Two Hearts    (Photo Credit:    Angeljacinto.blogspot)

Two Hearts (Photo Credit: Angeljacinto.blogspot)

Nagmamadaling umuwi si Dianne pagkatapos ng klase. Ayaw niya kasi na makita siya ng boyfriend na si Johnnie. Nag-away kasi sila nang araw ding yon.  Si Dianne ay nag-aaral sa university. 2nd year nursing na siya. Mayaman ang pamilya niya. Doctor ang parents. Ganoon din naman si Johnnie, nag-aaral ng Medicine. Magkakilala ang pamilya nila.  14 lang si Dianne at 17 naman si Johnnie nang maging sila.

Masaya ang kanilang relasyon dahil walang hadlang. Umaasa ang lahat na mauuwi sa kasalan.  Kung nag-aaway man sila, mga simpleng away lang at nagkakabati agad dahil ipinagkakasundo ng parents.

Si Johnnie ay matalino at guwapong binata na katipo ni Gerald Anderson; si Dianne naman ay kamukha ni Kristine Reyes.  Lingid sa kaalaman ng magulang ni Dianne, matagal na niyang gustong makipaghiwalay dahil babaero pala ang binata, may pagkasuplado at mayabang din, at higit sa lahat, mahigpit.  Walang makakalapit na lalake sa dalaga. Hindi rin siya puwedeng lumabas na hindi kasama ang bf kaya pakiramdam niya ay  nasasakal na siya at nagiging unfair ang bf dahil marami itong kinalolokohan na babae.

“Ok lang na mambabae ako, wala namang mawawala at sila ang lumalapit hindi ako.”

Mga linyang madalas sinasambit ng binata kay Dianne. Nang araw na yon nag-away sila dahil nakita na naman niya ang bf na may kausap na babae at nakikipaglandian sa binata.  Na-badtrip si Dianne nang hindi niya ma-start ang kotse niya kaya napilitan itong mag taxi na lang.

Pumara siya sa taxi sumakay ito ng naka- simangot at kunot ang noo. Napatingin siya sa driver na mukhang bata pa, matikas ang katawan at mukha din namang maayos, moreno at mukhang mabait.

Hi miss, alam mo maganda ka kung d’i ka nakasimangot.” Sabi ng driver. Pilit na nakipagplastikan si Dianne, ngumiti ito at nagsabi ng puwede pakibilisan naman. Sumagot ang driver nang, “Miss, traffic mababangga tayo kapag binilisan ko.”

Napangiti ulit si Dianne at sabi niya sa sarili niya, buti pa ang driver na ito may sense kausap kaysa kay Johnnie.  Tuloy ang pagsasalita ng driver. Kinakausap siya, pinapatawa at nagpatugtog pa ito ng music na “It Might Be You.’”

Gumaan ang loob ni Dianne.  Habang nagmamaneho ang lalake, titig na titig si Diane, para bang naaaliw ito sa binata.  Nang makarating ito sa bahay, binuksan pa ng driver ang pinto. Ramdam niya ang pagiging gentleman ng lalake. Ibang-iba sa bf niya.  Nang gabing yun binabalewala ni Dianne ang mga text at tawag ni Johnnie, ayaw niya makipagbati sa boyfriend dahil ang totoo nakatatak sa isip niya ang mga ngiti at mapupungay na mata ng driver na si Anton.  Sabi ni Dianne “Makikita ko pa kaya yun?

Pinaayos niya ang kotse at sa loob ng dalawang linggo, inaabangan siya ng binata sa labas ng University. Nagkapalagayan sila ng loob nang minsang ihatid siya sa bahay. Nasiraan ang taxi ni Anton, kaya kumain silang dalawa sa isang malapit na restaurant at doon naramdaman ni Dianne na in love siya kay Anton.  Wala siyang pakialam kung driver lang ito basta’t ang alam niya masaya siya. Kaya’t madalas itong sumasama sa binata pagkatapos ng klase. Walang alam ang boyfriend nito na siya pala ay nahuhumaling sa isang taxi driver. Binibigyan niya ng mamahaling gamit at pera si Anton kahit nahihiya itong tanggapin.

Namamasyal silang dalawa. Sa kanya naramdaman ni Dianne ang kasiyahan na hindi niya mahanap kay Johnnie.  Sa loob ng limang buwan, naging masaya sila, hanggang isang araw, niyaya ni Dianne si Anton na magpunta sila ng Tagaytay. Gabi na at galit na galit ang bf na si Johnnie dahil hindi niya sinipot ang dinner date nila.  Kaya inutusan ni Dianne si Anton na patakbuhin nang mabilis ang taxi pabalik ng Maynila.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nabundol ang kotse, duguan si Dianne at hinimatay. Na-contact ang bf na si Johnnie, dahil na check nila ang celfone nito. Pumunta ito sa Emergency room.

Nagising si Dianne na sinasambit ang pangalang Anton. Nagulat si Johnnie at tinanong na “Sino si Anton?”

“Si Anton ang driver ng taxi, ang kasama ko. Nasa ICU siya at malubha ang bagok ang ulo niya nang huli ko siyang makita.” Umiyak si Dianne hindi niya akalain na mangyayari yon. Masayang masaya silang dalawa sa Tagaytay. Siya ang nagyaya, kaya nakaramdam ito ng pagsisisi sa sarili.

Dianne, bakit mo iniiyakan ang driver na yun??” Galit na sabi ni Johnnie. lumabas ang pagkasalbahe nito at ‘di man lang napansin ang sitwasyon ni Dianne.

Pumunta si Dianne sa ICU. Umiiyak ito nang makita ang sitwasyon ni Anton. Kasama ni Anton ang operator ng taxi na siyang nagpagamot sa kanya.

“Anton, pangako mo sa akin na magpapalakas ka. Marami pa tayong pupuntahan. Huwag mo akong iwan, I love you, Anton.”

Narinig lahat ito ni Johnnie. Nasaktan siya at hindi makapaniwala sa narinig.

Hinarap niya si Dianne at nagtanong.  ”May relasyon kayo ng hayop na driver na yan!?”

Sinampal siya ni Dianne at sinabing. “Hindi siya hayop! Oo, driver lang siya pero mas naging masaya ako sa loob ng limang buwan na kasama ko siya. Limang buwan na paraiso kaysa apat na taon na impiyerno na kasama ka!!”

Hindi makapaniwala si Johnnie at parents ni Dianne na ipinagpalit siya nito sa isang taxi driver lang.  .Hindi nila ito matanggap.

Gumaling si Anton. Pagkatapos ng isang buwan, sinabi niya kay Dianne na, “Balikan mo si Johnnie. Hindi kita kayang buhayin, Dianne, driver lang ako. May magandang kinabukasan na naghihintay sa ‘yo kapag si Johnnie ang magiging asawa mo.”

Pilit mang lumalayo si Anton kay Dianne, hinahanap hanap pa rin ito ng dalaga. Mahal na mahal niya si Anton. Mahal na mahal din siya ng binata, pero hindi niya kayang ibigay ang lahat kay Dianne kaya kusa itong lumayo.

Nasaktan nang sobra si Dianne at nagising ito sa katotohanan na kailangan niyang kalimutan si Anton. Hindi na rin siya nakipagbalikan kay Johnnie dahil may ipinalit na ito sa kanya.

Pagkatapos ng dalawang taon, nurse na si Dianne. Wala na siyang balita kay Anton.

Isang araw, habang nag-duduty siya, may babaeng manganganak. Nagulat siya at si Anton ang asawa. Magkahalong ngiti at lungkot ang kanyang nadarama. Niyakap siya nang mahigpit ni Anton at sinabing, “Dianne, I’m sorry, minahal talaga kita. Mahal na mahal. Alam ko, nasaktan kita. Noon pa man hindi na puwedeng maging tayo. Hindi ko nasabi sa ‘yo na may asawa na ako. Naiwan ko sila sa probinsya.”

Nagulat man si Dianne sa narinig, wala siyang magagawa. Hindi niya alam na minsan pala siyang naging kerida at kung pinilit niya ang gusto niya ay may isang pamilya sana ang nawasak dahil sa kanya.

Sa magkayakap na puso at sa pag-ibig, walang langit at lupa at kung minsan, nagmamahal tayo ng maling tao sa hindi tamang panahon at sitwasyon.

Babae ang anak ni Anton at pinangalan niya itong Dianne.

author:   mjsweetiecarreon

p.e./mj