Philhealth     (Photo Credit:    PEBA Inc.)

Philhealth (Photo Credit: PEBA Inc.)

Tuwing mag-0open ako ng

(Photo Credit:  Filipinobiography)

(Photo Credit: Filipinobiography)

Facebook ko, marami akong nakikita na “shares’ about sa hinaing ng mga OFW sa ipapatupad na bagong singil (increase) ng Philhealth.  From P900 na naging 1200 sa kasalukuyan, at P2400 na sa darating na taong 2013.  Hinde ako against sa panawagan nila dahil karapatan natin lahat na isiwalat anuman ang ating nararamdaman at opinion, lalo na kung sa isip natin ay lubos itong nakakaapekto o dagdag-pahirap para sa mga OFW at para sa pamilya nito na naiwan sa Pilipinas  ( OFW din po ang aking asawa).  Pero ako iba ang sigaw ko;

“Salamat sa Philhealth Pamilya ko ay Natulungan nito nang maraming beses”.  Calling Philhealth office, dapat siguro isama ninyo ito sa PDOS dahil mukhang dito kayo nagkulang kaya marami ang nagsasabi na hindi naman nila ito napakikinabangan.  

Pero para sa pahapyaw na kaalaman; ang mga OFW’s na mayroon payment na 120 months at dumating sa retirement period na, automatic ay mayroon na kayong lifetime membership na puwede ninyong magamit kapag napagod na kayo sa pagiging OFW.

Kapag nandito na kayo sa Pilipinas at mayroon nang mga rayuma na lumala at me Diabetes na dahil sa sarap ng “dates” or chocolates at ice cream na madalas pagbuntunan ninyo ng inyong depression at pagka-homesick.  

Parang SSS din iyan na kapag naka 120 months ka ng hulog ay automatic na mayroon kang pension at the age of 60.  OO, tama iyang mga nababasa mo na iyan.  At marami pa! Umpisahan natin sa actual na experience ko bilang member, kasama  ng aking asawa na OFW.

Knock, knock…buksan po muna ang inyong isip at alamin ang mga detalye.

Sa aking sariling opinion,  alam ko na marami ang magre- react at  baka mabato pa ako ng masasakit o maaanghang na salita (pati na pagmumura, pero okey lang tatanggapin ko dahil mayroon lang akong gustong ipaunawa at dagdag information na din kung ito ay inyong bibigyang-pansin), kaya please lang po sana bigyan ninyo ng kaunting oras ang blog na ito na aking pinagpuyatan para lamang makapaghatid ng saloobin ko sa lahat at maibahagi ito sa inyong mga kapamilya, kaibigan, magulang at sa lahat ng mga hindi pa lubos na nauunawaan kung ano ba talaga ang layunin ng Philhealth sa ating buhay pang araw araw.

Nalulungkot ako sa aking mga nababasa na tulad nito: (kaya ako nagdesisyon na iparating sa inyo ang kalinawan)

1Dagdag pahirap na singil para sa aming mga OFW, hindi naman kami nakikinabang.

2.Hindi totoo yan na pakikinabangan; ang totoo kukurakutin lang ng gobyerno iyan.

At marami pa, na hindi ko na puwedeng isa-isahin dahil hahaba masyado ang blog na ito.  Sobra lang akong nalulungkot.  Hindi dahil sa increase,  kundi dahil sa aking palagay, marami ang hindi pa nakararanas na mapakinabangan ang kanilang membership fee o iyong mga ibinabayad nila sa POEA (makikita po ito sa resibo : Philhealth P1200) bago pa man sila umalis bilang OFW.  Monthly payment po para sa mga local employed lamang na direct kinakaltas sa suweldo at sa mga voluntary members.

Isa din ako sa member ng Philhealth (locally).  At lahat ng mga empleyado ko ay member ng Philhealth, aside sa Philhealth member kami lahat, mayroon pang health provider ang kompanya.  At salamat dahil nauso ang Philhealth at ang mga Health provider or Health Insurance lalo na sa panahon ngayon.

Dito sa Pilipinas “Bawal magkasakit”, at bakit? Dahil sa Hospital bills pa lang, for sure, hindi ka sa sakit mo maco- comatose, kundi sa ilang digits na makikita mo na parang metro sa bilis, araw araw, lalo na kapag ikaw ay na confine.  Paano na ang mga walang pera? Emergency na nga, mayroon pang mga hospitals na ke dami daming interview, tapos sasabihin hindi puwede kasi kulang pala ang pera mong dala pang downpayment, etc.

Member na ako ng Valuecare (free ng company) up to 70K ang coverage nito kada sakit (iba’t-ibang sakit).  Ang masaya doon kasi pirma lamang ako nang pirma sa hospital mapa-emergency o check-up lang at kapag na-confine din ako. At kapag lumampas sa 70k ang bill ko, iyon lamang ang babayaran ko, pero minus na doon ang kinaltas ng hospital bilang sagot ng Philhealth.  Depende kung saang category nabibilang ang aking sakit.

Kapag hinde naman gaano kakomplikado ang sakit, mababa lang ang ikakaltas ng Hospital na sagot ng Philhealth.  Tulad nang n confine ang anak ko dahil sa lagnat; walang tigil, 3 days sa hospital at inabot ang bill ko ng P7k+. Ang binayaran ko na lang ay nasa nasa P4200.

Malaki ang discount, di ba?

At isa iyan sa dahilan kung bakit malaking tulong sa akin ang Philhealth. Dahil bukod sa akin, pati ang mga anak ko ay covered, pati na din ang mga magulang natin na nasa 60 na ang edad pataas.  Siguraduhin lamang na naka-update sa inyong MDR (Member Data Record ) ang lahat ng mga qualified beneficiaries ng bawat OFW o Member.

Ang tatay ko ay na- admit last year sa sakit sa liver at umabot sa 35k ang bill na binayaran namin, since ang aking mother ay isang brgy. worker sa province, member ng Philhealth (wala pang 60yr old) at mayroong program ang Philhealth na sinasagot ng mga local government ang bayad nito para sa mga indigent members tulad ng nanay ko at para sa mga senior citizen tulad ng biyenan ko noon na nakinabang din.

Ang mga sumusunod na mga pakinabang na aming nakuha sa pagiging member ng Philhealth bukod sa nabanggit ko sa taas:

Bill ng tatay ko sa PGH,  5 days sa liver ang sakit P 32k ang total bill. Hindi kasama ang mga gamot na nabili sa labas na umabot ng 8k total lahat ay 40k.

Since hindi umabot ang resibo at kailangan nang lumabas, binayaran naming lahat ang bill at humingi ng medical record at mga kaukulang papeles na kailangan namin para personal na kami mismo ang mag claim sa Philhealth office sa Quirino Taft avenue Manila. Wait kami ng within 45-60 days at nang tinawagan ko, mayroon nang cheke na refund ang Philhealth na ang amount ay P14,650.00.

SA HALAGANG P1200 na membership sa loob ng isang taon, ito ang ibinalik na benepisyo ng Philhealth.  Ang ending?   Since merong refund at ang tatay ko ay hindi muna puwedeng magtrabaho, ito ay ipinadala ko sa kanila para pang suporta sa pang araw-araw nila.

  1. Anak ko eldest typhod ang sakit, year 2006, almost 1 month sa hospital at ang bill ay umabot ng 60k+, ang binawas ng Philhealth 7k lang.   After 45 days, tinawagan ko ang hotline ng Philhealth at inalam kung magkano ang sinagot ng Philhealth. Nalaman ko na umabot ng halos 19k+, pumunta ako sa ospital kung saan na admit ang anak ko, dala dala ang record na nakuha ko sa Philhealht ( take note:  yung iba na tama ang address, matatanggap ninyo ito sa pamamagitan ng koreo)  I suggest na personal ninyong alamin mismo sa opisina kung saan ang malapit sa inyo na Philhealth.

Nakuha ko sa ospital ang refund ng Philhealth na halagang  nasa P12k+

TAKE NOTE MARAMI ANG HINDI NAKAAALAM  SA # 2 NA PUWEDE  I- CHECK KUNG TAMA ANG KINALTAS NG HOSPITAL AT KUNG MAS MALAKI ANG BINAYARAN NG PHILHEALTH. ITO AY PUWEDENG  I-REFUND NG HOSPITAL SA INYO.  KAPAG HINDI  NI-REFUND NG HOSPITAL, ILAPIT NINYO SA PHILHEALTH OFFICE kung SAAN KAYO MALAPIT.

MAY TIME LIMIT PO ANG PAGRE REFUND KAYA KAILANGANg TANDAAN ANG PETSA KUNG KAILAN NA-ADMIT AT NA-DISCHARGE ANG PATIENT AT ANG NAME NG PRINCIPAL MEMBER AT PATIENT.

  1. Biyenan ko 60yr old above, 2 mata kailanganG operahan, walang pera pang paopera ang mga anak.  OFW ang aking asawa at hindi siya nakapasok na dependents or beneficiary.  Mayroong project ang munisipyo ng Pasay para sa mga may katarata, basta member ng Philhealth, walang babayaran, gamot lang na pampatak, nasa 800 lahat.  Lahat ay sagot ng Munisipyo at ng Philhealth.  Sa private hospital nasa 60k ang operasyon ng katarata pababa, 2years ago pa iyon.
  2. Kapag nanganak ang inyong mga asawa sa hanggang pang-4 na anak ay covered pa rin.

‘Hindi man kayo makikinabang na mga members dahil nasa abroad kayo, pero ang pamilya na naiwan ninyo ang puwedeng makinabang, at kayo na din dahil maiiwasan ninyo ang mangutang nang napakalaki dahil walang pera ang naiwan ninyo sa Pilipinas”.

At kayo na mga OFW, habang nandito kayo sa Pilipinas at nakabakasyon at sa hindi inaasahan ay nagkasakit at wala na ding pera, ngayon ninyo mapakikinabangan ang binabayad ninyo sa Philhealth.

TIP: 1. Bago umalis, ayusin lahat ng dependents, i-update, dalhin ang birth certificates, Xerox ng NSO at kapag natapos na ay ipasok magpa print ng MDR.  Kapag hindi nagawa, iwanan o itago ang resibo ng binayaran sa POEA at iyon ang ipakita sa Philhealth kapag mayroong na-admit para makakuha ng MDR.  Kapag hindi asawa ang mag-aasikaso,  maaaring kapatid ngunit kailangang mayroong authorization letter galing sa inyo, resibo at kopya ng contract ninyo.

  1. Ang 1200 ay good for 1 year lamang at kailangang  naire- renew ito yearly. IMPORTANTE ANG RESIBO, ITAGO dahil ito ang unang hihingiin ng hospital kasama ang MDR. At ito din ang kailangan para makakuha ng MDR ang inyong naiwan dito sa Pilipinas.
  1. Pasintabi, gusto ko lang magbigay ng idea:   P2400/12mos.=200/month…. sa 30 days = 6.67 per day.  Para lang tayong bumili ng kendi araw-araw na ang halaga ay 6.67 o ‘di kaya’y sigarilyo.  After 3 years of paying, at  mayroon nagkasakit, tulad sa tatay ko  sa liver at ang bill ay aabot ng tulad sa kanya at narefund ng Philhealht ay tulad din sa tatay ko na halos 19k mahigit, ex. 2400 x3years=7,200 total hulog, so magkano lahat ang naitulong o napakinabangan natin sa Philhealht?  (sagot = 11,800).
  1. Bisitahin ang link na ito para sa mga dagdag kaalaman http://www.philhealth.gov.ph/members/overseas_workers/registration.html http://www.philhealth.gov.ph/about_us/
  1. Puwede rin ninyong i-member ang inyong kapamilya dito sa Pilipinas para doon sa mga immigrant na sa abroad bilang tulong ninyo.
  1. Puwede po kayong magcomment direct dito; kung mayroon kayong gustong malaman o itanong at willing ko pong sasagutin lahat during free time para sa mga dagdag kaalaman o mayroon mga problem regarding sa Philhealth membership. Kusang loob, bilang tulong ko, bilang isang kababayan at mamamayan ng Pilipinas

 

author:   Dhors

p.e./mjoyce

Enhanced by Zemanta