raquel?  Thru my curiousity, kinabukasan ay nagtanong-tanong ako sa mga tambay sa amin kung may kakilala silang Raquel. Nakahanap naman ako. Kilala niya talaga  si Raquel, pati address ng bahay at mga magulang, naging asawa at ilan ang anak ni Raquel.

Doon na ako nagsimulang magtanong sa kanya, kung bakit naging palaboy si Raquel, saka bakit naging Pokpok si Raquel. Sabi ng tropa kong tambay, ‘hindi naman talaga palaboy at pokpok si Raquel. Sa katunayan, galing siya sa mayamang pamilya. kung makikita mo yung dating pinakamataas na bahay sa tapat ng LaSalle, doon siya nakatira. Nag-aral din siya sa LaSalle. Maganda daw talaga si Raquel noon, mahinhin kumilos, parang Maria Clara ang dating.  Nag- balak pa nga daw mag-audition si Raquel sa ‘That’s Entertainment’ ni kuya Germs, kaso hindi na natuloy kasi may nangyaring hindi maganda kay Raquel. Na-rape si Raquel sa isang bakanteng lote, anim na lalake daw ang gumahasa sa kanya.’

Iyon ang pagkakakuwento sa akin ng tropa ko. Nagtanong ulit ako, ‘eh bakit naging palaboy si Raquel? at naging pokpok?

Sagot ng tropa ko, ‘Hindi yata nakayanan ni Raquel yung nangyari sa kanya, kaya bumigay yung katinuan niya, saka akala ng mga magulang ni Raquel, ok na siya o naka recover na sa nangyari sa kanya. Halos isang buwan nga daw hindi kumain yun at hindi makausap, pero pagkalipas ng isang buwan, bumalik yung dating Raquel.  Akala nila, ok na si Raquel.  Nagkamali pala sila; parang nasiraan ng ulo si Raquel kasi mula noon, nagsasalita na nang mag-isa saka dura ng dura kahit saan.  Saka malimit magyaya ng sex, maski magulang niya, niyaya niya. Mula noon, hindi na siya pinalabas ng bahay.  

Kinulong na lang siya, pero mahirap awatin si Raquel.   Minsan, sinasaktan ni Raquel yung sarili niya; minsan tumatalon sa gate para makatakas lang at makipag- sex kung kani-kanino.  May napangasawa pa nga yon, tinanggap siya ng lalake kahit na nasa ganoon siyang kalagayan.   Kaso hindi rin nagtagal kasi pinaghiwalay din sila.   Kasi hindi matanggap ng magulang ng lalake na may tama sa utak yung na napangasawa ng anak nila. Kaya mula noon, mas lalong lumala yung sakit niya na pagkahilig sa sex.   Ano ba english doon?

Sabi ko, ‘Nimpo Maniac yata yung pag sinumpong ng sex kahit kanino na lang nagpapagamit.’

Yun ba english non?, sabi ng tropa ko.   Saka, pare, halos lahat yata ng tambay doon sa kanila, natikman na si Raquel.  Minsan, pinapagamit pa ng drug’s o tinuturukan para mas maging wild sa sex.   Grabe dinanas noon, p’re.

Tinanong ako ng tropa ko, bakit nga pala, p’re, naging intresado ka kay Raquel ? Balita dito sa atin kasabay mo daw yon noong isang araw sa jeep.

Napamura tuloy ako, anak ng pitong kuba! Bilis talaga ng mga NBI ( NATIONAL BARANGAY INVESTIGATION) yun yung tawag ko sa mga tsismosa sa amin.

Biniro tuloy ako ng tropa ko, p’re, baka nadale mo rin si Raquel. Balita ko flawless daw yon, kahit ganoon.

Nabatukan ko tuloy yung tropa ko, sabay bigay ng 5 pesos para pangrent ng computer. Mahilig kasi yon sa online games kahit na manong na.

Pag-uwi ko sa amin at nahiga ako, naisip ko na grabe pala yung dinanas ni Raquel. Alam kaya iyon ng mga tao sa carinderia sa Pasay, ang istorya ni Raquel at kung pagtawanan nila ay ganoon na lang. Baka pag nalaman nila, hindi na sila makatawa at mapahiya sila sa sarili nila dahil pumatol sila sa isang taong nasira ang pag-iisip dahil sa mga demonyong tao.

Grabe ang tao; mas masahol pa sa hayop. Buti pa ang hayop, inaamoy ang pagkain bago kainin, samantalang ‘yong mga tao na nagpasasa sa katawan ni Raquel, hindi man lang nag-isip kung bakit ganoon si Raquel? at yung mga tao na nagsabi kay Raquel na baliw! Mas baliw sila! Kasi hindi nila alam kung ano ang pinagdaanang hirap ni Raquel sa kamay ng mga rapist.

Yung mga tao na pinagtsitsismisan ang buhay ni Raquel at nagsasabing hindi na gagaling yang si Raquel, habambuhay na lang ‘yang mapapaasawa kung kani- kanino. Sila talaga itong may mga malalang sakit sa pag-iisip na ang tanging gamot lamang ay ang paglagot sa kanilang mga hininga. Ang mga taong nagsabi kay Raquel na baka may Aids or may nakahahawang sakit. Sila talaga itong may totoong sakit na nakahahawa dahil ang bulok na pag-iisip kailan man ay hindi pa natuklasan ang gamot kaya patuloy ang pagkalat nito sa lipunan.

Ang nagsabi kay Raquel na wala nang pag-asang bumalik pa sa dating buhay niya si Raquel, parang sinabi na rin nilang  WALA TAYONG DIYOS.

author:   ip-yon

p.e./mj