English: hindi

English: hindi (Photo credit: Wikipedia)

Perfection means a person who demands perfection of himself, herself, or others.
Bakit ko nga ba naisipan ang title na ito? Ano nga ba ang makukuha ng mga mga readers or kung mayroon man ? :)

Para malinawagan, sisimulan ko ang kuwento tungkol sa isang babaeng itago natin sa pangalang Cherry (hindi niya totoong pangalan) na matatawag nating perfectionist; bakit kamo? Ito ang kuwento niya.

Mula pagkabata mahilig siyang magbasa ng mga pocket book at sa murang edad ay mahilig makinig sa radio tungkol sa iba’t ibang kuwento ng pag-ibig. Namulat siya na dapat maingat at huwag basta bibigay sa taong nagustuhan or magugustuhan.

Nasa ikaapat ng taon sa elementarya nang may isang lalaking mas matanda sa kanya ang edad. Aba, nagparamdam sa kanya at buntot nang buntot.  Siyempre natakot si cherry at dahil alam niya ang pakay nito, iniwasan niya at tinakbuhan ba naman at never niyang kinausap nang maayos.  Kaya ayon nahiya si lalaki at hindi na nagparamdam ng interest :) Baka heart breaker itong si Cherry at baka babae ang gusto heheh baka yon ang iniisip n’yo?

Hindi naman; babaeng-babae naman siya kaso lang may mas priority pa talaga siya sa panahong iyon :) Fifth grade na siya nasa ibang school na naman siya at lahat hindi niya kilala.

Mula 1st grade hanggang 4th grade ay honor siya, may pagkamahiyain talaga siya at may panuntunan siya kung anong klaseng lalaki balang araw ang gusto niyang mapangasawa at dapat matiyaga kasi pag hindi, sorry siya; hindi siya mapapasakanya.

May nagparamdam kaso binalewala niya kasi hindi rin niya type ang mga ito at sino ba naman ang magkagusto sa tulad niya, para sa kanya ang pangit naman niya at galing sa broken family. Hanggang sa six grade siya nang namatay ang nanay niya at kailangan niyang pumunta kasi nong time na yon nasa tiyahin niya siya nakititira.

Dito naman niya nakita ang lalaking di niya alam ang pangalan, pero biglang napahanga niya si Cherry paano kasi pinagluto sila ng tiyahin niya ng pagkain habang hinihintay nila ang mama niya. Pero dahil bata si Cherry, balewala yon.
High school na ni isa wala pa talagang boy friend itong si Cherry.

Aba, first day of school, may nagtanong sa kanya na bagong kaklase kung ano ang pangalan niya at walang malisyang sinabi naman niya. Pero ang pinagtakhan ni Cherry, itong lalaking ito ay parang nakipagcompetensya sa kanya. Kapag tumayo siya at sumagot, tumatayo din ang lalaki at sasagot or tanong sa titser nila. Doon lang niya napansin na matangkad pala ito at may hisura at halos lahat ng kaklase nila ay gusto siya.

Sabi ng isa kong kakalase, mala-Patrick daw ang hitsura. Pero siyempre si Cherry hindi nagpadaig sa kanya at sinabi niya sa kaklase niya na ayaw pa niyang magka-boyfriend kasi dapat makatapos muna siya sa pag-aaral. Kaya mula nang nalaman ni lalaki ay bihira nang pumasok at nalaman na lang ng mga kaklase nila na may gf na siya at siyempre dahil madaming nagkagusto tinanong siya bakit hindi ka nanligaw sa kaklase natin special class yata ito bakit doon ka sa ibang seksyon?

Sabi naman niya may nagustuhan sana ako dito kaso ayaw pa niyang magka boyfriend. Aba nagkagulo ang lahat… sino… sino… ? Tawanan at syempre si Cherry nagkunwaring nagsusulat lang siya at hindi nakijoin sa kanilang usapan. Hanggang sa after katapusan na ng high school nagkasundo ang lahat na maligo sa dagat kasi may naipon silang pera mula sa fines ng hindi kompleto ang uniform.

Nagkatuwaan ang lahat at bawat isa may kasama para walang mawala. May kumain. naligo at tawanan. Itong si Cherry mahilig magbabad sa tubig kaya ayon siya ini-enjoy ang tubig at ito namang si lalaki ay lumapit, sabi niya, “hi gusto mo maghabulan tayo?” Sabi niya ayoko ko nga pero hindi niya yata siya narinig kaya ayon nang napalapit na siya sinipa siya ni Cherry at syempre pareho silang nagulat . Ang sama ni Cherry ano? Baka heart breaker nga talaga siya. Kasi lahat ng tao na malapit sa kanya, tinutulak niya papalayo. Paano kasi mahal na mahal niya ang mama at pakiramdam niya siya lang ang kakampi pero nawala pa at iniwan siya.

Nasa second year high school siya nang nakita niya ulit ang lalaki na una niyang nakita six grade siya. Parang may kong ano ang kaba naramdaman niya sa lalaking iyon. Malakas yata ang dating ng lalaking ito sa kanya. Pero dahil sa iisang rason hindi niya pinansin ang naramdaman niya sa lalaking iyon ang pinilit niyang iwaksi. Pero sa bawat pilit niyang alisin at sinabi niya na hindi ka niya magustuhan kasi ang pangit mo at siya gwapo may katangkaran at may kaya. Mukhang may kahawig na singer daw. At mukhang habulin pa sa babae.

Lahat ng katangiang iyan ang pinakaayaw niya sa lalaki. Kaya sabi ni Cherry baka puppy love lang ito tulad ng mga dating crushes mawawala din ito. Ang ipinagtataka niya habang tumatagal lumalala pa yata. Minsan napapanaginipan niya ito. Naku, natakot na si Cherry, paano yan ayaw niya ang nararamdaman niya at hindi niya dapat maramdaman yon. Habang ginugogol niya ang utak niya sa pag-aaral at aktibidatdes sa school. Mayroon namang nagalit sa kanya.

Paano naman kasi sabi nong lalaki maganda daw sana kaso suplada. Di man lang daw namamansin. Sa totoo lang di man talaga niya napansin may mga lalaki din pala nanood sa praktis nila. Hanggang sa nagkasagutan sila at sabi ng lalaki kahit ikaw pa ang nag-iisang maiwan na babae sa mundong ito, hindi kita magugustuhan. Aba ang yabang, sabi ni Cherry at bakit sino bang nagsabi sa ‘yo na magkagusto ako sa ‘yo or ikaw magkagusto sa akin? Ang pangit daw ng ugali ni Cherry, sabi ng lalaki.

Aba unang lalaki yon na nagsabi sa kanya nang harap-harapan. Pero hindi siya nagpatinag at hindi na niya kinausap ang lalaking yon at iniisip niyang isang pangit na bangungot iyon sa buhay niya. hahaha………..

Sa dinami-dami ng mga nakilala niya at pinakita niya na naging matatag siya at matapang at hindi magpauto nang basta basta. Para sa kanya ang mga gwapo talaga, akala nila makukuha nila lahat ng gusto nila pero nagkakamali sila at isa na si Cherry doon :):) Ang taray ang haba yata ng hair ng babaeng ito.

Pero ika nga lahat ay may katapat at kahit anong ingat mo para hindi masaktan ang puso masasaktan at masasaktan din ito. Para malaman mo na nagmahal ka at matuto sa buhay. Inaamin ni cherry nagmahal siya sa taong akala niya hindi magpapatibok ng kanyang puso, akala niya kaya niyang kalabanin ang puso niya, akala niya makalimutan din niya ito pagdating ng panahon at akala niya matatag siya tulad ng tingin ng mga kaibigan at kamag anak niya sa kanya. Pero mali ang lahat ng akalang iyon dahil hanggang sa ngayon madaming tanong na hindi niya kayang sagutin. Madaming tanong na ang nagmamay-ari lang ng puso niya ang makasagot nito.Kung sino man yon secret nalang niya iyon at siya lang ang nakakalam :):)

Isa lang ang natutunan ni cherry kong sana pinaramdam din niya sa lalaking minahal niya eh ‘di sana may kasagutan sa tanong niya ngayon at walang what if? Pero nagpapasalamat pa rin siya sa taong iyon dahil sa kanya madaming siyang natutunan wala palang mapagkukunang basihan kung ang puso na ang tumibok . Iyon ay kusang dumating sa oras na di mo inaasahan at sa taong hindi mo akalaing magpapatibok nito :)

author:   charing

p.e./kf

Enhanced by Zemanta